- 6 -

94 12 11
                                    

Ang bilis naman ng araw. Parang kahapon lang ang weekends eh. 


Yes! Finally. Field trip na! 


Nagising ako bago pa pumunta si Alaska sa kwarto ko. 4:13AM palang pero gising na gising na ko. 


Bumaba na ako para kumain. May hotdog sandwich sa table. Yun lagi ang breakfast ko pag may activities sa school. Para madaming energy.


"Alaska! Come here girl."


Lumapit siya na may kagat na laruan. White miniature toy bus. Hay naku naman si Charlie. Kung saan saan nilalagay gamit niya. Nilagay ko nalang muna sa backpack ko. 


Nagshower na ako at nagbihis ng PE uniform. Nagpatuyo na ako ng buhok tapos nagonline sa FB. Gising na si Aubrey haha. Nag PM siya sa GC namin.


Aubrey: Good morning guyss!


Ako: Yo Aubrey morning!


Well siya palang gising. Nakaready na ko!


Palabas na ako nang bigla akong natalisod. Asar naman to. Nagkalat tuloy gamit ko. Kung kelan paalis na ng bahay tsaka pa ako madadapa. Tumayo agad ako at kinuha mga gamit ko na nahulog. 


Earphones, foods, laruan ni Charlie, teka isasama ko ba yun? Hay sige na nga wala ng oras eh. Nilagay ko na lahat sa bag ko. Naku ang gulo. Di bale na. 


Lumabas na ako at pumasok na sa kotse. Pag dating ko sa school nandun na sila Kylie, Ellaine at Rixel. Konti palang kaming nandun.


Maya maya dumadami na mga tao dito. Excited na ata lahat?


*bzzt*


Hm may nagtext saken. Nilabas ko iPhone ko.


Little bro:
Ate! You left your shades at the floor.


Hay naku! Kung ano pa ang pinakamahalagang gamit saken yun pa naiwan mo. Yung Ray Ban shades ko.


To: Little bro:
Padala nalang please! Merci! (Thank you!)


Kinakabahan tuloy ako pag wala yung shades ko. Nakipag-daldalan muna ako sa tropa habang nag-aantay. Hmp ang tagal naman ni Charlie. Nasan na kaya yun?


"Um Carrie, shades mo oh."


Pag tingin ko si Craig. Hawak niya yung shades ko.


"Thanks, Craig."


Kinuha ko na yung shades sa kanya. Pero nung kinukuha ko, ayaw niya bitawan. Hays, umaatake nanaman pagkachildish neto. Pilit ko kinuha sa kamay niya and finally, nakuha ko na shades ko. Nakita ko si Den den na nakatingin samin. Yung ngiti niya na parang may meaning. 


"Um ano tawag na nila ako. Bye"


After 10 seconds ata tsaka nagprocess sa utak ko yung dapat kong sasabihin. Nakakahiya naman.


"Ehem ehem."


Tumingin ako sa umuubo. Ay hinde, kunyaring umuubo. -_- hay naku Den den. Makapangasar eh.


"Hoyy wala yun."


"Wala daw."


Tas yung ngiti na yun ulit na mapangasar. Hayy naku. Nagcellphone nalang ako habang hinihintay ang ibang kasama ko. Wala akong games dito na hindi nakakasawa laruin. Dead Trigger, Dumb ways to die, sniper. Puro brutal.


Naghanap nalang ako ng mga kanta. Kinuha ko earphones ko pero sabi ni Den den pipila na daw.


Pumila na kami sa section namin. Ugh. Mahahati pala kami. Kelangan daw yung magkakagrupo sa project ang magkakasama. 


Naalala ko nanaman yun eh parang hindi na kami nakakapag-enjoy eh. May task pa na dapat tapusin. Pero okay lang naman dahil puro pictures lang naman kelangan.


"Yay! Excited na ko!"


Sabi ko kay Denise. Tumingin mga katabi ko. Haluh? Malakas na ba yun?


"Di naman halata eh."


"Kalma lang wala pa tayo sa bus." -Margaux


"Geh lang."


Lumabas na kami ng Mckinley High.


Ang saya kahit nasa labas palang kami ng school!


Ayan na bus 13 nauna pa kesa sa 12 haha. Tinignan ko mga palatandaan ng bus.


Number sa itaas ng pintuan 2281.


Hmm sa plate number DTH 013.


"Waaa! Let the field trip begin."


Sigaw ko sabay suot ng shades.


x x x x x x x x x x

Do you believe in signs?

In Death's EyesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang