- 5 -

113 12 5
                                    

Carrie's POV


Waaa! Kinakabahan ako kanina kay Craig. Buti nalang sa tuhod lang siya nagkasugat at hindi sa ulo. 


Pumasok na ko sa room ko. Nakita ko maingay mga kaklase ko kahit naglelecture teacher namin sa Math. 5 minutes nalang bago magsecond recess. Pumunta na ulit ako sa upuan ni Bryle at nakipagdaldalan ako kay Denise.


Naalala ko yung nangyari kanina kaya ngayon naka ayos na ako nang upo. Ayokong may masaktan nanaman tas dadalin ko sa clinic uli.


Riiiiiiiingggg


Ayun bell na. Bumaba na kami ni Margaux papuntang canteen. Pagkabili niya nakita ko si Craig sa likod ko. Nagulat nga kami parehas eh.


"Thanks pala ulit Carrie."


"Okay lang yun pre."


"Pre?"


Omg! Hala sa mga kaclose ko kasi ganun ako eh. Nakakahiya naman.


"Um hehe."


"Haha okay lang yun pre."


Tapos nakipag apir siya sa akin. Tapos umalis na kami at bumalik sa table namin.


"Oooh pree."


Eto talaga si Margaux mapangasar. Eh di ko naman sinasadyang masabi yun eh. Parang close ko na agad yung si Craig.


"Haha. Wala yun."


Umupo na kami. Hala parang may tumutulo galing sa taas. Pagtingin ko medyo madilim na ang paligid. May nagbukas pa ng ilaw. Hay salamat atleast maliwanag na sa loob ng campus. Teka naiwan ko ata payong ko. Hayy pag minamalas nga naman.


Fast forward to subject before dismissal time...


Bell naaa. Computer time naaa! Masaya ang computer namin lagi. Pwedeng gumawa ng kung ano ano, di ka papagalitan. Favorite subject din yan ng buong klase eh. Mabait ang teacher.


Pumunta ulit ako sa harap ni Den den.


"Den!"


"Oh?"


"Wala akong magawa."


"Ako rin eh."


Tapos napaisip ako. Hmm topic nalang namin about sa field trip. Tutal malapit na naman eh.


"Ano dadalin mo sa friday?"


"Yung iPod ko tsaka pagkain."

In Death's EyesWhere stories live. Discover now