Chapter 6

6 1 0
                                    

Wallet


I convinced myself that it was just because of Andrea. No need to put unnecessary colors with his action. It's just an act of kindness and appreciation. Tama! 'Yun lang yun.

'Yun lang dapat yun.

Weeks have passed, naging busy ulit kami dahil sa preparation ng Science Day. Everyday there were meetings after class, tapos kailangan ko pang humabol sa mga activities sa mga subjects ko. Though tiring, it was also fulfilling. While campaigning, this has been my dream- to organize our Science Day. Sabay parin kaming kumakain ng lunch apat, generous na generous parin si Miggy sa ulam niya, at kinikwentuhan kami ni Terrence ng mga Science and Math facts (na favorite kong tulugan talaga).

Habang nagkukuwento si Terrence ng amazing science and math facts niya, nakita ko ang pagdating ng isang officer din ng RSL- Matthew Perez. Nang magtama ang aming pagtingin, ngumiti siya ng malawak sa akin at nagsalute dahilan ng mahina kong pagtawa. Terrence and team glanced my way and looked at me ridiculously. "What?" natatawa kong tanong at tumayo na para pumunta kay Matt, alam kong about to sa mga paperworks ng Science Day kaya importante.

"Cring, napa sign ko na sa principal ang mga needed papers. Nasubmit ko na rin sa ibang teachers ang paper na kailangan ng pirma nila. Printing na din ang invitations." Tuloy-tuloy niyang paliwang habang may pinopint sa paper na dala niya. I sighed my relief kasi sa wakas, kaunti nalang ang kulang. Siguro decorations nalang and prizes ng mga teams na mananalo. "Salamat masyado, Matt! Gusto mo ba libre kitang pagkain sa canteen ngayon? Mukhang ang stressed mo kasi sa paperworks, kumain ka naman" tawa ko sa kaibigan dahil kahit presentable at guwapo pa naman- halata pa rin ang eyebags.

"Sige tara, ako nalang bahala. Gutom na din kasi talaga ako, nag lunch ka na ba?" balik niyang tanong. "Oo, wait. Hintay ka lang diyan, balikan ko muna wallet ko sa loob."

Pumunta na ako sa loob para nga kunin sana ang wallet ko. Naabutan ko si Miggy at Hera na nagbabangayan na naman, habang si Terrence ay masungit na sosolve na sa reviewer niya. Tiningnan niya ako at masungit na tinaasan ako ng kilay. Woah, anong problema nito?

Habang kinakalkal ang bag, napakunot ang noo ko nang hindi mahanap ang wallet. Sigurado akong nandito to sa maliit na front pocket ng bag ko. Imposibleng mawala naman. Nahalughog ko na ata lahat ng parte ng bag ko, but my wallet was missing... Nag angat ako ng tingin sa mga kaibigan, at naabutan sa Terrence na tinitingnan ako- masungit parin ang mukha. "Nakito mo ba wallet ko? Nawawala eh," pagbabakasakali ko sa kaniya.

"Hindi," masungit paring tugon.

Tsk. Parang hindi ata ako makakapunta ng canteen ngayon, epal naman. Gusto kong kumain ng siomai. Malungkot kong binalikan si Matthew sa may pintuan at sinabi sa kaniya ang sitwasyon ko.

"Ganoon ba? Libre nalang kita, gusto ko din ng siomai eh." nabuhayan ang loob ko pagkasabi niya noon. Nakita niya siguro ang saya ko kaya napatawa siya ng malakas. Nahiya ako sa saya ko. Ang patay-gutom naman tingnan. Napatawa na rin ako sabay sa kaniya. Sa gitna ng pagtatawanan namin ni Matthew, nagulat akong makita si Terrence sa harap namin- dala ang wallet ko.

"Nakita ko. Nahulog." ani niya na gulat kong tiningnan ang wallet sa kamay niya. Kinuha ko ito at tumingin sa kaniya na parang na we-weirdohan sa nangyari. Hindi talaga parang! Ang weird lang. I almost turned my bag upside down para lang mahanap 'yun pero hindi ko nakita. Well, anyways...

"Thanks, Terrence!" ngiti ko parin sa kaniya at binaling atensyon kay Matt na nakatingin sa likod ko. Hinila ko na siya para makapunta na sa canteen. Gutom na ako!

Habang naglalakad kami ni Matt, parang tanga siyang ngumingisi kaya tinanong ko kung anong meron bakit ang saya niya.

"May nangyari ba kay Terrence?" tanong niya sa akin kaya napabaling ako sa kanya na nakakunot ang noo. Anong ibig nitong sabihin?

"I mean parang bad trip kasi masyado kanina pagpunta ko. Suplado naman talag yun tingnan pero feel ko bad trip talaga yun kanina." Sabi niya habang mahinang tumatawa at nakatingin sa akin. Oo nga no, he's especially grumpy a while ago. Di ko alam kung dahil ba 'yun kay Miggy at Hera. Baka di sila nakinig sa mga sinasabi ni Terrence kanina.

"Baka nabadtrip lang kay Miggy at Hera, may topak rin kasi yun minsan." Tugon ko nalang sa kaniya, at siya naman ay tumatango pero parang hindi naniniwala.

Nakaabot na kami sa may siomai na stall sa canteen kaya dumiretso kami doon. Namili rin kami ng buko juice at mga kakanin. Maraming students pero di rin naman kami nahirapan sa pagbili. Kinain na namin doon ang mga pagkain para di na abala pabalik sa classroom.

"First time kong nakita sa Terrence mabadtrip, alam mo ba 'yun?" tuloy ni Matt sa topic namin kanina tungkol kay Terrence.

"Hmmm... feel ko di naman yun first time na badtrip, first time mo lang siguro kasi di mo naman yun classmate." Natatawa kong sabi sa kaniya pero tiningnan niya lang ako.

"Alam mo tapusin na nga natin tong pagkain nang makabalik na tayo, malapit na rin kasi first period namin for this afternoon." Sabay tingin ko sa relo ko. "Meeting nalang tayo for the program mamaya, sana maging maayos talaga 'tong Science Day. Pag tapos nito, makakatulog na ako ng maayos." Ngiti ko sa kaniya at tumayo na rin.

Tumayo na rin si Matt at kinuha ang mga basura namin. Nilagay niya ito sa tamang basurahan bago ako binalikan sa pwesto ko. Nag alcohol kami at naglakad na papunta sa classroom.

"Stay clueless, Maria Christina." He chuckled lowly and escorted me back to our classroom.

Clueless sa alin?

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon