Chapter 22

3 0 0
                                    

Graduation


I felt my heart beating so hard that my chest hurts so much. This hug comforted my soul so much, but why do I feel that this is illegal? This is my best friend, tapos sabi niya pa may gusto siya. I want to prolong our hug so much and I want to justify that this is okay, pero alam ko rin na sinasabotahe ko lang ang sarili ko. Kapag nagtagal 'to, alam kong masasaktan ako. Sobra.

Kaya hindi nagtagal ang yakap namin at agad ko itong kinalas. If doing this and putting a distance between us means saving our friendship and if it means saving me from a huge heartbreak, I will gladly oblige and walk away first.

After our Christmas together at Tagaytay, hindi ko alam if pansin iyon ni Terrence pero lumayo na naman ako. Kapag pumupunta siya sa bahay, pinapasabi ko kay Mama na gumala ako kasama ang mga kaibigan. Hindi ko lang matakasan pag siya na ang pumupunta sa school namin. He greeted me during New Year's Eve, and I greeted him back too... Pero 'yun lang, hindi na nasundan ng iba pang pangyayari. Hanggang sa pag-apply ko sa college. Ni hindi ko na nga siya natanong kung anong kukunin niya. Nag apply ko sa UST nang hindi ko sinasabi sa iba at kahit sa kaniya.

Hindi rin masyadong nakakapagchat o call si Terrence sa akin nang mga buwang iyon. Siguro busy rin sa eskwela at sa pag-aaply ng mga skwelahan. At some point, medyo na curious din ako kung anong kukunin niya. Pero siguro pareho kaming may surprise sa isa't-isa kapag may guts na akong harapin siya. Ako sa school ko at siya kung anong course niya.

The night before my graduation, I heard my phone beeped. My eyes widened and my heart started to beat faster shamelessly. Almost three months ko na ata siyang iniiwasan at ngayon lang siya nag chat ulit kasi parati siyang pumupunta sa bahay o sa school.

Terrence: Advance Happy Graduation, Cring! :)

For a moment, hindi ko alam anong irereply. For a moment, I only stared at my phone. Until I found myself tearing up for no apparent reason. O baka meron din naman... Bakit ba ang bait niya? Ako na nga lumalayo pero bakit parang feeling ko ang sama ko. Potek na smiley face 'yan.

Ako: Thank you, Terrence. Soon kayo narin. :)

I added a smiley emoji too para maging mukhang friendly ang reply ko. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa kaniya? Siguro dahil 'to palagi kaming magkasama. Hindi narin ako natutuwa na palagi nalang malakas ang tibok ng puso ko kapag tungkol sa kaniya. Nakakasama siya sa kalusugan!

I slept all my feelings away and looked forward to our graduation day.

I wore a long-sleeved beige dress with laces all over it and partnered it with a beige stiletto. I put light and natural make-up on and curled the ends of my long hair. This is finally it! I'm finally over high school.

Maaga akong pumunta sa school at naghanap sa designated seat ko. We took lots of pictures together ng mga high school friends ko. Nag picture rin kami ni Anton. Nag kwentuhan about future plans. I'm so happy for him, at kung anong handog ng kinabukasan para sa kaniya.

The ceremony commenced and may nakita akong nag-iiyakan during it. Pagod at sakit na ang paa sa kakatayo, pumunta ako sa likod ng gymnasium at papasok sana sa restroom nang may napansin ako.

Stunned by his presence, I couldn't utter a word. Natitigan ko lang siya. Bumaba ang tingin ko sa mga bulaklak na dala niya. With a beige colored polo shirt and dark bottom, he went to me. He smiled, pero hindi abot hanggang mata. I panicked when he went closer pero hindi kaya ng mga paa ko ang umatras kaya tinatagan ko ang sarili ko at hinarap siya. Before I could say something, inunahan na niya ako.

"Happy Graduation, Cring." He said breathily. Isa o dalawang hakbang niya nalang feeling ko mayayakap niya na ako. Ganiyan siya ka lapit.

"Hindi ko alam kung anong problema mo, pero hindi kita pipiliting sabihin 'yon. Basta nandito lang ako." May kung anong bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya at namuo ang mga luha sa aking mga mata. Sorry Terrence, ang traydor ng puso ko eh.

Yumuko ako para hindi niya makita ang mga mata ko. I feel like if he would stare at me, my eyes would give in and tell him that I like him. I know he can name my feelings right now.

His manly scent enveloped my nose. His warmth embraced my soul like it's telling me my feelings are okay. Kung sabihin ko ba sa kaniya na gusto ko siya, okay parin ba 'yun?

It's too noisy inside my brain. Thoughts of what-ifs flooded every part of it and I feel suffocated.

"I missed you." He whispered which wiped away all inhibitions inside my head. Ang unfair! Ang unfair mo, Terrence. Isang sabi mo lang niyan, gusto ko nang bumigay.

"I missed your laughs. I missed your jokes. I missed your attitude, Maria Christina." He added, chuckling while he caressed my hair.

Dala ang mga bulaklak na handog niya sa akin, sinuklian ko ang mga yakap niya. Mahigpit ko siyang nayakap dahil kapag hindi ko 'yon ginawa, alam kong tutulo ang mga luha ko at maririnig niya ang hikbi ko.

"I missed you too, Terrence. I'm sorry." I'm sorry for leaving you hanging. I'm sorry if your best friend caught some feelings. I'm sorry for just leaving you behind because I want to protect my heart...

Madami na akong nabasang libro o kahit buhay ng tao, at pare-pareho lang din ang leksyong natutunan ko. Kapag gusto mo ang kaibigan mo at hindi kayo pareho ng nararamdaman, you'll sacrifice your friendship because of that. Hindi na magiging katulad ng dati. At hindi ko kaya iyon. I treasure him so much.

"Shh... It's okay." He whispered to my heart like it was a promise. He wrapped his arms around me tighter like he has no plan to let go of me- even just for a second. 


And I hate that I'm loving it.

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon