Chapter 21

6 0 0
                                    

Christmas Gift


Ang alam ko lang, ang bilis ng panahon simula noong dinala ako ni Terrence sa private property nila sa Tagaytay. Natapos na kami sa pag-aaply ng mg universities na papasukan at nag peprepare na kami for our last Christmas Party as high school students. Nakakatawa nga balikan yung panahon na tinatago ko pa kay Terrence kung anong inapply-an kong course at kung saan ako mag-aaral.

"So saan ka nga mag-aaral, Cring?" Tanong ni Terrence habang naupo kami sa mat. Nandito kami sa UP Sanken Garden habang nagpapaturo sa isang physics assignment.

"Secret nga. Ano ba 'yan, ang kulit. Kanina mo pa ako tinatanong niyan ah, di mo nalang ako turuan sa assignment ko." I replied while trying my best to focus on this stupid assignment. Ang hirap ng physics, nakakainis!

"UST? UP? FEU? AdMU? O sa probinsya ba?" Ang kulit talaga! Napasinghap nalang ako at sinukuan nalang ang papel na puno ng problema. Binaling ko ang atensyon sa kaniya at di ko mapigilang magtaray at titigan siya gamit ang inis na mukha. Hindi niya ako inayawan at tumitig din sa akin habang ngumingisi.

"Sige na, Cring! Chance na natin 'to para maging classmates for the last time!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mong plano kong mag medisina, Terrence. Mag me-med ka rin?" I said curiously na inilingan niya.

"Kukuha ako ng four year course, and then I will pursue my dreams." U-huh... 'Yun naman pala, edi kunin na niya kung anong malapit sa puso. "Kunin mo gusto mo, wag mo kong dinadamay sa kalokohan mo." I said then tried reading the assignment for the nth time. Kinuha niya ito at tinago sa likod.

"So saan nga?" I rolled my eyes, aktong kukunin ko ang papel sa likod niya nang itinaas niya ang kamay para di ko makuha. "Di mo to makukuha pag di mo sasabihin. One clue lang!"

One clue? I looked at him ridiculously and sighed my defeat. Okay fine, sasabihin ko na! Gusto ko nang matapos sa physics assignment ko.

"Fine. Nursing. Happy?" I said at last at kinuha na ang papel sa kamay niya. May ngiti sa mukha niya at parang nag-isip ng ilang saglit. Pagkatapos kong sabihin iyon, tinulungan na niya ako sa assignment at nang nag hapon na ay umuwi na rin.

Oo, Inamin ko na sa sarili kong gusto ko si Terrence pero kahit anong iwas kong gawin, hindi parin naman nagiging effective kasi palagi siyang kabute para sa akin. Kung saan saan nalang sumusulpot at gumagawa ng kung anon-anong kalokohan para lang mapansin.

December came, nagplano na ang buong klase para sa aming party. Medyo wala na rin gaanong classes dahil patapos na ang semester. I'm so happy dahil totoong nakakapagod ang semester na ito. Ang dami kong extrang pinaggagawa. Mabuti na lang at sa kung anong activities na sinasalihan ko, nandoon si Anton palagi! Hindi ko alam kung coincidence lang ba 'yun or ano, pero hindi ko na dinibdib masyado. Ang importante may kaibigan ako.

"Ano bang magandang regalo for guys, Terrence?" tanong ko sa katabi ko habang namimili ng regalo sa mga monito at monita ko. Ang dami kong bibigyan dahil may exhange gift pa kami sa clubs, timing pa na si Anton ang isa sa bibigyan ko!

"Wow, para sa akin ba 'yan? Huwag ka nang mahiya!" Tuwang-tuwa niyang sabi kaya napatawa rin ako. Feeler talaga! "Hindi no, ba't pa kita bibigyan? Maging kaibigan mo lang ako, ang gandang regalo na nun?" I said jokingly na tinawanan niya rin.

"Pero di nga, ano ba magandang regalo?" Seryoso ko nang tingin kaya napaisip na rin siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko pero hinila niya ako sa mga relohan. Hmm, watch is a good idea.

"Sino ba reregaluhan mo? Coach? Teacher?" He asked while checking out the new release of the watch collections. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya... Ang gaganda, in fairness!

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon