Chapter 15

2 0 0
                                    

Crush


Just like what I expected, my experiences overwhelmed me. As a girl who grew up with primitive and conservative surrounding, hindi ako masyadong nakapag-adapt sa practices ng mga naging kaklase ko. Sa probinsya, I usually spend my weekends reading a book, or helping my mother do some house chores, o hindi kaya ay makipagkita sa mga kaibigan para makipagkuwentuha, not party or stuff like that. I remember one time, inaya ako ng kaklase kong makipag-inuman after class. I automatically declined and saw how their faces turned sour; their eyes very judgy as if judging me for my beliefs. Tuluyan akong malalagot kay mama kapag nakipagsabayan ako sa kanila.

I mean there is nothing wrong with partying or drinking, as long as you are responsible and you are ready for the consequences or your actions if ever may hindi magandang mangyari. As for me, I tried to decline their invites as much as possible.

"Christina, come on! Promise, ihahatid ka ni Prince sa bahay niyo. Door to door. Sumama ka naman for once." Aya ni Julienne- kaklase ko- one time nang maaga kami dinismiss ng teacher namin. Prince is also from my class, parehas man kami ng guro at kaklase araw-araw, hindi pa rin ako naging malapit sa kanya- o iniiwasan ko lang malapit sa kanya dahil nahuli ko siya minsan na malagkit ang tingin sa akin.

I sighed and smiled at the girl in front of me. "No, I'm really okay, Lienne. Hinahanap na rin kasi ako ni Mama." She rolled her eyes in my response at malamyang sinapak ang balikat ko.

"Okay, sige. Next time hindi na ako tatanggap ng mga 'No's mo. Hmp." I let a small laugh because of what she said. Kahit palagi akong iniinvite itong si Julienne, gusto ko parin siya dahil ni minsan hindi siya namimilit. Kapag feel niyang valid yung excuse ko, hindi na niya pinupush through ang gusto niya.

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti saka naglakad palayo. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag para makaalis na sa classroom. May mga libro akong binitbit nalang dahil kapag ilalagay ko sa bag, medyo mabigat na at masakit sa likod. I walked naturally on the pavements sa school namin while listening to some music. May pagpikit pikit pa dahil gustong-gusto ko ang kantang piniplay sa earphones ko. Kaya naman nang may nabangga, nahulog ko ang mga libro sa paa ko at napadaing sa sakit nito.

"Sorry po. Sorry." Paulit-ulit na hingi ko ng tawad kahit dumadaing sa sakit ng aking mga paa. I couldn't even look at the man or woman na nabangga ko because my attention was locked to my painful foot.

"No. It's fine. Are you okay? No, of course you're not." I felt him panicking. Sa gilid ko, kinakausap niya ang sarili at parang may ginagawa sa phone niya. "Bro? Shit! I'm sorry, I might not make it on time. Umuna ka nalang, susunod lang ako. Something came up." I heard him while he's calling someone. Agad akong napailing. No, i'm fine. Hindi na dapat siya maabala, ako 'yung nag fifeeling sa paglalakad ko, kaya kasalanan ko naman talaga.

"No, I'm fine. You can go na. Sige na. Shoo." Sabi ko with body action pa na pwede na siyang umalis. Tiningnan ko ang mukha ng nabangga ko, and he looked familiar. Ilang beses pa akong nag-isip kung saan siya nakita kaya napatitig ako sa mukha niya ng matagal.

"Oh!" Sabi niya sabay turo sa akin at napatakip pa sa bibig. So nagkita na kami? "Jogging girl!" Hiyaw niya sabay tawa. Napakunot ang noo ko. Jogging girl?

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan ko siya unang nakita. Siya yung nagjojogging rin sa subdivision namin! Namilog ang mga mata ko.

"Anton, right?" I said, not quite sure. He nodded excitingly. "Naalala mo pala." Now, he's all smiles.

"Dito ka rin pala nag-aaral?" Tanong niya habang tinitingnan ang buong ayos ko from bottom to top. I nodded, now comfortably. Tiningnan ko rin ang ayos niya. The usual uniform ng boys namin sa school with our sling.

"Anong strand mo?" Tanong ko dahil medyo na kuryoso na rin. Hindi ko alam na magiging schoolmate ko ang napakamalan kong bad guy sa subdivision namin.

"STEM. I want to pursue Engineering soon."

"Wow. That's nice. Mabuti ka pa alam na ang gustong kunin for next year."

"Yeah... Anyways, Cring... right?" I can see that he's trying to remember my name kanina pa. His eyes say it all.

"Right. Cring. Short for Maria Christina. It's nice to see you again, Anton! Mauna na ako ha, sumunod ka na sa kita niyo ng kaibigan mo." pagpaalam ko sa kaniya para hindi siya mas lalong maabala.

"I'm sorry nga pala ulit." I smiled. Magpapatuloy na sana sa paglalakad nang tinawag niya ulit ako. Nakita ko ulit ang mukha niya, at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pamumuri sa kaniyang itsura. He look really... nice. I snapped back from reality nang nagsalita siya.

"Mag ingat ka, Cring! Hope to see you again." He waved and ran away from me. Nanatili ako sa pwesto ko at dinamdam ang pag-init ng aking mga pisngi. What is this? Did I just develop a crush on Anton?

"Terrence!!!!!!" Sigaw ko habang nakatayo at nakavideo call kay Terrence. Kanina ko pa kinukwento sa kaniya ang nangyari. Mula sa pag-aya sa akin ng mga kaklase ko hanggang sa pag meet namin ni Anton.

"Ito ba feeling kapag may crush ka? Konting galaw nila, namumula ka?" Tanong ko sa kanya, or more likely, tanong ko rin sa sarili ko. He was strangely quiet when I started ranting about what I felt earlier when Anton bid his goodbye at me.

Tiningnan ko siya sa screen ko. Nakita ko siyang nakahalukipkip at nakatingin lang sa akin habang back and forth na nagsasalita sa harap niya. Umupo ako sa upuan ko, at ginaya rin ang ginagawa niya.

"May naging crush ka na ba?" Halukipkip kong tanong sa kaniya.

A weird stretch of silence came... Kru Kru Kru.

"Sa tingin mo?" tipid na sagot niya sa akin.

"Siguro? Imposibleng hindi ka pa nagagandahan sa isang babae o hindi nagkakacrush sa mga naging kaklase mo."

"Okay lang bang magkacrush sa kaibigan?" he asked, now his hands on his face.

Nag-isip ako sa tanong niya. Well, okay lang naman magkacrush sa kaibigan mo. Actually, it would be nice nga na friends kayo ng crush mo kasi atleast if mag escalate ang status niyo at hindi ka na ma crushzone. May foundation agad ang relationship niyo.

I sighed and nodded, "Okay lang naman siguro." Wala namang masama roon.

He sighed too and nodded. A small smile escaped from his lips, while he was staring at me.

"Well, I guess may crush nga ako." He said seriously, pero kitang kita ang pagpigil ng ngiti dahil bahagyang umaangat ang kanyang labi at mata. This mestizo man!

I shifted on my seat when he confirmed he has a crush! May crush si Terrence! At hindi ko alam kung sino! I don't know why but I felt a sudden force tugging my heart. Parang binagsakan ng isang sakong bigas.

"Maganda ba 'yan at mabait?" I inquired. Pinipigalan ang mga tanong sa isip ko dahil baka akalain niyang sobrang kuryoso ko. Nilalabanan ko ang pagtaas ng kilay ko. He chuckled lightly at nagkunwaring nag-iisip.

"Hmm, maganda naman." He said while nodding pagkatapos niyang mag-isip. Tss, pag babae talaga nag-iisip pero pag quiz namin sa Filipino noon hindi ginagamit ang utak!

"Mabait?" I tried not to be bitter. Hindi ko rin maintindihan ang asta ko ngayon. Siguro dahil napunta sa crush niya ang topic imbes na sa crush ko.

"Ang ganda niya pag nagagalit." Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Parang automatic na nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. So parang sinasabi niya rin na maldita ang crush niya. Tss, ang pangit ng mga tipo!

"Ang hilig mo pala sa maldita." I teased him, at nagkunwaring nasisiyahan na maldita ang gusto niya.

He chuckled and shook his head. He leaned on his hands more. Hinihintay ko ang sagot niya. Sana matauhan siya na hindi dapat maldita ang gusto niya. Katulad ng crush ko, dapat mabait.

"Siguro nga." He calmly said which made me sigh. Nakakainis! 

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon