Chapter 8

11 2 0
                                    

Water Bottle


Lumipas ang mga araw at nag-eensayo na kami para sa aming moving-up ceremony. Kumuha ako ng pagkain sa aking mini bag na dala at nilantakan na ito habang ako ay naupo sa bleachers ng gymnasium. Mag-isa kong in-eenjoy ang aking mamon nang nakita ako ni Matthew. Kumaway siya sa akin habang malaki ang ngisi, he jogged towards me. He has one tetra pack juice and he didn't hesistate to offer it to me.

"Nako, hindi na Matt... Sa'yo na 'yan tsaka isa lang din dala mo. Okay na ako sa tubig." I assured him with a smile. Kaya umupo nalang siya sa tabi ko habang pinapalipas ang break time namin.

"Kumusta yung mga projects niyo? Tapos na ba kayo? Nag pass na kami kahapon sa video namin. Buti nalang nakaabot." Sabay tawa niya sa akin habang sipsip ang straw ng tetra pack niya. Napalingon ako sa kanya habang nguya ang pagkain.

"Ipapasa namin ngayon ang amin. Buti talaga napakiusapan si Ma'am. Salamat sa section niyo." Sabay lunok ko at suntok sa kanyang braso. Napatawa ako ng medyo malakas kasi muntik niya nang mabitawan ang juice at nabulunan. Malakas na siyang napapa-ubo kaya tinapik tapik ko ang kaniyang likod at seryoso na sa ginagawa kasi alam kong namamatay ang nabubulunan. Ayokong maging cause of death ni Matthew ang sapak ko.

"Huy, ano ba. Mag-ingat ka nga! Ayan nabulunan ko tuloy." Sermon ko habang tinapik tapik parin ang likod ni Matthew. Bibigyan ko sana siya ng tubig kaso naubos ko na ang akin kanina. May napansin akong paparating sa aminng banda. It was Terrence with his usual smug look. May dala siyang dalawang bottle ng mineral water. Kinuha ko sa kamay niya ang tubig at dali-daling bumalik sa inuupuan namin ni Matthew. I opened the bottle and offered it to my friend.

"Matt, inumin mo 'to" alok ko na sinunod naman ng lalaki. Relief flushed on my face as I saw him calming down. Napakurap pa ako ng ilang beses. Nabalik lang ako sa tino nang kinuha ni Terrence ang ininuman ni Matthew kanina. Oo nga pala!

"Terrence, sorry if hinablot ko nalang ang tubig sa'yo. Nabulunan kasi si Matthew tapos wala na akong tubig. By the way, akin na yang bote... Babayaran ko sa'yo. Inuuhaw na rin kasi ako." I said while attempting to get the bottle from his hands, pero patuloy niya itong nilalayo. I don't know if it's irritation that I'm seeing, but I've never seen Terrence this pissed. Babayaran ko naman, eh! Damot-damot.

Kinuha ko ang coin purse ko at nilabas ang bente pesos. Inabot ko iyon sa kanya pero kinunotan niya lang ako ng noo at tinaasan ng kilay.

"Iinoman mo ang ininoman ni Matthew?" he asked like it was ridiculous. He glanced at Matthew na parang na-aawkwardan kay Terrence. Agad kong kinuha ang tubig mula sa hawak ni Terrence at agad itong ininuman. Nakangiti kong hinarap si Terrence dahil nakaisa ako sa kaniya, but he looked disrepected, annoyed, angry, shocked... All looks at the same time. Hindi ko maipinta ang kaniyang mukha.

Malakas siyang nagbuntong-hininga at hinablot ang bente pesos sa kamay ko.

"Kulang pa 'to. Dagdagan mo pa ng bente." Nilahad niya ang kamay niya sa akin at nakapamewang na. Pupunta sana siya sa pwesto ni Matthew na nakasipsip na ulit sa juice niya pero di naman niya tinuloy, kukunin niya sana ang bote ng tubig sa kamay ko pero di niya rin ginawa. Litong-lito ako sa kilos niya.

"Ano? Overpriced mo naman masyado. 15 nga lang yan sa canteen, pinatungan ko na ng limang piso para may pang bananacue ka." Hirit ko. "Abusado neto."

"Ang init init pumunta sa canteen, Maria Christina! Hindi sapat ang bente. Kinuha mo pa ang tubig ko at pinainom mo lang sa kanya. Tapos ininuman mo rin! Kulang ang bente!" Hingal siya nang tinapos ang sinabi. Narinig ko ang pagpito ng teacher assigned namin hudyat na resumed na ang practice kaya kinuha ko ang wallet, nilahad sa kanyang palad ang bente, at tumungo na sa gym floor. Hindi parin siya nakakilos nang nakapunta na ako sa pwesto ko. Halos lahat ng estudyante ay nakabalik narin sa kanilang pwesto ngunit nakatalikod parin siya, kaya tinawag ko.

"Terrence!"

"Congrats, Bro!" bati ni Miggy kay Terrence habang hawak-hawak ang aming mga fake rolls na parang "diploma." Mabilis na tumakbo ang oras, Araw na ng aming Graduation ngayon. Batch Salutatorian si Terrence and his neck's full of medals. His hands full of certificates with 4 trophies from his math contests. Pumunta rin si Hera sa dalawang magkaibigan at niyakap si Terrence. Lumapit ako sa kanila para rin sana i-congrats si Terrence sa kaniyang achievements. Pero paglapit ko pumunta si Terrence sa upuan nila Tita (his mother/family).

Nalungkot ako kasi last week pa siya iritable sa akin. Mula noong water bottle incident namin sa gymnasium. Mapipikon sana ako kasi ang babaw nang kinakagalit o tampo niya kung yun lang pala ang dahilan. But I was shocked when he went back to me and hugged me. Nakita ko ang mga dala niyang trophies and certificates sa pwesto ng kaniyang pamilya. Iniwan niya lang pala ang mga bitbit. I hugged him back and whispered my congratulations.

I'm so proud of him. My memory of our friendship is a bliss for me. Parang kailan lang nag transfer siya, tapos unexpectedly naging close kaming apat, nakasama siya sa mga lakad namin nina Hera at Miggy. I know for sure kung saan man siya dalhin ng panahon, he can handle it very wel...

Bumitiw kami sa yakap at for the first time since last week! Ngumiti siya sa akin.

"Congrats, Terrence. Ang galing mo!" Sabi ko with matching thumbs up sa kaniya. Maghihiwalay kami ng school for senior kasi doon ako lilipat malapit sa amin, tapos hindi ko naman alam anong plano niya.

"Galingan mo pa sa Senior!" Dagdag ko na nginitian niya ulit.

"Salamat, Cring. Talagang mas gagalingan ko pa." He replied with eyes and lips smiling. He looked great-ish when he smiles. He does that rarely.

"Terrence, anak... Is that your friend? Halika tingin muna kayo sa camera, I'll take a picture of you both." His mom interrupted us and just like what she said, humarap kami sa kaniya. Inakbayan ako ni Terrence, and we made a pose. Nakapeace sign kaming dalawa at parehong nakangiti.

I heard and saw the flash of her camera.

It was one of my favorite high school memories with Terrence.


We both took STEM during our senior high school years. Miggy and Hera stayed in our school, while I transferred to a different school near our place. Terrence... well he enrolled somewhere very far. His dad pushed him to Ateneo de Manila, kaya siguro every summer nalang kami magkikita ng kompleto. The communication was still there, but it's not really like before dahil hindi narin ako naging gaano ka active sa group chat namin due to school works.

Buhay lang ang gc dahil kay Miggy at Hera. Minsan nakakahirit din ako at nakikipag biruan. Ganoon din si Terrence. Kaya masayang-masaya ako kapag may mga gabi na lahat kami online at kompleto. Kaming tatlo nalang ang lumalabas madalas, kasi nasa Manila si Terrence. Nagdadala kami ng pictures sa gc at hina-heart niya. Binibiro niya pa kami na baka ubusin namin ang pagkain sa mga cafe and restaurant na kinakainan namin.

The friendship that I had with Miggy, Hera, and Terrence matured over time. Hindi ito sobrang high-maintained friendship and it's never demanding, but it's my home circle. 

We separated schools, we became seniors, we busied ourselves with things that would help us grow, but still... we are best of friends.

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon