Chapter 19

1 0 0
                                    

Conclusion


"Tss. Oo na, umalis ka nga sa harapan ko! Ang b-baho ng hininga mo!" I said out of nowhere. Nagpapanic ang kaloob-looban ko dahil sa distansya naming dalawa sa isa't-isa. Tinulak ko siya para malayo sa akin ngunit pagkakita ko sa kaniya he looked stunned. At kitang kita ko pa kung paano niya sininghot ang hininga niya to check kung mabaho ba talaga. Shit! Did I offend him? Sorry, nag panic lang naman ako.

Teka, Bakit nga ba ako nagpapanic? I composed myself because of the sudden realization.

"S-sorry, joke lang na mabaho." Hindi ko rin naman talaga naamoy. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa kasi feel ko hindi yun magandang sabihin. Pinalo ko yung bangaga ko. Ayan kasi Cring, bunganga mo kasi sarap tanggalin. Nako!

Sinimangutan niya ako at hindi na ulit nagsalita.

"Huy... Sorry?" pagpapa cute ko pa kasi feel ko nasaktan ko siya sa sinabi ko. Or baka ginagawa ko lang na big deal? Ewan na nga... Basta!

Imbes na magsalita, kinuha niya ang cellphone niya at nag type doon.

'Hindi ka na galit sa akin?' basa ko sa sinulat niya. Tiningnan ko siya at umiling. "Eh, quits na tayo. 'Di na ako galit basta di ka galit sa akin." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko at nagtype ulit sa phone niya.

'Sige. Tara hatid na kita.'

Napangiti naman ako at tumango na. Sabay kaming pumunta sa sakayan at hinintay niya na magkaroon ng jeep. Pagsakay at pagkapwesto ko sa loob, nagulat ako na sumakay din si Terrence at tumabi sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Medyo out of the way kasi ang sa kanila at sa amin kaya akala ko ihahatid niya lang doon sa parahan ng jeep.

'Ihahatid ka nga.' Sulat niya sa phone niya with matching ovious-ba-look. I laughed at him and we ended up rolling our eyes at each other. Baliw talaga 'to!

"Eh, paano yan? Magagabihan ka pag-uwi?"

'Okay lang' sabay bigay niya ng okay-nga-lang-look sa akin.

"Sayag pamasahe kasi, Terrence."

'Hindi naman kita pagbabayarin' with hambog look sa akin. Ay okay?

Tumawa ulit ako sa pinagsasabi niya, and umirap nalang. Ilang sandali pa, tumunog na ang jeep hudyat na lalarga na kami. Hindi parin nagsasalita ang mokong, dinibdib nga siguro talaga ang sinabi ko. Sinabi ko naman sa kanya na joke nga lang, eh.

"Kuya, paabot po ng bayad." Sabi ng isang ale kaya kinuha ni Terrence ang pera. Dahil nga matangkad siya, mataas rin ang braso... Everytime na may nagpapaabot ng bayad, napapasandal ako lalo sa may bintana ng jeep na super mahangin kaya ang buhok ko, sumasampal na rin mukha niya. Napatawa ako ng mahina at sekreto dahil pilit niyang kinukuha yung buhok ko away from his face. Parang kaaway niya tuloy yung buhok ko, ang cute.

Pero napatigil ako sa pag-iisip ng cute cute dahil biglang nag break ang jeep at halos tumilapon ako buti na lang naakbayan ako ni Terrence. Napahawak ako ng mariin sa kamay niya dahil sa nangyari.

"Manong, dahan-dahan lang po sana tayo." He said to the driver respectfully. "Nako, sorry po ser, opo mag-iingat po tayo sa susunod." Tanging sagot ng driver at napatawa siya.

Hiyang hiya pa ako at di makaget-over na muntik na akong mapunta sa kabilang side ng jeep na ito, umimik naman si Terrence sa tabi ko.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Concern lang naman siya sa akin pero bakit ganito... Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya, kinuha ko ito at biglang nailang. Ayaw ko siyang tingnan dahil baka makita niya ang pamumula ng mukha ko at magtanong siya kung bakit. Wala akong maisasagot!

"A-ah, Oo n-naman... Okay lang." I whispered the last two words because I got distracted by my heart's loud and fast beats. Before I could hide my face to him, inakbayan na niya ako at kinuha ang ulo ko para masandal sa kanya. Shit!

"Matulog ka na muna. Malayo-layo pa naman." He said. Gusto kong manlaban pero sa ayos ng ulo ko sa balikat niya, mas maayos na na huwag gumalaw at magtulog-tulogan na lang. Mommy, Tulong!!!!

Pagkatapos ng ilang minutong pagsandal at pagtulog-tulogan, nakarating na kami sa kanto ng entrance ng subdivision namin. Napatingin ako sa relo ko at mag aalas otso na!

"T-Terrence, okay lang ako dito. Nagsabi na rin ako kay Daddy na magpapasundo sa entrance. Sige na, gabi na masyado." Sabi ko sa kaniya ngunit di parin diretsong makatingin sa kaniya.

"Maghihintay muna ako na kunin ka ng Daddy mo." Nanlaki ang mga mata ko kasi excuse ko lang yun na susunduin ako ni Dad! Ang tigas tigas ng ulo!

"N-no! S-sige na! Alam mo naman na safe na ako dito diba. May guards naman ang subidivision kaya okay lang talaga. P-Promise." Sabi ko with hand gestures pa. Sige na, Terrence. Maniwala ka naman sa akin huhuhu.

Ngunit pagtingin ko sa kaniya, taas kilay niya lang akong tiningnan. Dahil mas mataas siya kaysa sa akin, namukha akong kuting sa harap niya. Namamakaawa na umalis na siya para masolo ko ang bahay!

"S-sige na. Goobye na. U-uwi na ako!" Sabi ko sabay taboy sa kaniya at talikod para makapasok na sa entrance ng subdivision. Susunod sana siya ngunit pinigilan ko na talaga. "Magtetext ako sa'yo pag nakauwi na ako sa bahay. Okay na?" Sabi ko sa kaniya na matagal niyang pinag-isipan ngunit tinanguan naman. Napangiti ako.

Kumaway-kaway ako sa kaniya ng maraming beses saka na tuluyang tumalikod.

***

"Nasaan ka na?" Tanong ko kay Terrence sa tawag kasi malapit na mag start ang event. Magsasayaw na kami after how many days of practice!

"Eto na, eto na... Nasa entrance na ng school."

"School niyo o school ko?"

"School niyo, siyempre." Naiimagine ko ang mga subtle eye roll niya kaya napangiti ako. Hmp, naninigurado lang naman.

"Okay. End ko na to. Malaki ka na naman, kaya mo na siguro akong hanapin. Bye."

I ended the call and proceeded sa circle ng team namin. They were praying for our performance and sabay sabay kaming lahat ng 'Amen'.

After some time tinawag na kami ng emcees. "Let us all welcome our performers for this event."

It was our cue to go on stage and impress them with our first formation. My eyes automatically searched the crowd and when it found Terrence, I immediately smiled at him and back to the crowd.

Nang tingnan ko ang katabi ko, he gave me his best smile and raised his fisted palms. Sinuklian ko din iyon. The lights turned off and the music played.

I heard the cheers of the crowd when we did our routines and stunts. I felt their love for our dance, and it was incredible! I heard their "woahs" and "wows" as the music goes on.

Hingal na hingal ako nang mag final pose na kami. I felt them clapping so hard for us, It was euphoric. I smiled so wide at the crowd at pagbaling ko kay Anton nakangiti rin siya sa crowd at sa akin. Pagkatapos namin mag presnt and mag bow, pumunta muna ako sa gilid sa may electric fan (na parang aircon na rin sa lamig) dahil timing doon ko rin nalagay ang tubigan ko. Ngunit laking gulat ko na imbes ang tubig ko lang ang nandoon, itsura ni Terrence na may dalang isang lunchbox ang nadatnan ko. I smiled widely at him and he smiled back at me too.

Aabotin ko na sana ang tubig ko kaso inunahan niya ako. He also opened the bag/lunchbox that the brought at laking tuwa ko na may tinapay doon. The typical sandwich na palagi niyang binitbit noon para sa akin.

"Thank you." I said because I really feel grateful. Alam ko na galing pa siyang school since five to nine PM ang event. Tumango siya sa akin at kinuha ang towel niya na nandoon din sa bag kasama ng tinapay na kinakain ko. Naramdaman kong dinampian niya ang noo ko gamit nun.

"Congrats, Cring. Ang galing mo." He said and looked me in the eye.

I felt the "slow-mo" cliche happening to me right now. My ears are void of any sound, my heart fast beating, and my eyes focused on him only. With his towel on my forehead, I came to the conclusion that I like my best friend.

I like Terrence Uy.

Dang it!

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon