Chapter 12

3 1 0
                                    

Smells Bad


"Ah! Teka nababasa ako!" Hiyaw ko nang binasa ako ni Hera at Terrence gamit ang sagwan nila. Nagkayak kami at si Miggy ang partner ko, sinasabi pa nila na paunahan daw. Tsk! Ang dumi maglaro.

Tumuloy na nga kami sa aming mga gala. The group decided that we go to Samal Island. Ang dami nilang itinerary for our trip. Not complaining, though. Ni ready ko na lahat ng camera and even pang OOTDs namin ni Hera.

3AM kami nagsimulang magbiyahe dahil malayo pa ang lugar namin sa port papunta doon. We were chilling inside the van- I saw Miggy yawning while hugging his pillow na kasinghugis ng isang kisses na chocolate. Everyone was asleep (except for the driver, ofcourse) kaya nadala narin ako ng antok ko.

Saktong paggising ko, nakarating na kami sa port. Bumaba kami at masayang-masaya kami dahil nakalanghap ulit ng amoy ng dagat. Nakakarelax talaga. Kukunin ko na sana ang basket na puno ng mga pagkain namin nang kunin agad iyon ni Terrence. He made a face to me na parang nang-aasar. Inirapan ko siya at tinawanan ng sarcastic bilang ganti. Inakbayan ako ni Hera at sabay kaming naglakad papunta doon sa booth kung saan magbabayad. Pagkarating namin sa barko, kumuha kami ng litrato.

I striked a pose. Hera too. Kaya lang, napatigil kami nang mapansing nakatingin sa amin ang dalawang lalaking kaibigan. Nailang tuloy kami ni Hera at bumalik nalang sa inuupuan. Ngunit bago pa kami maka upo, kinuha nila ang camera namin at sinenyasan na mag smile.

"Smile." Utos ni Terrence, kaya napangiti kami ni Hera.

Pinakita nila sa amin ang picture at na-amaze sa ganda ng shot ni Terrence. 'Di lang naman pala to magaling sa Math! Magaling rin sa pictures.

Maglulunch na ata nang makarating kami sa resort na tinutuluyan. Napakaganda dito! Worth it sa presyo. Aba't dapat lang!

Nagpahinga muna kami bago nagpasya na gawin ang mga water activities. At eto na nga! Nagkayak na ang grupo. Gusto nilang pumunta doon sa may linya/marka ng paunahan kaya lang ang daya ng dalawang mga bruha kung makapaglaro. Imbes na tumulong kay Miggy, ginawa ko siyang shield para hindi tuluyang mabasa sa pinaggagawa ni Hera.

Kaya lang, Imbes na hindi mabasa. Napalangoy kami ni Miggy nang na out balance ang aming bangka. Malakas na tawa ang lumabas sa aming bibig nang nakakapit na sa leeg ko si Miggy. Hindi ko inasahan na takot to sa tubig.

Parang tanga akong nakapulupot sa bewang ni Miggy hanggang sa mapunta kami sa mababaw na parte ng dagat. Pagsapit ng alas tres ng hapon, sinabihan kami nina tita (mommy ni Hera) na pupunta kami sa bat cave doon.

I wore my white floral maxi dress. I partnered it with my nude string sandals. Nag-ayos rin ako ng konti para presentable sa pictures mamaya. Paglabas ko sa munting villa namin ni Hera, nasalubong ko si Terrence.

I smiled at him but his face remained shock. Unti-unting kumunot ang kanyang mga kilay at napakurap ng ilang beses bago bumaba ang kanyang mata sa aking suot. Tiningnan ko rin tuloy ang suot ko at tiningnan siya with a question mark plasterd on my face.

"Pangit ba?" bulong ko na alanganin parin ang mukha, dahil feeling ko he's judging my fashion sense right now.

"N-no" He replied, still looking at my face.

"Nanibago lang ako. First time kong makita kang nag-ayos talaga... Maganda" He shyly added, almost whispering the last word.

Hindi ko alam pero uminit ang pisngi ko at feeling ko namumula ito kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya.

"Uh, sige... una na ako sa labas. K-kita nalang tayo doon." Sabi ko with hand gesture na sumunod nalang siya doon kapag ready na.

Bakit biglang awkward 'yun? My gosh!

Hindi nawala ang awkwardness sa akin hanggang nakarating nalang kami doon sa bat cave na pinuntahan namin. Parang balewala lang naman sa kanya yung nangyari kanina pero ba't binig deal ko! I gently slapped my forehead multiple times because of that.

When we roamed around the area, I was mesmerized by the surroundings that I was able to forget what happened for a while. A guide motioned us to get near the cave, and we did. Kaso, halos masuka ko ang nakain ko noong lunch time nang naamoy ang amoy doon. It was so bad that I made a sound like I was vomiting! Everyone was worried about me, but Terrence was the most among them. May inabot siya sa aking tubig at panyo. Kinuha niya ang mga takas kong buhok at inipitan ito. Ni hindi ko alam kung saan niya nakuha ang panali- wala na akong time alalahanin 'yun.

Kahit umalis na kami doon sa cave, hindi parin matanggal sa sistema ko ang baho doon. Parang na glue siya sa ilong ko. Gusto kong umiyak! Pinahid ko ang panyo ni Terrence sa mangiyak-ngiyak kong mata. Bumalik ako sa van para makapagpahinga, at hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Terrence. At may dala nang gamot!

"Inumin mo 'to. Sabi ni Tita, uuwi na tayo maya-maya." Sabi niya sabay hablot ng kamay ko para ilagay ang gamot. He also adjusted the aircon na direkta sa akin para may hangin sa mukha ko. I felt warmed and comforted because of that. Pagkatapos kong uminom ng gamot, nagpahinga ako at agad-agad ring nakatulog.

Paggising ko, 8PM na at nasa kama na! Napatulala ako at naging kuryoso paano ako napunta sa kwarto ko. Habang nag-iisip, nakaramdam ako ng gutom kaya tiningnan ko ang mini kusina ng villa. To my surprise! Terrence and Miggy was there, playing card games. Nagtama ang tingin namin ni Miggy kaya napatingin di sa akin si Terrence. Tumayo si Terrence at binuksan ang dalawang bowl na may nakatakip na foil.

Nakita ko ang boiled cabbage na may oyster sauce sa isang bowl at arrozcaldo na may hard boiled egg sa isa. Napangiti ako kasi medyo mainit pa ang pagkain; service man to o niluto mismo ni Miggy at Terrence, napakasaya ko. I uttered my thanks to Him and to Terrence and Miggy before indulging myself with the food.

They resumed playing, and I resumed eating. With the warm colors of the kitchen light, the calmness of the night, and the ocean breeze outside the windows of our villa, we enjoyed the rest of the evening screaming and laughing.

Nahagip ni Terrence ang mata kong nakatitig sa kaniya. He smiled genuinely at me which made my heart flutter for a second.

Shit! What is this, Cring?!


Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon