Chapter 14

10 0 0
                                    

Summer


It was a very exhausting day. Nandito kami ngayon sa Luneta Park ni Terrence dahil gusto niya raw ipakita sa akin ang lugar na ito. Sure, it's one of the significant places in the Philippines, pero wala na akong pakialam dahil pagod na pagod at uhaw na uhaw na ako. Panay lang salita si Terrence sa unahan ko nang mga sunod na gagawin namin, samantalang ako hirap na hirap buksan ang bote ng mineral water na baon niya. I feel bad. Terrence made an efort to tour me around tapos eto ako ngayon... Nagrereklamo deep inside kasi ang init init na.

Napansin siguro ni Terrence ang pagkapagod ko kaya he offered to find a shade muna and then doon magpahinga.

"Anong gusto mong kainin?"

"Bili tayo sorbetes." Aya ko sabay ngiti sa kanya dahil init init na ako and dala lang namin ay puro biscuits at chips. Gusto ko ng malamig na makakain.

Pumunta kami ni Terrence sa isang vendor and sinabi na niya ang gusto namin. Isang chocolate para sa akin at isang vanilla sa kanya. I was about to get my wallet nang hinawakan niya ang kamay ko. I looked at him weirdly. He smiled at me- showing his teeth.

I felt my heart skipped a beat.

My eyes widened at napakurap ako ng maraming beses. Shit! I dramatically slapped his hand para mawala ito sa pagkakahawak sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at diniretso na lang ito sa manong na nakatingin pala sa aming dalawa. I saw the vendor smiled mischievously at us.

I cleared my throat because I suddenly felt awkward. For goodness sake, umayos ka Cring!

"Date niyo sir?" Kuya vendor asked us with his teasing smile. He wiggled his eyebrows! I almost choked on my own saliva. My eyes widened while looking at kuya. I slapped Terrence's back signaling him to correct kuya, pero iba ata pag intindi ni Terrence sa mga sapak ko.

"Bagay ba, Kuya?" Halos hindi ko maipinta ang mukha ko at hindi ko mahabol ang pintig ng puso ko. Uminit ang aking batok at naramdaman ko ang pag pula ng aking mga tenga at pisngi. Lagot ka talaga sa'kin, Terrence!

I pinched Terrence's waist and said sorry to Kuya for his behavior. Kinuha ko na ang aming ice cream at inabot ni Terrence ang bente sa kanya. Hinila ko na si Terrence palayo doon at hindi ko na mabiling kung ilang beses ko siyang sinapak habang siya ay tawa ng tawa.

"Hindi naman tayo kilala ni Kuya." He justified while he's still receiving my small punches. I can't take him seriously now that he's laughing.

Bago ko pa malapat ang kamay ko sa dibdib niya, kinuha na niya ito at hinila ako papunta sa sakayan.

"Hoy! Saan tayo pupunta?" I asked while attempting to get put from his hold.

"Magpapalamig, mahal na prinsesa. Huwag ka ngang malikot! Masagasaan ka diyan, wala akong pera pampa ospital sa iyo uy!" He said in a serious tone. I hurriedly ate my ice cream dahil nag me-melt na ito. While I was cleaning up myself, I saw him hailing a taxi.

Taxi! Nako at nag taxi pa baka mahal ang bayaran namin dito tapos pagbayarin niya ako. Pagagalitan talaga ako ni Mama pag-uwi. Hay naku! Sige na nga lang. Minsan lang naman makagala.

"Sa MOA po manong." I glance at Terrence when he said that. Malayo ba 'yun dito? Hindi ko alam. Bahala na nga. Napansin niya na napatingin ako sa kanya kaya binalingan niya ako.

"Ano?" he mouthed.

"Malayo ba 'yun? Baka malayo 'ah. Nag taxi pa tayo baka di na tayo makauwi!" Bulong ko sa kanya, afraid that the driver would hear my worries. Baka pababain kami sa gitna ng hiwghway.

Instead of answering me, sinandal ni Terrence ang kaniyang ulo sa aking kaliwang balikat. I felt my body freeze. I swallowed the lump in my throat. My heart started beating fast. I'm afraid Terrence would hear my heart. Before I could shove his head away, he adjusted his head comfortably and I saw his closed eyes. He looked calm. I was afraid to move, he might wake up. His calm demeanor made me decide to just let him sleep. On my shoulder.

Where We PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon