Chapter 6

152 12 2
                                    

JENNIE


"Nay, sinabihan ko na si Rosie na hindi ako sasama. Wala naman akong planong suwayin ka."

Patuloy na inaayos ni Nanay Flor ang mga bulaklak niyang dala sa mga vase. Hindi niya pa rin ako pinapansin.


"Dito lang po talaga ako. Hindi ako aalis."


Napatigil ako sa pagsasalita nang liningon ako ni Nanay.


"Nay wag niyo po sanang masamain yung pag imbita ni Rosie sa akin na sumama sa kanya. Wala po siyang kasalana-"



"Gusto mo bang sumama sa kanya?"



Nagulat ako sa tanong niya. Kahit naman oo yung sasagutin ko, wala sa akin ang desisyon.


"Nay, dito lang talaga ako kasama ka."




"Jennie, sumama ka kay Rosie."


"Po?"


Umupo si nanay sa harapan ko at inabot yung mga kamay ko para hawakan.


"Bibilhan kita ng cellphone mamaya para macontact mo pa rin ako."

Magsasalita pa sana ako ngunit inunahan ako ni Nanay Flor.

"Huwag kang mag-alala, susunod ako."


"Nay, naguguluhan ako. Akala ko ba bawal akong umalis dito?"


Tinitigan muna ako ni Nanay Flor bago siya nagsalita ulit.


"Anak, naaalala mo ba yung kwento ko sayo? Tungkol sa totoong nanay mo?"


Saan to patungo, Nay?


"Bakit, Nay?"

Napatingin siya sa may bintana.

"Pumunta ako sa bayan kahapon. Napanood ko sa tv ng isang tindahan ang balita tungkol kay Atarah de Luca, yung totoong nanay mo." Kitang kita ko ang namumuong mga luha sa mga mata ni Nanay.

"Diba patay na si mama? Para saan po yung balita?" Kumunot yung noo ko. Naguguluhan ako. Sabi ni Nanay Flor, namatay na si mama nang isinilang niya ako.

Lumingon na siya ngayon sa akin.


"Anak, buhay ang mama mo." tumulo na ngayon ang mga luha ni Nanay Flor.


Binawi ko yung mga kamay ko sa hawak ni Nanay Flor.  Nagulat siya sa ginawa ko pero mas gulat ako sa naririnig ko ngayon.

Hindi ko alam ano ang dapat kong maramdaman.


"Akala ko nawalan na siya ng buhay nung itinakas ko kayo pero nagkamali pala ako. Sabi sa balita, ilang taon na siyang nagkacoma at ngayon lang nagising. Ngunit wala siyang maalala." Mas umiyak pa si Nanay ngayon.

Kayo? Itinakas kayo? Sinong kayo?

"Sino pa yung tinakas mo, Nay?" kumunot yung noo ko. Akala ko ako lang ang tinakas?

"Sila ang dapat mong hanapin sa Maynila."


"Sino?"


"Ang mga kapatid mo."


Meron akong mga kapatid? Naguguluhan na ako. Ano pa ang tinatago ni Nanay Flor sakin?


"Kailangan mong mahanap ang mga kapatid mo. Ako na bahalang humanap ng paraan para mapalapit ulit sa Mama mo."


"Teka. Pero paano mo po nasisigurado na nasa Maynila ang mga kapatid ko?"


Hindi siya sumagot.


"Bakit mo sila iniwan kung ganun, Nay?"



"Bakit ako lang ang kasama mo ngayon?"

Gotta Be YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα