Chapter 9

104 9 1
                                    

JENNIE

Nandito na kami ngayon sa loob ng barko papuntang Maynila. Naghahanap kami ngayon ng makakain kasi gutom na gutom na si Rosie.

"Ano gusto mo? Cup noodles? Anong flavor? Ako nalang pipila-"

"Oh my goodness. What are you doing here?" May lumapit sa akin na gulat na gulat at bigla nalang akong sinuotan ng sumbrero at nilipat sa aking mata ang shades niya.

"What kind of plan are you up to this time? Does Kiefer even know about this? Why are you headed to Manila? Where have you been ba?"

Ang bilis niyang magsalita. Sino to?

"Uh pasensya na po, sino ho kayo?" Tanong ni Rosie na pumagitna sa amin.

Ineksamin niya muna si Rosie bago niya binalik yung tingin sa akin tapos balik ulit kay Rosie.

"You must be her new private security guard. Good idea to dress simply for it not to be so obvious you're with a celebrity. I'm Althea Fuentes, Arsinoe's sister. Ruby knows me, don't worry."

Napalingon agad si Rosie sa akin.

Ruby? Kilala ba to ng kapatid ko? Yung sinabi sa akin ni Nanay Flor? Ruby Louise Uy?

Bago kasi kami umalis, kinwento lahat ni Nanay Flor sa akin ang lahat na gusto kong malaman. Nakwento niya rin sa akin na iniwan niya ang dalawa kong mga kapatid sa bahay ampunan.

Ako raw ang panganay sa aming tatlo. Si Ruby ang pangalawa habang si Jane yung pangatlo. Hindi raw sana sigurado si nanay kung yan pa rin ang dalang pangalan ng mga kapatid ko pero noong pumunta raw siya sa kabilang bayan, may nakita siya sa telebisyon ng isang carenderia na artista. Kamukhang-kamukha ko raw. Ruby Louise Uy ang pangalan, sabi sa kanya ng tindera. Ayon pa kay Nanay Flor, siya raw ang isang kambal ko. Habang si Jane, hindi alam ni Nanay Flor saan na siya napadpad pero sabi niya kapag nahanap ko raw si Ruby, pwede namin gamitin ang kasikatan at impluwensiya niya para mahanap yung bunsong kapatid namin.

"You must be undercover but I think both of you will be safer with me. Let's go grab your things. It's not safe being in the economy section even though you're pretending. You can get mobbed. Good thing I came down here because I had to buy gum for my nerves. I never would've seen you."


Patuloy siyang nagsalita.

"Well? C'mon asan na mga gamit niyo? Sumama kayo sa akin para mas ligtas kayo. Ako na bahala sa food."


Nagkatinginan ulit kami ni Rosie. Yun lang ata naintindihan namin. Hindi kasi kami gahasa sa ingles tapos ang bilis pa niyang magsalita.



"You must be tired. Let's talk tomorrow when we arrive. I'll have them send the food over so both of you can rest afterwards. Sleep well." sabi nung babae tapos umalis kaagad.

Nasa first class section na kami ngayon ni Rosie. Isang kwarto na pangmayaman. Mukha namang mabait yung tao pero di namin siya kilala.

"Sino yun? Nakilala mo ba sa isa sa mga karera na hindi mo ako nakasama?"

"Hindi ko kilala."

"Ano? Edi sino yun? May nasabi pa naman sa akin si nanay na huwag basta bastang sasama kahit kanino."

"Oh bakit ka sumama?"

"Ha? Sumama ka eh kaya sumama nalang din ako! Akala ko kakilala mo!"

"Tatakas nalang tayo bukas—"

"Ms. Uy, food sent by Ms. Fuentes is here." sabi ng kumatok.

Ang pagkain na ata.

Binuksan ko kaagad ang pinto.

"It's a pleasure to meet you in person Ms. Uy. I'm a fan. Please enjoy the food. Leave the cart outside this door after your meals are finished. Thank you."


Ngumiti nalang ako bago siya lumabas sa kwarto namin.


"Ano raw sabi?"


Nilingon ko si Rosie na ngayon ay nagsimulang lumamon sa pagkain. Hindi man lang ako hinintay para sabay kami! Hindi pa nagdasal!

"Malakas kutob ko kilala niya yung kapatid kong artista."

"Sino? Yung nagbigay sa atin ng pagkain ngayon lang? Ano pa sabi niya?"

"Hindi, yung Althea. Tinawag niya kasi akong Ruby kanina. Akala niya siguro ako si Ruby."


"Ha? Diba ikaw na nagsabi na artista yun? Sinong artista ganyan magsuot ng damit?"

Sinamaan ko siya ng tingin.


"Kung kilala niya nga yung kapatid mong si Ruby, ano plano mo?"


Ano nga ba plano ko? Handa na ba akong harapin yung kapatid ko?


Gotta Be YouWhere stories live. Discover now