Chapter 12

64 3 4
                                    

JENNIE


"Kinakabahan ako, Jennie. Tumakas na lang kaya tayo? Hindi natin siya kilala." Sabi ni Rosie habang hindi mapakali sa paglakad-lakad sa harap ko.


"Rosie, kumalma ka muna," sabi ko nang mahinahon. "Nabanggit niya yung kapatid ko, baka pwede niya akong tulungan."


Napahinto si Rosie sa pagkagat ng kuko niya, tila nag-iisip.


"Ikaw na mismo na nagsabi na sikat yung Ruby. Di mo ba naisip yung posibilidad na baka kilala niya lang kapatid mo pero may masama pala siyang balak?"


Napaisip din ako. Totoo nga, hindi naming lubos na kialala ang taong nagdala sa amin dito. Ngunit may bahid ng pag-asa sa puso ko na maaaring mabuti ang kanyang hangarin.


"Tatawagan ko na lang muna si Nanay Flor." Kinuha ko yung cellphone ko at nagdial.


"Sorry, you do not have enough load or prepaid credits to make this call. Please reload or top up your account to continue using our services. Thank you." Sabi ng boses sa kabilang linya.


Binaba ko yung cellphone at kumuha ng pera sa bag.


"Aalis ka?"


"Kinain ng SMART yung load ko kasi di ko na unli. Papaload muna ako sa labas. Dito ka lang."


"Huh?? Sama ako!"


"Rosie, babalik ako. Mabilis lang to."


"Kapag di ka makabalik pagkatapos ng isang oras, tatakas talaga ako rito."


"Babalik ako kaagad."


Sinuot ko yung sombrero na blue at lumabas na sa aming silid.


Nung nakalabas na ako sa hotel, naglakad ako kung saan-saan para maghanap lang ng tindahan na nagtitinda ng load. Ngunit nabigla na lamang ako nung may taong sumalubong sa akin na may dalang malaking camera. Marami pang sumunod na may dala ring mga malalaking camera, habang yung iba mga cellphone lang yung dala.


"Ruby, did you cheat on Gian Sancho?" tanong ng isa.


"Ruby, what's the real score between you and Chris Evans?" tanogn pa nang isa.


"Ruby, ano ang masasabi mo sa mga rumors na ginamit mo lang si Gian?"


"Ruby, papicture please!"


Biglang nagsiksikan yung mga tao sa paligid ko, mas umingay din. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Ayoko sa mga ganito. Nahihirapan akong huminga.


Nagulat na lang ako nung may biglang humawak sa akin mula sa karamihan. Isang babae na may mahabang buhok na kulay blonde ang nagdala sa akin palayo. Nakasuot din siya ng sumbrero. Pero ang bilis niyang maglakad habang hawak ang aking kamay. Tumigil na lang kami nung nakapasok na kami sa isang coffee shop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gotta Be YouWhere stories live. Discover now