CHAPTER 2

23 2 0
                                        

A/N: Maaaring may mali sa mga impormasyong nabangit. I am not a med. student or related to any medical field. I used internet and some books to find some information mentioned below. Kung may pagkakamali man please do drop it or send me a private message. Maraming salamat!

Lorcan Craig's

Matapos naming maka-usap si Ninong Yuan ay nagsabi si Gunter kay Gabin na ilibot kami sandali sa loob ng hospital. May kalakihan ang lugar kaya naman kailangang alam namin ang pasikot-sikot dito.

May walong palapag ang buong Legrand Legacy Hospital. Nasa taas ang opisina ng Chairman at ang silid ng mga VIP patients nito. Sa ikapitong palapag naman ang opisina ng board of derictors at ilang mga silid para sa malalaking doctor na nagtatrabaho rito. Nasa ikaanim na palapag ang naman ang mga silid ng employees at iba pang tauhan ng ospital. Nasa ikalimang palapag ang opisina namin at ng iba pang medical team. Nandito rin ang conference room kung saan nangyayari ang meeting ng mga empleyado nila. Habang ang mga natitirang palapag ay para na sa mga pasyente at mga operating room. Nasa unang palapag din ang cafeteria at emergency room. At may rooftop din ito kung saan may maliit na garden.

"Kailangan pala ng mapa rito para hindi ka mawala." Natatawang wika ni Gunter habang naglalakad kami patungo sa aming opisina. Sa laki ng building ay halos inabot kami ng isang oras sa paglilibot, nawala rin ang lahat ng antok ko dahil dito.

"Baka mawala ka pa rito kapag nagkataon. Knowing you kung saan saan ka pa naman nagsususuot." Sabi ko dahilan upang matawa si Gabin.

"Kaya nga kailangan ko ng mapa. Kailangan ko na sigurong ilabas ang pagiging dora sa kaloob-looban ko para hindi ako mawala sa lugar na ito." Seryosong sabi nito na ikinailing ko na lamang. Kapag si Gunter ang kasama mo ay kailangan mo na lang masanay sa mga walang kwentang salita na lumalabas sa bibig niya.

"Nandito na po tayo." Imporma ni Gabin at naunang pumasok. Bumungad sa amin ang isang malaking silid. Sa loob nito ay may isang mahabang table habang may iilang maliit na lamesa sa paligid.

Mabilis na tumigil ang mga taong nasa loob sa kanilang ginagawa at tumayo ng tuwid habang nakatingin sa amin. And one of them is familiar to me.

"Good day po." They greeted in unison.

"Good day!" Gunter answered happily.

"This is our new Chief Surgeon here, Dr. Lorcan Craig Fedorova and the assistant chief Dr. Gunter Roqas. They will be working with us starting today." Gabi introduced us to them.

"Lethiana Marques,Neurosurgeon. Looking forward to learn something from you, Dr. Lorcan and Dr.Gunter." Masayang sabi ng babaeng may maikling buhok.

"I like your energy, Dr. Marques, keep it up!" Gunter said smiling from ear to ear that made Dr.Marques blushed.

Malakas ko itong siniko sa kaniyang tagiliran. "Stop flirting." Asik ko sa kaniya at bumaling sa kanila.

"Sorry about that. Hindi kasi ito nakainom ng gamot bago umalis." Sabi ko na ikinatawa ng mga ito.

"Continue," i added.

"Caspian Choi, Otolaryngologist. I am very much honored to work with two of the most skilled surgeon in the world. Welcome to Legrand Legacy, Sirs!" Pagpapakilala naman ng isang may katangkarang lalaki.

"Are you a korean, Dr.Choi? Singkit ka kasi." Gunter said. I rolled my eyes at him and sighs.

Wala na talagang pag-asang tumino ang isang 'to.

Nanglalaki ang mga matang tumingin si Dr.Choi kay Gunter.

"Hala! Paano mo nalaman, Dr.Gunter? Manghuhula ka ba?!" Wika nito na nakatakip pa sa bibig ang kaniyang kamay.

Code Name: FROSTWhere stories live. Discover now