Reece Henrietta's
Mahigit isang oras na pala ang nakalipas at hindi man lamang namin namalayan ni Samara dahil sa abala naming pag-uusap. Ilang taon din kaming hindi nagkita o kahit nagkausap man lang sa telepono kaya maraming bagay ang pinag-usapan namin. Kung iisiping mabuti ay kulang siguro ang isang araw para makapag kwentohan kami sa mga nangyari sa buhay namin sa nakalipas na mga taon.
Samara is my bestfriend. Schoolmates kami noong college at isa lang siya sa iilan kong matalik na kaibigan.Yup, that's right. I was a part of Military forces before i become a doctor. Sabay kaming pumasok ng military academy at sabay din kaming nagtapos. Sa oras na iyon ay pumili ang pinuno ng bansa sa hanay namin na may pag-asang maging miyembro ng organisasyong tinatawag na NISS. Sinasalang mabuti ang bawat isa at tanging ang magagaling at natatanging tao lamang ay maaaring makapasok sa NISS.
Samara and I qualified. Sa halos isang libong miyembro ng military force ay kaming dalawa lamang ang napili. But i refused the offer. Sapat na sa aking maging miyembro lang ng military force at hindi na ako humiling pa na maging miyembro ng NISS. Isa pa sa mga dahilan ay masyadong delikado ang organisasyong iyon at malalayo ako sa pamilya nang matagal na panahon bagay na hindi ko kaya.
Samara and i worked in same field but in different organization. Palagi siyang ipinapadala sa kung saang panig ng mundo bagay na naging dahilan kung bakit kami naging madalang na magkita at magkausap.
Pagkatapos ay muling gumawa ng isang special task force ang gobyerno dahil sa patuloy na banta sa seguridad ng bansa. I was assigned to lead the group with Samara but it was a secret plan. Walang nakakaalam maliban sa aming mga miyembro. Even NISS don't know that we exist except Samara.
Naging successful ang team na binuo nila at ang misyong ibinigay sa amin not until that incident happened.
That particular incident that changed our entire life and ruined someone's life.
I resigned from my work. Tila isang bangungot ang nangyari noon para sa aming lahat lalong lalo na sa taong 'yon.
Samara and i lost our connection at ngayon lang ulit nangyari ang pagkikita namin.
"Are you happy with your life now, Ree?"She asked.
"Not completely but i am contented with my life right now, Sam. Dahil siguro alam kong may tao pang nagdurusa sa nangyari noon kaya hindi ko magawang maging masaya nang lubusan." I honestly answered.
Ngumiti ito nang bahagya at umiling, "That man.." She paused.
"Nilulunod niya parin ang sarili niya sa memorya ng nakaraan. Limang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nakalaahon dahil ayaw niyang umahon. Minsan gusto ko na lang siyang saktan talaga." Aniya na mahina kong ikinatawa.
Hindi na ako sumagot sa sinabi nito dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatang husgahan ang pinagdaraanan ng taong 'yon. I am one of the reasons of his sufferings, afterall.
"Hindi ka ba niya nakikilala?" She asked instead.
"He never once saw me, Sam. Palagi ko siyang nakikita pero ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin noon. Sa tingin mo ba ay makikilala niya ako?" Natatawang sabi ko.
"Only him can answer that, Ree." Sagot nito dahilan upang pareho kaming matawa.
Natigil kami sa pagtatawanan dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng silid. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Gunter na tila sinabunutan ng isang daang tao dahil sa gulo ng buhok nito.
"Samara babe!" Gunter shouted and rushed towards her.
Lumayo ako mula rito at nakangiting pinag masdan ang dalawa.

YOU ARE READING
Code Name: FROST
ActionLorcan Craig Fedorova, an ex NISS agent. He left the organization after a failed operation that cause his life's misery. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na siya babalik sa trabahong iyon and he would never ever hold gun and a fucking bom...