CHAPTER 8

10 1 0
                                    

Lorcan Craig's

"I'm going home,Gunter." Saad ko matapos kong maayos ang aking mga gamit.

"Edi umuwi ka! Asawa mo ba ako para mag paalam ka sa akin? Gagong 'to! Lumayas ka kung lalayas ka!" He said and rolled his eyes on me.

Malakas na natawa si Gabin at Casper habang si Lethiana naman ay pilit na pinipigilan ang kaniyang halakhak.

"You should let it out, Lethiana. Baka 'yan ang ikamatay mo. Hindi—"

Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko dahil sa bigla nitong paghalakhak.

I heaved my sigh and stared at them flatly. Hindi parin magkamayaw ang mga ito sa pag tawa habang si Gunter naman ay nakangising tumingin sa akin.

"S-Sorry... S-Sorry Doc. Nakakatawa lang kasi 'yong sinabi ni Doc.Gunter." saad ni Casper.

I tsked and glared at Gunter.

"Fuck you,Gunter!" I hissed at him. But the asshole just smirked at me.

"Call me if you need my help. I'm leaving." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Yes, Doc! Ingat po!" Gabin said.

"Sana all day off!" Dagdag pa ni Casper bago ako tuluyang lumabas ng opisina.

"Let's go,Henrietta." Tila nagulat naman ito sa biglang pag sulpot ko ngunit agad naman itong tumayo at ngumiti sa akin.

"Pasensya na at naghintay ka. Gunter's being an asshole again kaya kinausap ko pa." Pagpapaliwanag ko.

"It's okay, Doc. Lorcan—"

"Lorcan," I corrected and she chuckled softly.

Shit! Even her chuckle's sound so sexy.

"It's okay, Lorcan. Kaunting oras lang naman akong naghintay." Aniya habang nakangiti.

"Glad to hear that. Let's go." Sabi ko at kinuha ang bag na hawak nito.

"Ako na."

She didn't say something and let me carry her bag.

"May i know your address? Para alam ko kung saan ako daraan." Sabi ko nang makapasok kami sa sasakyan.

"Monte Isola Village." Sagot nito na ikinatigil ko.

You're joking?!

"You live there?" Pagkokompirma ko.

"Ah..Yes. May problema ba?" Alanganing sagot nito.

"I can commute kaya ayos lang kung hindi mo ako maihahatid."

"No. Ihahatid kita. Nagulat lang ako na doon ka nakatira." Sabi ko.

Monte Isola Village is one of the most luxurious village in the country. Napakamahal din ng unit na mayroon dito. Bukod pa do'n ay masyado ring mahigpit ang security. Well, the village is owned by one of the well-known business tycoon Max Sandoval. And his wife—Nike Villaruel Sandoval is a friend of mine.

"Gunter and I owned a unit there." Sabi ko pa habang binabagtas ang daan patungo sa Monte Isola Village.

"You what?!" Gulat na tanong nito.

Lihim akong natawa dahil sa naging reaksyon nito. Nakakagulat naman talaga na malamang nasa iisang village lang pala kaming dalawa nakatira.

That's what you called destiny, right? Napailing na lamang ako dahil sa naisip ko.

"The owner's of the village is actually a friend of us. I mean the wife of the owner. Since wala kaming matutuluyan nang umuwi kami rito sa pilipinas we asked for her help at nagkataong may bakante pang unit dito kaya ibinigay niya sa amin. Malapit din siya sa Legrand Hospital kaya pinili na namin dito." Paliwanag ko na ikinatango nito.

Code Name: FROSTWhere stories live. Discover now