CHAPTER 5

11 2 0
                                        

Reece Henrietta's

"Oh shit!" Mahinang napamura ako nang maramdaman ko ang sakit ng aking buong katawan lalong lalo na ang aking braso. Kaninang madaling araw lang namin naranasan ang gano'n kadaming pasyente dahil sa nangyaring aksidente at wala rin ang ibang doctor ng ospital kaya wala kaming pagpipilian kung hindi ang asikasuhin ang lahat ng ito.


"You're awake." Halos mapatalon ako mula sa aking kinauupuan dahil sa baritonong boses na aking narinig. Iniaangat ko ang aking ulo at tumambad sa akin ang mukha ni Dr.Lorcan.


Mabilis kong inayos ang aking sarili maging ang aking buhok.


Nakakahiya! Bakit sa ganitong sitwasyon niya pa ako nakita! At bakit sobrang aga niya naman ata?!

"G-Good morning,Doc. Pasensya na po at naabutan mo ako—"


"That's okay. Caspian told me about the emergency earlier. You should rest some more. Don't mind me." Aniya at ibinalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa.



"Hindi na po,Doc. I already got enough sleep." Alanganing ngiting sagot ko.


"Alright." He answered without even looking at me.


Napuno ng katahimikan ang buong silid at nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya. Suot nito ang kaniyang salamin na seryosong nakatingin sa kaniyang ginagawa. His messy hair made him attractive even more. Daig rin nito ang mga babae sa sobrang kinis ng kaniyang mukha. Ano kayang skin care ni Doc?


"Baka matunaw ako kapag ipinagpatuloy mo ang pagtitig sa akin?" Para bang may kung anong sumampal sa akin nang marinig ang sinabi niyang iyon kaya mabilis kong inialis ang tingin sa kaniya.


"Do you need something?" He asked.


"P-Po?" Nauutal na tanong ko.


Doc.Lorcan chuckled a bit." Sabi ko kung may kailangan ka ba kasi kanina mo pa ako tinitignan?"


"Ah.. Ano... Ano... Si Y-Ysa.. Oo.. Si Y-Ysa."Pagdadahilan ko at ngumiti ng alanganin dito.

"Itatanong ko lang po sana kung nakausap mo na ang guardian ni Yza tungkol sa surgery niya." Tanong ko para kahit papaano ay mailigtas ko ang aking sarili sa kahihiyan.


Bakit ko naman kasi siya tinititigan!

"Yes. I already talked to her mother. Pumayag siya sa surgery na gagawin. Naipaliwanag ko na rin lahat ng posibleng mangyari sa kanila." Aniya at isinara ang laptop na nasa harap nito.

"And surgery will happen tomorrow,Doc?"


"Yes. So we need to prepare everything. Wala dapat pagkakamaling mangyari bukas but before that.." He paused and stood up from his chair.



"Let's get some breakfast first." Nakangiting sabi nito.



"N-Ngayon na po,Doc?" Gulat na tanong ko.



"Yes. Let's go." He said at walang pasabing hinila ako nito papalabas ng opisina.

HINDI ko maialis ang aking paningin kay Dr.Lorcan at Dr.Gunter na masayang nakikipag-usap kay Yza. Today is Yza's surgery. Everything is ready at hinihintay na lamang ang signal mula kay Dr.Lorcan para ipasok na sa surgery room si Yza.


"You ready,Yza?" Dr.Gunter asked,smiling widely at her. Matamis na ngumiti si Yza rito at kitang kita ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Wala kang mababakas na kung ano mang takot o pagsisisi sa kaniya.



Code Name: FROSTWhere stories live. Discover now