CHAPTER 9

2K 148 6
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!

CHAPTER 9

---------

SKY KLEIN POV :

Kunot-noo kong pinagmasdan ang hawak hawak kong paper bag, pilit na tinatanong sa sarili kung kanino nga ba talaga galing 'to.

Wala naman ako'ng idea kung kanino ba talaga galing 'to! May secret admirer naba talaga ako? Maging sila manang ay nagtaka ng pumunta ako at tanungin sila kanina.

-- Flasback

" Manang!, " pagtawag ko kay manang. At agaran naman itong tumingin sa akin.

" Bakit, hijo? " agaran din niyang tanong sa akin.

" kayo po ba ang nagpadeliver ng ganito? " tanong ko sakanya sabay taas ng hawak hawak kong paper bag. Kumunot ang noo niya.

" aba, hindi hijo. Ni hindi nga ako marunong gumamit ng touchscreen at hindi rin ako sanay bumili o mag order order ng ganiyan! " saad niya kaya napatango nalang ako at sabay alis naman niya.

Kaya naman muli akong nagtaka, naguguluhan na ako sapagkat wala naman akong binibili na ganito sa online. At isa pa paano ako bibili ng ganito kung wala ako'ng cellphone?

At, isa pa kumpleto ang pangalan ko sa papel, at ang adress ng bahay ni tito ay nakalagay rin. Nakakapag taka lang dahil may nagpadala sa akin nito eh, dalawang araw pa lamang ako dito.

Wala naman na akong nagawa kundi ang umakyat. At habang umaakyat ay naguguluhan parin ang isip ko at pilit na tinatanong kung kanino ba talata to.

May biglaan ding pumasok sa isip ko na baka isa sa mga anak ni tito ang nag order nito sa akin. Pero malabong mangyari ang bagay na 'yon dahil makita o di kaya'y marinig lang nila ang boses ko ay nandidiri na sila order pa kaya.

Nang di ko na kaya, ay pinagsawalang bahala ko nalang. Baka mabaliw pa ako nito dahil sa kaka isip.

-- End Of Flashback.

Matapos kong kainin ang laman ng paper bag ay pinagsama-sama ko pa 'to at sabay na ibinalik sa paper bag at itapon na.

Kahit papaano ay nabusog ako dahil masarap. Sobrang sarap!

Pero di parin matanggal sa isip ko kung sino ang nagpadeliver sa akin nito. Baka naman si nanay? Kasi baka nag aalala siya na hindi pa ako kumakain kaya pinadalhan niya ako ng ganito? Pero hindi, bakit naman niya iisipin 'yon.

Matapos kong mag isip ay tumayo naman agad ako sabay kuha ng paper bag at lakad papunta pintuan at sabay bukas.

Napa amang pa ang labi ko dahil sa bumungad sa akin. Si kuya matthew!

" B-bakit nandito ka? " utal kong tanong, bakit ba ako nauutal sa tuwing makakaharap ko 'tong lalaking to?

" Lunch is ready " kalmado niyang sagot sa'kin kaya naman tumingin ako sa paligid. Baka kasi isa na naman ito sa mga prank nila nadala na ako noh. Tumingin naman ako sakaniya at tumingin naman siya sa likod. " where are you looking at? " pagtatanong niya.

" w-wala, baka kasi isa na naman 'to sa mga plano ninyo kaya naninigurado lang " bulalas ko naman sakanya.

" look, about what happend kanina, I'm so sorry, and last hindi na mauulit " ani niya sabay tingin sa hawak hawak kong paper bag. Nakita ko pang kumunot ang noo niya sabay tanong muli. " Oh! Did you eat already? " tanong niya kaya huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon