CHAPTER 43

1.7K 113 39
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 43

—————

SKY KLEIN POV :

Buong klase ako wala sa sarili. Iniisip ko parin iyong nangyari kanina. Pakiramdam ko nakikita ko parin iyong mukha niya. Iyong mukha niyang naging bigla bigla, iyong kamay niyang nasa kwelyo ng damit ko.

Buong klase ko wala akong naintindihan, ni isa walang pumasok sa isip ko. Pilit kong iniisip kung bakit niya ginawa iyon sa akin. I mean, ano'ng ibig niyang sabihin? Eh ayaw niya nga sa 'kin, diba?

Ang gulo naman niya, si Matthew. Sila lang dalawa doon. Saka iyong babaeng nabangga ko sa tapat ng dance club. Hindi ba niya naririnig? Ano kayang ginawa nilang dalawa? Wala na kasi akong nagawa kanina dahil sa sobrang nginig ko.

Balikan ko kaya si Matthew? Nag aalala parin kasi ako sakaniya. Baka ano nang ginawa ni Diego kay Matthew, pero malakas naman kutob na hindi naman sila mag aaway? To the point na mag sasapakan na silang dalawa. Siyempre magkapatid parin silang dalawa.

Puntahan ko na nga.

Akma na sana akong tatayo ng biglang hawakan ni Theo ang kamay ko. Napalingon kaagad ako sa ginawa niya.
" Okay ka lang? Kanina kopa napapansin na wala ka sa sarili saka nanginginig pa iyong mga tuhod mo kanina " sabi niya sa 'kin, nakakapansin din pala siya. Nanatili akong nakatikom ang bibig. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sakanila iyong nangyari, ang kaso ay baka mag tanong sila kung bakit nagawa iyon ni Diego, posible naman eh. Hindi naman siguro sila gano'n ka eng-eng para isipin nila na trip-trip lang ni Diego gawin 'yon.

" same here, and kanina I heard your sob. Kahit mahina lang 'yun. Nilapit ko kasi tainga ko sa'yo hehe, that's why " nahihiyang saad sa 'kin ni Crystal habang nakangiti pa.

Hindi parin ako makasagot. Ano ba'ng dapat kong isagot sakanila? Mag sinungaling nalang kaya ako? "  okay lang akes! " masayang sabi ko sakanila, pero tinignan lang nila ako na parang hindi sila naniniwala. " N-nadapa lang ako kanina! Kaya a-ayon " dagdag ko pa para mapakunot pa lalo ang noo nilang dalawa. Boba!

" Eh? Mukhang hindi naman, I don't see any bruise on your hand, and hindi ka naman siguro manginginig ng ganiyan kalala! " si Crystal, may point naman siya. Hindi nga naman ako manginginig ng sobra kung walang mabigat na rason.

" S-siyempre may naka kita! Alam mo naman na mainit ulo sa 'kin ng ibang student " pagdadahilan ko pa. Binigyan ulit nila ako ng nagtatakang tingin. " Eh h'wag niyo na nga isipin! Hayaan niyo na. Uwian na oh tayo nalang nandito hindi paba kayo lalabas? " pangungumbinsi ko pa.

" Right, sure ka ha? Basta kapag may problem ka you can share to us para ma help ka namin! Besides we're friends at all time. Okay? " si Crystal, ngumiti naman ako sakaniya. Nakaka touch naman si ineng.

" oo nga! Basta libre pagkatapos " Theo habang nakangiti. Inirapan nalang namin siyang dalawa. Saka sabay sabay na naglakad pababa at lumabas. Tinahak lang namin tatlo ang daan palabas ng building namin.

" HELLOOOO!!! " muntik pa kaming napatalon ng biglang sumulpot sa harapan namin si... ano ulit pangalan nito? Ito iyong nasa dance club kanina eh. Ano kasing pangalan niya? " Ano? Ready kana ba? Uy! Sige na naman, mukhang may potential ka naman eh! Kaya sige na please " sunod sunod niyang sabi sa 'kin. Grabe naman 'to pilitan talaga si ate mo gurl?

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon