CHAPTER 23

1.9K 126 18
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 23

-------------


SKY KLEIN POV :

Huhu help! Tulong! May multo!!!!! Mama!!!! Papa!!! Manang!!!!! Pagtawag ng tulog ng utak ko. Gagalaw na sana ako ng may magsalita sa likuran ko na mas lalo ko'ng ikinakaba.


*DUG *TUG *DUG *TUG


" Sky " boses ng isang lalaki na alam ko agad kung kanino. Kaya dahan-dahan ko'ng inilingon ang ulo ka paharap sakaniya at nakita ko naman ang mukha niya.


" K-kuya Matthew! " saad ko ng makita ko ang mukha niya at ganoon parin ang ekspresyon ng mukha niya. Seryoso parin siya. All the time naman ata mga beh! " Grabe gulat ko sayo! Sa susunod naman 'wag kang mananakot! Grabe kaba ng puso ko mga 1000%, kaloka ka! " saad ko sakaniya at ang huling sinabi ko naman ay mahina ko na lamang na ibinulong. Tinignan ko naman ang mukha niya at gano'n parin ang mukha niya.



Hindi ba talaga magbabago ang reaction ng mukha nito kapag ako ang kausap? Samantalang kanina no'ng nabuhusan ako ng tubig eh nakatawa siya, ano 'to duality?!


" What are you doing here? " seryoso niyang tanong at wala sa sariling napatingin ako sa paligid at agad ding nabalik ang tingin ko sakaniya. " gabi na, bakit nasa labas kapa? " sabi niya sa akin kaya napatulala naman ako sa mukha niya



Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa tinanong niya. Bakit siya concern sa akin?


Bakit niya ako tinatanong ng ganito?

Tanggap naba niya ang tunay na ako? What i mean is na bakla ako? Kasi diba ayaw nila sa amin kuno! Kaya bakit niya ako tinatanong?


Bakit niya rin ako sinundan dito?


" Hey...... I'm asking you, why are you here? Don't you know how to speak? " pag-uulit niya at doon lamang napabalik ako sa reyalidad at napaiwas naman agad ako ng tingin kasabay ng pag buntong hininga.


" A-ah HAHAHAHHA grabe ka naman! Hinahanap ko kasi si manang! May itatanong ako sakaniya, nakita mo ba siya? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh " sagot ko sakaniya. Well iyon naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon sa labas.


" Manang is inside, so why are you here? " napaawang naman ang bibig ko sa unang sinabi niya. WHAT!!!!!! bakit hindi ko siya nakita!!! Punyeta. Char.


" Ah nandoon ba? Eh sabi kasi no'ng isang kasambahay nakita daw niya si manang na lumabas kaya hinahanap ko dito " pagdadahilan ko at napatango naman siya ng bahagya na ikanangiti ko. " Nako sige na! Nasa loob naman pala si manang, pasok na ako " pagpapa alam ko at wala naman siyang isinagot kaya naglakad na ako papunta sa pintuan para pumasok. Pagpasok ko naman ay napahinto pa ako sa likod ng pintuan.

WOAH! bakit niya ako sinundan? Tapos concern pa siya sa akin? WAAAAHHHHH!!!! CRUSH NIYA BA AKO??? CHAROT!


Nanatili parin ako'ng nakatayo rito sa likod ng pintuan na para'ng tanga lang ng biglang nahagip ng mata ko ang taong hinahanap ko kanina pa. Kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na sinundan siya. Nang medyo makalapit ako ay agad ko namang siyang tinawag.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon