CHAPTER 50 : THE PARTY

2.3K 140 68
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 50 : THE PARTY

——————

SKY KLEIN POV :

Friday.

" Ayan bongga! " sabi ko sa aking sarili. Sinusukat ko na kasi ang gagamitin ko mamaya! Iyong binili namin ni Hazinah sa mall! Kain kasi ako nang kain eh! Baka nanaba na ako. Nag pose-pose pa ako sa harapan ng salamin ko bago ko isa-isahing ilagay ulit sa hanger.

Plantsahin ko paba? Para kasing iyong mga gantong damit 'di na kinakailngan plantya! Kahit gusot-gusto p'wedeng suotin, pang mayaman naman ang presyo eh! HAHAHAH! KALOKA!

kinuha ko pa ang cellphone ko na nakalagay sa sofa dito sa closet room ko. Taray! May sofa ang closet room! Iba talaga kapag maganda! Ehe. Choss! Pagkakuha ko ay nag tuloy parin sa pag vibrate kaya't sinagot kona, kahit hindi ko tignan ang pangalan, automatic wit kona 'tong frog na 'to noh! Ganiyan ako ka brainy! Choss.

" Omgyhadddddddddd!!!! Super excited na ako! Excited na 'kong suotin 'yung dress ko! Can't wait! " malakas na boses ni Crystal agad ang bumungad pagka sagot ko sa tawag. Tumawag lang para sabihin 'yon? Akala ko naman may importante siyang sasabihin.

" Ready kana ba mamaya? " bigla kong tanong sakaniya. Narinig ko pa siyang umayos ng upo bago sumagot sa tanong ko.

" ofcourse! Sino ba namang hindi? Ikaw ba? " sagot at balik niyang tanong sa'kin. Excited ba ako? O hindi? I mean wala naman kasi akong nararamdaman na excitement para mamaya eh.

" Konti lang " sagot ko sakaniya. P'wede na 'yun noh, baka kasi magtanong siya nang mag tanong kapag sinabi kong hindi.

" why naman? Akala ko ba ready kana. Sinabi mo kaya 'yon kahapon! " tanong niya.

" Di ko alam, konti lang akong excited, kasi naman! Parang normal party lang naman kasi 'yon eh! Tapos mapapagod pa ako kasi sasayaw kami sa opening! " sabi ko sakaniya saka pabagsak na iniupo ang sarili ko sa kama. Napahawak pa nga ako sa ulo ko ng tumama iyong ulo ko sa head board.

" you're not sure! I heard, we have a guest from other school! I think handsome siya! And lastly, iyong mapipili daw sa ball of the night, is sasayaw nung guest sa gitna! Aaahhh!! Sana ako 'yong maisayaw niya! " sabi niya. Wala naman akong sinagot. Sino naman kaya iyong guest na 'yon?

" Sige, mangarap ka nang gising, Crystal! Loka ka! " naisagot ko sakaniya. Saka naman siya tumawa. Inivite niya sa call si Theo kaya ang dalawa walang awat na nag bardagulan sa call. Tawa lang din ako nang tawa kapag naiinis ang isa sakanila. Perfect couple talaga 'tong dalawang 'to.

Pagtapos ng call namin ay huminga pa muna ako ng malalim saka humiga at tumingin sa kisame ko. Sana wala sila papa mamaya sa party. Pero imposible na hindi siya pupunta! Isa siya sa mga stakeholders! Pero ang sabi niya busy daw siya today eh.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyonan ko nalang na bumaba. Hindi pa kasi ako kumain ng breakfast. Wala naman pasok ngayon eh, pagkagising ko kasi kanina tinignan ko na ang beauty ko suot iyong damit na 'yon! Tapos ngayon lang ako natapos.

Pagbaba ko ay gulat akong nakatingin kay Hazinah na kausap iyong kambal, ay hindi! Si Hazen, mukhang tangang nakatingin sa ibang direksyon at nakasimangot si Haden lang ang kausap niya.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon