CHAPTER 14

2K 145 12
                                    

📍TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 14

--------

SKY KLEIN POV :

" Eto nalang oh! Mura pa! Tsaka affordable pa! " medyo may pagkasigaw na sambit sa akin ni Crystal. Tinignan ko naman ang hawak niya at sabay tingin sa presyo. Mura nga. Mapapamura ka nalang talaga.

" 899? Mura na yan? " taas kilay kong tanong sakaniya at tumango naman siya.

" oo kaya! Mura na 'to! Baka nakakalimutan mo wala na tayo sa 1980's na ang mga gamit price ay singkwenta lang! Jusko ka sky! " saad niya sa akin at napatingin nalang ako sakaniya t'yaka luminga linga sa paligid.

Napakalakas ng boses ng babaeng 'to! Jusko! Mukang kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao rito!

" oo na sige na sige na " turan ko nalang at ngumiti naman siya at nagsimula na muli kaming maglakad " anong next? " pagtatanong ko.

" Knives " saad niya at napatango nalang ako at maya maya pa ay may biglang pumasok na naman sa isip ko. HAHA! 'yung ginawa ko sa lima, iba't ibang klase ng kutsilyo yun.

" Nasan ba dito yun? Bat diko makita? " medyo naiirita na niyang saad kaya naman inilibot ko ang mga mata ko at may nahagip ko ang  isang taong nakatayo na familiar sa akin kaya napatingin muli ako sa gawing 'yon pero pag tingin ko ay bigla nalang nawala.

Weird.

Kaya binalewala ko na lamang 'yung nahagip ng mata ko sa halip ay itinuon ko na lamang ang paghahanap sa susunod na bibilhin namin. Nang makita ang sign board sa taas na knife ay napakunot na lamang ako ng noo ng napagtantong nasa harap pala 'yun!

Jusko! Malapit na kami sa dulo tas nasa harap lang pala! Kaya dahan dahan ako'ng lumalapit kay Crystal at nang makalapit ay binatukan ko siya ng mahina!

" gaga! Wala ka talagang kutsilyo sa area na 'to dahil nasa harapan yung hinahanap mo! " saad ko sakaniya at napakunot na lamang siya ng noo at iginala ang mata sa harapan. Ng makita niya ay napatawa na lamang siya.

" hehe! Sorry, di ko alam! Tara na! " saad niya at umuna na naman sa paglalakad kaya sinundan ko na lamang siya.

Habang naglalakad kami papunta sa area kung nasaan ang mga kutsilyo ay muli nahagip na naman ng mga mata ko na may nakatayong lalaki sa gilid  kaya biglaan ay napatingin muli ako. Pag tingin ko ay wala na naman siya kaya inilibot ko'ng muli ang paningin ko pero gaya kanina wala na naman.

Akma na sana akong lalakad papunta kung saan nakatayo ang kaninang lalaking familiar sa akin ng biglang may humawak sa pulsuhan ko kaya napatigil ako saglit at bumuwelta ng isang malakas na suntok at sabay harap.

" ikaw— "

" oh wait wait wait!! " napatigil na lamang ako ng magsalita ang humawak sa braso ko. Pag tingin ko sakaniya ay siya yung nakita kong nakatayo kanina. Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay at muling nagsalita.

" sino kaba!? " medyo malakas kong turan sakaniya at nagsalita siyang muli.

" 1 year mo lang ako di na kita, di mo na agad ako kilala? Grabe ka naman makalimot! " saad niya dahilan para mapakunot ang noo ko'ng muli. Familiar sa akin ang boses niya. At maya maya lang ay tinanggal na niya ang mask niya at laking gulat ko nalang ng makita ang mukha niya.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon