CHAPTER 10

2.2K 148 17
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!

CHAPTER 10

----------

Sky Klein POV :

" nay!! " masaya at masigla ko'ng pagtawag sa pangalan ni nanay. Magkakagat dilim na ng makauwi sila sa mansiyon. Matagal din sila'ng nawala. Ano pa kaya ang ginawa nila maliban ang asikasuhin ang mga papers. nila?

" Nak! " balik niyang tawag sakin at agaran ko naman siyang niyakap. Ganoon din si nanay.

" bakit parang nagtagal kayo nay? " hindi kona napigilan ang sarili ko na mag tanong. Sumulyap naman siya sa pintuan dahilan para mapatingin din ako.

At laking gulat ko ng makakita ako ng sandamakmak na paper bag! Galing silang SM! Dapat pala talaga pinilit ko si nanay na sumama ako! Edi sana nakagala rin ako!

" Sabi na eh! Dapat talaga pinilit ko'ng sumama ako! " kunwaring pagtatampo ko sakaniya at tumawa naman siya at ilang minuto ay pumasok narin si tito Raphael na may dalang box! Napaawang na lamang ang bibig ko ng makita ko kung ano 'yon!

Hindi naman ako tanga o bulag para hindi malaman kung ano ang laman ng box na 'yon!

" Good evening! Nagtagal ata kami? " pagtatanong ni tito at ngumiti nalang ako bilang sagot. At nagpatuloy siya sa pagpasok at umakap sa akin.

Para ko na talaga siyang tatay sa ginagawa niya! Siguro normal lang? Kasi magiging asawa na niya si nanay kaya ganito na siya?

" oh, nasaan ang mga kuya mo? " pagtatanong niya sa akin.

" nasa taas po sila " sagot ko. " palagi naman po ata silang nandoon tito " dagdag ko pa.

" magiging asawa kona ang nanay mo pero tito padin ang tawag mo sa'kin? Ayaw mo ba ng papa? Daddy? "

Gusto pala niya na tawagin ko siyang papa? Baka kasi pag tinawag ko siya n'on eh mapansin ng mga anak niya?

" Pag nakasal na po kayo ni nanay, d'on ko nalang po kayo tatawaging papa? " sagot ko sa tanong niya.

Ewan ko din bakit ganoon ang sinagot ko sakanya.  Siguro dahil hindi ko parin talaga kaya na tawagin siyang papa. Kasi kakakilala ko palang sakaniya at nung nakilala ko naman ay lumipat na agad kami dito sa bahay niya.

O baka naman natatakot lang ako? Iniisip ko kasi kung tatawagin ko siyang papa ay baka pagsabihan ako ng panganay niyang anak na, bakit ko siya tinatawag na papa. Ay basta!

Paranoid lang ba ako?

" Okay, ikaw bahala. " sagot niya at ngumiti, ginantihan ko naman siya ng ngiti.

" Oh tara dito umupo tayo, may ibibigay ako sa'yo " sambit ni tito at napatingin naman ako kay nanay na nakangiti ngayon.

" ano po 'yun? " masaya kong tanong. Naging excited agad ang buong sistema ko ng marinig ko 'yung sinabi niya, ewan ko basta bigla nalang akong na excite.

" secret, upo na muna tayo " sagot niya at umupo naman kami sa sofa. Napapagitnaan ako nila nanay at tito.

" Ano po ba 'yon tito? " paguulit ko. Hindi na talaga ako makapaghintay! Gusto ko ng malaman.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon