CHAPTER 22

1.7K 120 11
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 22

------------

SKY KLEIN POV :

" Don't you dare to tell him what happened earlier! I just want to leave this mansion! You're just plague in this crazy world! Sa Lahat ba naman kasi ng p'wedeng maging asawa ni dad ay yung mayroon pang anak na bakla! " saad niya sa akin at nakatingin Lang ako sakaniya " Remember this! you are just PLAGUE in this world! And I will never loving or accept you as my step brother! Because YOU ARE GAY! AND I HATE GAYS! " bawat salita na kaniyang tinuran ay may diin dahilan para makaramdam ako ng kaunting sakit.

Ayaw ba talaga niya sa akin? Na kahit kailan hindi ba talaga niya ako tatanggapin bilang pangalawang kapatid? Nanatili parin kaming nakatingin sa isa't isa at hindi parin niya tinatanggal ang mukha niya sa akin.

" Diego? Sky? " biglang anas ng isang lalaki kaya sabay kami'ng napalingon ni kuya Diego. Paglingon namin ay katawan at mukha agad ni papa ang bumungad at nasa gilid naman si mama na nakatingin din sa gawi namin. Di naman kaagad kami nakapag react at nanatili parin kaming nakakatitig sakanila.

Ng di ko na makayanan ay ako na mismo ang lumayo kay kuya at agad na napahilamos ng mukha. " Bakit po pa? " tanong ko naman dito at naramdaman ko ang pag-ayos ng tayo ni kuya diego.

" nag aaway ba kayo anak? Inaaway mo ba kuay Diego mo? " HA???!!!!! nabigla talaga ako sa huling sinabi ni mader earth. AKO PA NGAYON ANG NANGAAWAY? JUSMIYOMARIMAR NAMAN MGA KAIGAN, chariz sa jamill 'yon!

" Luh grabe ka naman nay porket ba ganito ako, ako na nang away? Hindi nay! " pag depensa ko sa sarili ko. Kung alam mo lang talaga nay! Hay nako nako nako!

" Akala ko ano eh " tanging naisagot lang ni nanay at si papa naman ay hindi na naka sagot pa at si kuya Diego naman ay naglakad na papalayo sa amin. Nang makapasok siya sa kwarto niya ay maglalakad na sana ako ng magsalita ulit si nanay. " Anak, may sasabihin ako sayo, tara? " ani nanay kaya napalingon naman agad ako rito.

Kaya naglakad na ako papunta sa kinaroroonan niya at sabay naman kaming naglakad papasok ng kwarto nila. Ano kayang sasabihin sakin ni nanay? Omyghadddd!!!! Hindi kaya? No! No! No! No way! Hindi ako papayag! Gusto ko ako lang ang bunso!

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad naman akong umupo sa couch na nasa harapan ng higaan nilang dalawa. Infairness ganda at laki ng kama nila sana 'yung kay crushie rin hehe!

" ano 'yon, nay? " panimula ko at umupo naman din siya sa tabi ko.

" Kasi anak..... ano.... " nag-aalinlangan niyang ani kaya napatingin ako sakaniya. Omg! Please lord wag! Bibigyan ko nalang sila ng apo! Wag lang akong mareplace as a bunso! Wah!

" ano nay? Kaloka ka nay sabihin mona! " ulit ko pa at bumuntong hininga naman siya.

" Nagpunta kasi kami kanina ng papa mo sa company na pag mamay-ari ng papa mo syempre, at may emergency daw sa isa pang kumpaniya na nasa England, kaya this week daw ay dapat makapunta doon ang papa mo " sabi niya sa akin at nanatili parin akong nakatingin sakaniya.

" Tapos nay? Ano gagawin ko? " tanong ko.

" Isasama niya kasi ako, So ang mangyayari ay maiiwan kayong anim dito kasama ang mga kasambahay " prangkang sabi ni nanay kaya napalaki ng todo ang mata ko.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon