CHAPTER 42

1.8K 117 20
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 42

————

SKY KLEIN POV :

Maaga akong pumasok ngayon, alas syete palang ata ay nandito na ako ngayon. Wala pa nga sila Theo at Crystal. Kaunti palang din ang nasa room namin. Ewan ko pero pakiramdam ko may mangyayari sa 'kin ngayon na maganda. Pakiramdam lang ha.

Tumayo ako sabay labas, maglalakad-lakad muna ako rito sa field, wala naman kasi akong magawa doon sa room. Ayaw ko namang mag review, kaka review ko lang sa sasakyan anuba.

Naglakad-lakad lang ako sa labas. May mga ibang studyante ng dumadating. Actually, nasa labas ata lahat ng studyante. Sabi ko nga maaga palang.

Nagalakad aki hanggang sa makapunta ako sa library. Pumasok ako siyempre dahan-dahan bawal daw maingay dito eh. Namangha ako sa laki at dami ng librong naka lagay. Saamin may library din naman kaso hindi naman ganito kalaki at karami.

Nagtingin-tingin ako ng mga libro, wala akong bet ni isa! Parang nilibot ko lang ata ang buong library para matanggala ng pagka buryo ko, kaloka!  A-akma na sana akong maglalakad ng mapansing kong may naka-ipit na isang manipis na libro.

Napakunot bigla ang ulo ko, ang nipis naman nito, liteal na sobrang nipis naman kasi talaga! Lahat ata ng libro dito makakapal pero ito napaka nipis. Nagtatakang kinuha ko saka umupo malapit dito sa kinatatayuan ko.

SCHOOL YEAR BOOK
  Batch 1990-2000

Yan ang nasa unahan, hindi naman ako shunga para hindi 'to alam noh. Dahan-dahan kong binuksan at tumambad sa'kin ang isa isang picture ng mga dating nag aaral dito.
In fairness ang daming mga gwapo ehe! Pero nandito din kaya si papa? Saka yung asawa niya?

Patuloy lang ako sa paglipat ng pahina, bawat lipat ko iniisa -isa ko 'yong mga pangalan, hinahanap ko kasi ang pangalan ni papa. Titignan ko kung gaano siya kagwapo, sureness naman na gwapo si tito Raphael! Walang duda! Ang gu-gwapo nga ng mga anak eh! Siya pa kaya.

Sa tant'ya ko ay naka sampong lipat na ako ng pahina, pero wala akong nakita Raphael Gozon na pangalan! Pero hindi akers susuko! Gusto ko talagang makita ang mukha ni papa, baka mapakilig niya din ang pechaykurabels ko! Charot!

Pagkalipat ko ulit ay inisa-isa kong tinignan ang pangalan, pero awtomatikong napangiti nalang ako ng makita ang pangalan ni papa! Sa wakas! After 10 billion years! Nahanap rin kita!

Kitang-kita ko 'yong kagwapuhan ni papa noong college life pa siya. Hindi ko matatangging kamukha niya si Diego, iyon talaga ang una kong napansin dito sa picture. Kahawig na kahiwag niya talaga, pero hindi nga lang ang ugali. Mabait si papa at lucifer naman si Diego.

Sinunod ko naman ang nasa kabila. Andyrose Ojales, napatigil ako dito, sa babaeng 'yan. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko, siya ang asawa ni papa. Ojales kasi eh, hindi ba Ojales din ang gitna ng mga pangalan nila? Kaya panigurado ito nga 'yong nanay nila.

Maganda naman, oo. Sobra, pero mas maganda ang nanay ko noh! Walang tatalo kay nanay! pero aminado akong maganda rin ang dating asawa ni papa. Alam kona kung bakit napangasawa niya 'to. Maganda eh!

Nang matapos kong tignan ang buong book year na librong 'yon ay binalikan ko ang picture ni papa saka pinicture-an. Napatingin naman ako sa oras. Maaga pa din. Alas otso ang simula ng first subject namin ngayon.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon