CHAPTER 44

1.5K 109 13
                                    

📍 TYPO AND WRONG GRAMMAR AHEAD!!!

CHAPTER 44

————

SKY KLEIN POV :

When morning came, agad kong inayos ang mga naka kalat sa sahig. Shuta! Dalawang araw ko na palang hindi naayos ng bongga ang kaharian ko! Isa isa kong niligpit ang sapatos ko. Hindi ko na kasi nagawang mag palit ng damit kagabi. Pagoda na ang mima niyo!

Pagkatapos kong malinis ang sahig ay iyong kama ko naman ang inayos ko. Hindi naman ako nagmamadali. Kaunti lang ang gagawin namin ngayon. Parang mag papa impress nga lang ulit kami sa professor namin katulad noong dati.

Hinintay at pinaghandaan ko talaga itong araw na 'to, at nanood na ako ng mga tutorial sa youtube! Oh hindi niyo kaya! Noong miyerkules pa sinabi ng professor namin kung ano ang dish for today. Kaya naman nag research na ang mima niyo!

Ayaw ko na maging epic fail ito! Katulad noong dati, speaking of that day. Hindi ko parin talaga alam kung sino ang naglagay ng ganoon. Buti nalang ay nailusot ko, kung hindi ay nako baka lenggwak na akes!

Dumapo ang tingin ko sa gawi ng sofa at nakita ko 'yong mga naglalakihang paper bags, shuta! Apat na itong paper bags na nadito sa kwarto ko! Pero h'wag kayo! Lahat 'yan may laman noh.

Nilapitan ko naman at saka inilabas isa isa. Nilatag ko sa kama ko, maganda naman. Ako ang pumili eh kaya sureness na maganda! Kaso, mas maganda sana ito kung masusuot ko sa mismong pag entrance ko! Eh kaso hinde! Diretso backstage na kami noon.

Siguro at panigurado, kapag natapos ang intermission number namin doon ko lang masusuot 'to. Pero sa pagkaka alam ko kasi, sasayaw kami sa una at sa huli kaya baka hindi ko rin masuot. Sayang naman.

Buti pa si Theo, nakalibre na nga, makaka porma pa! Kainis! Tanungin ko kaya si Ella mamaya kung p'wedeng magpalit ng damit kapag katapos ng performance namin? Pero kasi mahihirapan lang din akes! Kung panay palit ako sa tuwing mag peperform kami. T___T

Kinuha ko naman nang sabay sabay saka naglakad papunta sa closet ko saka isinabit isa isa. Huminga pa 'ko ng malalim bago bumalik. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan.

Tinadtad ng message ang notification ko. Grabe, ganito ba talaga silang dalawa? Madaldal na nga sa personal madaldal din sa chat. Ano ba 'yan. Pagka bukas ko ng messenger ko ay una ko agad napansin ang nasa pangtatlo kong list.

Matthew Gozon

Bumalik na namin sa 'kin iyong nangyari kahapon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakitang ganoon ang itsura ni Diego. Hindi ko na tuloy napuntahan kahapon si Matthew at tanungin kung okay lang ba siya or may ginawa sakaniya si Diego, sana naman wala.

Puntahan ko na kaya siya? Sige na nga.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo atsaka dahan dahang lumabas. Paglabas ko ay saktong lumabas din si Hazen kaya nagkatitigan kami saglit. Sabay pa kaming nag-irapan saka naglakad palabas.

Wait? Paano ko pupuntahan sa kwarto si Matthew kung nandito itong kumag na 'to? Baka mamaya mag sumbong na naman 'to kay Diego, pero siya din naman lumalapit sa 'kin! Naglaro na nga kami niyan eh saka sumabay pa siya sa 'min.

My HOMOPHOBIC StepBrothers [ BxB ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon