KABANATA 1

174 17 22
                                    

KILALA ang pamilya namin noon bilang isa sa mayayaman na pamilya. Sina Mama at Papa ang takbuhan noon ng mga tao kapag kailangan nila ng tulong, pero isang araw ay nabalitaan ko na lang sa mga kamag-anak namin na naaksidente sila Mama at kalaunan ay binawian ng buhay. Dahil wala pa akong muwang sa mundo ay kinamkam ng mga kamag-anak namin ang mga ari-ariang naiwan nila Mama at ng malala pa nito ay pinalayas kami ng aking kapatid sa bahay na ipinundar ng magulang namin.

Nagpalaboy-laboy kaming magkapatid sa lansangan at natulog sa kung saan-saang kalye. Kahit na hindi pa hubog ang katawan ko sa mga mabibigat na trabaho ay pinilit ko ang sariling magtrabaho para sa kapatid ko at para may makain kami.

Minsan ay may mga pulis na nanghuhuli ng mga batang lansangan at ibinabalik sa mga kamag-anak nila, minsan na rin kaming nahuli ng kapatid ko at ibinigay kay Tito Romel na kapatid ng Mama namin. Ilang araw din kaming nanirahan sa kanila at naging maayos naman ang trato niya sa amin.

Pero akala ako lang pala ang lahat ng 'yon. Dahil biglang lumabas ang tunay niyang ugali nang iwan siya ng asawa't mga anak niya. Naging madalas ang pag-inom niya ng alak at balibalita rin na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot. Isang gabi dahil sa kalasingan ay muntik na niyang gahasain ang kapatid ko— ang kapatid ko na pitong taong gulang lamang noon. Pinigilan ko siya sa gusto niyang mangyari pero ang hindi ko inasahan na ako naman ang gusto niyang gahasain. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at balak ko sanang sumigaw nang itutok niya sa leeg ko ang isang kutsilyo. Wala na akong nagawa pa hanggang sa nagtagumpay nga siya sa gusto niyang mangyari. Pagkatapos ng nangyari ay kaagad na nag-report ako sa mga pulis tungkol dito pero pinagtawanan lang ako ng mga ito— inakala nila na gawa-gawa ko lang ang lahat.

Sabagay, sino ba ang maniniwala sa akin— sa isang bata, sa isang mahirap at sa isang parte ng LGBT+.

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Kahit na anong takas ko ay lagi ko pa ring napapanaginipan ang madilim kong nakaraan. Pero kahit na ganoon ay pinipilit ko na lamang na maging matatag para sa kapatid ko.

Nag-ayos ako ng sarili dahil pupunta ko siya ngayon. Dadalawin ko si Aruna sa hospital— ang kapatid ko. Labing-limang taong gulang na siya m at ngayon ay mayroon siyang malalang kondisyon at ang sabi ng doktor ay kailangan siyang operahan agad, pero ang problema ay wala akong pera para maipambayad sa surgery niya.

Pagkatapos ng mga dapat kong gawin ay lumabas na ako at pumara ng jeep. Ilang minuto lang ang byahe mula sa bahay hanggang sa hospital, at maglalakad pa ako ng kaunti.

Pagkarating ko ay bumili muna ako ng pasalubong sa para kan'ya. Bumili ako ng mga prutas at ilan sa paborito niyang pagkain. Pagkatapos ay dumeretsyo na ako sa kwarto niya.

“Nandito na si Kuya,” saad ko at lumapit sa kan'ya.

Yumakap siya sa akin at hinalikan ko naman siya sa noo.

“Kamusta ka? maayos ba tulog mo?” Hinatak ko ang isang upuan saka ako umupo.

“Opo, maayos ako,” ngumiti siya na naging dahilan para mapangiti rin ako, nakakahawa talaga ang mga ngiti niya.

“Ito, may pasalubong si Kuya.” Inilabas ko ang dala ko na ikinatuwa niya.

“Salamat Kuya.” Kinuha niya ito at kumain.

Matapos ang kwentuhan namin ay nagpaalam muna ako sa kan'ya at maghahanap pa ako ng perang ipambabayad sa sugery niya. May nabalitaan akong iligal na pasugalan dito at gusto kong subukan ang swerte ko sa sugal.

Nagpunta ako agad sa lugar na iyon. Hanggang sa narating ko ang isang abandunadong pabrika at may dalawang lalaking nagbabantay rito. Lumapit ako sa kanila at ibinulong ang tinatawag nilang password.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now