KABANATA 3

72 9 1
                                    

LOGAN

“HELLO, I'm Cristine,” pagpapakilala ko sa costumer, iniipit ko ng bahagya ang boses ko para magboses babae. Buti na nga lang at hindi nila nahahalata.

Pinaupo niya ako sa tabi niya at saka inakbayan. Ilang linggo na rin akong nagtratrabaho dito kay sanay na ako sa mga pag-akbay at paghawak sa akin ng iba't-ibang lalaki.

Ngumiti ako sa katabi kong lalaki at pinanood siyang uminom ng alak. Sinubukan niya akong halikan sa labi pero umiwas ako at sa pisngi ako nahalikan. Sa lahat ng naka-table ko ay wala pang nagtagumpay na halikan ako sa labi.

Halata naman sa mukha niya ang galit at kahit medyo madilim ay kita ko pa rin ang namumula niyang taenga. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi para kahit papaano ay mabawasan ang galit niya. Nakakatok, oo, pero anong magagawa ko? Ito lang ang nag-iisang trabaho na meron ako at hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin kung natanggal ako dito dahil lang galit ang costumer sa akin.

“Do you want to come with me? To be my wife?” Nabalik ako sa wisyo nang tanungin ako ng lalaking katabi ko.

“I'm sorry Sir, pero hindi po kami pwedeng lumabas ng club at sumama sa inyo,” pagpapaliwanag ko, pero mukhang lalo siyang nagalit. “At may asawa na po kasi ako,” pagsisinungaling na lang ang pwede kong gawin para kahit paano ay kumalma siya.

“Then break up with him,” Kinuha niya ang isang baso ng alak at ininom ito habang nasa akin pa rin ang tingin.

“But Sir—”

“Mayaman ba siya? gwapo? Just break up with him at lahat ng gusto mo ay ibibigay ko,” paniningit niya sa gusto kong sabihin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawi niya ang mga ilang strand ng buhok na humaharang sa mukha ko. Nabigla naman ako nang hulihin niya ang dalawa kong kamay at mahigpit itong hinawakan gamit lang ang isa niyang kamay. Gusto kong sumigaw pero may dala itong kotsilyo.

Naging blangko ang utak ko, pilit na bumabalik ang mga alaala na ibinabaon ko na sa limot. Isang senaryo kung saan ay binababoy ako ni Tito Romel ang pilit na bumabalik sa akin. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang tawaging Tito dahil sa ginawa niya sa akin.

Naestatwa na lang ako at hindi na alam kung anong gagawin ko. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang mga sumunod na mangyayari— naghihintay kung may tutulong ba sa akin o wala.

“One wrong move at itatarak ko sa leeg mo ang hawak mong kotsilyo,” isang malamig na boses ang nagpahinto sa lalaking nakahawak sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at bumungad ang matipunong lalaki,  matangkad siya pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim.

Umalis ang lalaking katabi ko dahilan para makahinga ako ng maluwag. Muntikan na ako dun. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil bumilis din ang tibok nito.

Umupo yong lalaking tumulong sa akin at akmang hahawakan ako nang bahagya akong napaatras, malay ko ba kung may masama rin siyang balak sa akin, nag-iingat lang ako.

“Hindi kita sasaktan,” from a cold voice into soft voice. He tap my head at ginulo ang buhok ko. Tumapat ang ikaw sa mukha niya dahilan para makita ko ito, he's wearing a pleasant smile— ngiting hindi na makita ang mata niya at tila mapupunit na ang bibig.

Biglang nanikip ang dibdib ko, mabilis na pumintig ang puso ko na tila ito sasabog, nawawala ako sa sarili, at parang may kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now