KABANATA 13

31 6 6
                                    

HINDI mahulugang karayom ang ospital sa dami ng tao. Para bang may concert sa loob ng ospital. Kahit na hirap akong makipagsiksikan ay pinilit kong makarating sa kwarto ni Jairus. At pagdating ko ay may mga reporter pa rin na hinihingi ang detalye tungkol sa nangyaring aksidente.

Sa galit ko ay inagaw ko ang kamera at ibinato ito sa labas. Nasalo naman ito nang mga tao sa labas kaya hindi ito nasira. Nakakagalit lang na oras sana ito ng pahinga ni Jairus, pero ito, puno ng mga reporter ang ospital para lang ma-interview si Jairus. Mga manhid ba sila na hindi alam na nakaka-trauma ito para kay Jairus? Hindi ba nila alam na kailangan ni Jairus na magpahinga?

“Kaibigan ba kayo ni Jairus? Anong masasabi niyo sa aksidente at siya lang ang nakaligtas?” lalong uminit ang ulo ko kay itinulak ko silang lahat palabas ng kwarto ni Jiarus. Ibang klase na talaga mga reporter ngayon.

Ngayon ko lang napansin na nasa loob din pala ang magulang ni Jiarus. Bahagya akong napaatras at ngumiti kahit natatakot ako.

“Please let Logan stay here,” saad ni Jairus sa mga magulang niyang matalim ang tingin sa akin. Hindi na lang umimik ang magulang niya pero matalim pa rin ang ipinupukol nilang tingin. Lumapit ako kay Jairus at tinanong kung maayos ba siya. Nakunot ang noo ko nang bigla itong tumawa.

“Anong nakakatawa? may dumi ba ako sa mukha?” Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay. “Meron ba?”

“Wala . . . ” huminto siya at tumawa ulit. “Kasi kung mag-alala ka ay parang asawa mo ako,” natahimik ako. Bahagya akong napatingin sa mga magulang niya, nang makitang nakatingin sila sa akin ay umiwas ako ng tingin at tumalikod. Pakiramdam ko kasi ay namumula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Jairus. Humarap din naman ako nang mahimasmahasan ako.

Nagkwentuhan at nagkulitan kami ng ilang oras hanggang sa hindi na namin napandin ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko napansin na papalapit na pala ang mga labi namin sa isa't-isa. Napatigil na lang kami ng tumayo ang magulang niya at pinaglayo kami.

“Pinagbigyan na namin kayo,” mataray na saad ng Mommy niya. “Kamamatay lang ng asawa mo Jairus, pero heto't nakikipaglandian ka dito sa baklang 'to,” dagdag pa nito na may kasamang pag-irap.

“Hindi ko naman talaga mahal si Shanah, napilitan lang naman ako magpakasal dahil buntis siya. Kung hindi niyo lang ako pinagtulungan na lasingin hindi sana nabuo ang bata sa tyan niya.” Lumapit ang Mommy ni Jairus sa kan'ya at sinampal siya.

Hindi ko alam kung ang pumasok sa isip ko at pumagitna ako sa kanila. Kahit na alam kong saan mabubuntong ang galit ng Mommy niya ay mas pinili ko ng pumagitna kesa ang manahimik lang habang pinapanood sila.

“Ang lakas talaga ng loob para pumagitna sa amin,” malakas na sigaw ng Mommy ni Jairus. Hindi ako nito natinag, bagkos ay hinawakan ko ang kamay ni Jairus at ipinakita ito sa kanila. Lumapit na rin sa amin ang Daddy ni Jairus at pilit akong hinihila.

“Ayoko ng manahin ang kompanya niyo,” mahinahon pero palaban na saad ni Jairus.

Nakakabingin katahimikan. Wala ni isa ang gustong magsalita, mga gulat pa rin sa sinabi ni Jairus.

“Prinoprotektahan niyo lang naman ay ang kompanya at ang pangalan ng pamilya natin, hindi niyo man lang inisip kong anong gusto ko, para sa inyo kompanya ang mas importante, fine, sa inyo na lang ang kompanya, go find someone na pwedeng magmana ng pinakamamahal niyong kompanya . . . I'm done with it,” nanatiling magkahawak ang mga kamay namin. Susuntukin sana siya ng Daddy niya pero ako ang sumalo nito, malakas ang pagkakasuntok niya na pakiramdam ko ay susuka ako ng dugo.

Kita ko ang pagkahalong pag-aalala at galit sa mga mata ni Jairus. Lahat kami ay nagulat nang bigla niyang tanggalin ang swero gamit ang sariling kamay. Bumaba siya sa kama niya at hinila ako palabas ng kwarto niya. Paglabas namin ay mga reporter agad ang bumungad sa amin, panay sila kuha ng litrato at nagtanong ng kung anu-ano.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now