KABANATA 5

42 5 1
                                    

LOGAN

“AALIS ka na talaga?” Pang-ilang ulit na taong ni Sammy. Ngumiti ako saka tumango.

“Pano yan? mawawalan na kami ng asset,” bahagya akong natawa sa sinabi ni Miss Nikz.

“Grabe ka Miss Nikz, hindi ba kami maganda para maging asset nitong club?” Pagmamaktol naman ni Jhobelle. She crossed her arms at kunwaring galit.

“Ma-mi-miss ko kayo, kahit maikli lang tayong nagsama,” Ngumiti ako ng mapait saka yumakap sa kanilang tatlo. Para kaming ewan kasi nag-iiyakan na rin sila. Pinapatahan ko sila pero lalo lang lumalakas ang pag-iyak nila. Natawa na lang ako at napailing. “S'ya aalis na ako, Miss Nikz, Jhobelle, Sammy...salamat ulit sa lahat,”

Umuwi ako sa bahay na bitbit ang hiniram kong damit mula kayla Miss Nikz. Kilala ako ni Jairus bilang si Cristine kaya papangatawan ko na ito. Alam kong mali ang gagawing kong panloloko sa kanya lalo na't mabait ang ipinapakita niya sa akin, pero anong magagawa ko? Ito lang ang alam kong paraan para mabilis kong mapaoperahan si Yrich. Oo, takot akong mabuko na hindi talaga ako tunay na babae, natatakot akong magalit sa akin si Jairus, kaso mas nangingibabaw ang pagiging kuya ko, mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kay Yrich. Saka ko na siguro iisipin ang mga pwedeng mangyari. Basta ang mahalaga ngayon ay ang maoperahan si Yrich.

Ilang katok sa pinto ang nagpabalik sa ulirat ko. Nagmadali akong magligpit ng gamit nang marinig ko ang boses ni Jairus.

“Jairus, tuloy ka.” Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto at pinapasok siya. “Upo ka,” Sabay kaming umupo sa upuang kahoy at saka niya ibinigay ang kapirasong papel. Napatingin ako kay Jairus dahil hindi ko alam ang nakalagay rito.

“Uhmm, sorry, di kasi ako nakakaintindi ng English,” Kamot batok kong turan. Hindi kasi kami nakapag-aral ng maayos ni Yrich dahil maaga kaming naulila sa magulang.

“Ganun ba? Sige ako na lang.” Inabot ko pabalik ang papel. “Nakalagay rito na kapag napirmahan mo na itong kontrata ay susunod ka sa ilang nakalagay rito, gaya nang; hindi ka pwedeng makipag-usap sa ibang lalaki bukod sa akin, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na hindi ako kasama—”

“Lagi kitang kasama sa t'wing lalabas?” Tumango si Jairus. “Paano kung sariling lakad? Yung bawala ako magsama ng ibang tao?”

“Kung ganun...sige, papayag ako, basta mag-text ka kung magpapasundo ka, ok?” Tumango lang ako sa sinabi niya. “Tuloy ko na...kapag nag-propose ako sa 'yo ay sa bahay ka na titira—”

“Sa bahay niyo?! Pero bakit? Akala ko ba girlfriend lang, bakit ka mag-pro-propose?” sunod-sunod kong tanong, dahil nalilito na talaga ako. Paano na lang kaya kung naging mag-asawa kami? Paano na lang kung...kung...gusto niyang makipag-sex? Hindi naman siguro aabot sa ganun? Hindi talaga dahil peke lang ang lahat at wala siyang nararamdaman sa akin. Pero...hindi nga ba?

“Nakikinig ka ba?”

“Oo? sorry may iniisip lang ako,”

“Ganito, 'di ba ang sabi ko sa 'yo kahapon ay ibibigay ko sa 'yo ang kalahati pang milyon sa susunod buwan? Sa buwan din kasing yon ang kasal natin, makukuha mo lang ang kalahating milyon pagtapos ng kasal natin.” Napatayo ako sa mga sinabi niya. Naglakad ako pabalik-balik at iniisip kung tatanggapin pa ba ang alok niya. Kailangan ko itong pag-isipan ng maiigi dahil isang maling desisyon lang ay maaaring makaapekto sa lahat.

Umupo ulit ako sa tabi niya at tumingin sa mga mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Nabablanko ang utak ko, hindi na ako makapag-isip ng maayos.

“Ako ang bahala sayo, hindi ako gaya ng ibang lalaki— hindi ako gaya ng iniisip mo. Magtiwala ka lang,” Halata sa mukha niya ang sinseridad sa mga sinabi niya.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon