KABANATA 9

29 6 4
                                    


NANLALAMIG ako kahit na tirik na tirik ang araw. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Dapat nga ba akong magalit? O dapat ba akong matakot?

Ikinuyom ko ang mga kamao ko at handa na siyang sapakin nang hawakan ni Travis ang mga kamay ko. Pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng eskandalo at pinakalma ang sarili.

“Ang laki mo na at lalo ka pang kuminis,” mabilis ang mga kamay niyang hinaplos ang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at iwinaksi ang kamay niya. Mahina pa siyang tumawa sa ginawa ko.

Isa-isa nanamang bumabalik ang mga alaala na kinalimutan ko na.

“Matagal na rin simula nung—”

“Tama na!” sigaw ko at hindi ko na napigilan pang sapakin ang mukha niya, napaatras siya ng bahagya at dumugo pa ang labi niya. Tumawa lang siya at hindi ininda ang pagkakasapak ko sa kan'ya.

“Lumalaban ka na ngayon.” Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. “Mukhang magsasaya tayo nito.” Hahablutin sana niya ang braso ko nang pigilan siya ni Travis. Itinago niya ako sa likod niya at siya na ngayon ang kaharap ni Tito Romel.

“Subukan mong hawakan siya at hindi lang suntok ang aabutin mo,” matapang na sumbat ni Travis. Hindi naman nagpatinag si Tito Romel at ngumisi pa ito.

Bente-singko lang si Tito Romel at may itsura naman, pero walang tumatagal sa kan'ya dahil sa ugali niya. Maging ang asawa at anak niya ay iniwanan siya.

“Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis,” bulyaw ko. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin bago tuluyang umalis. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaluhod at naghahabol ng hininga. Pumantay sa akin si Travis at inilahad ang kamay niya. Ilang segundo ko ito bago tinanggap at tuluyang nakatayo sa tulong niya.

Tulala pa rin ako buong magdamag sa hospital. Pakiramdam ko ay lumulutang ang buo kong katawan sa ere. Ni hindi ako makausap ng matino nila Travis. Nabalik lang ako nang yakapin ako ni Yrich nang mahigpit. Ibinalik ko ang yakap niya at hinalikan siya sa noo.

“Galit ka po ba sa akin?” malambing niyang tanong.

“Hindi ako galit sa 'yo, tama na siguro 'yon para matigil na ako sa pagsisinungaling.” Piningot ko ang ilong niya ng marahan kasabay nang paggulo ko sa buhok niya.

Bigla namang pumasok ang doktor niya kaya natigil kami sa ginagawa namin.

“Ok naman na ang lahat sa pasyente, kailangan niya lang ng pahinga, pwede niyo na rin siya ilabas ngayon kung gugustuhin niyo,” may mga isang papel siyang binigay— reseta na dapat bilhin sa tuwing sasakit ang ulo ni Yrich.

“Maraming salamat po,” saad ko bago tuyang umalis 'yong doktor.

Kaagad din kaming lumbas ng hospital at si Travis na ang nagbayad sa mga bayarin namin. Nakakahiya man pero siya lang ang may kakayahan sa ngayon na tumulong sa amin.

“Ako na ang bahalang magbuhat sa kan'ya,” offer ni Travis, nakatulog kasi si Yrich habang nagbya-byahe kami. Idineretsyo naman niya si Yrich sa isang kwarto at inihiga sa kama. Nang masigurado naming maayos ang tulog niya ay saka kami lumabas ni Travis.

“Ano bang nangyari sa inyo ng Tito mo?” napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. “S-Sorry, iba na lang itata—”

“G-Ginahasa niya a-ako,” ngumiti ako. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Namuo naman ang galit sa mga mata ni Travis. Tinapik-tapik ko na lang ang balikat niya at nagpatuloy na naglakad papunta sa sala. Umupo ako sa sofa at hinintay siyang umupo rin. Takbong lakad ang ginawa niya para puntahan ako at hablutin ang kamay ko.

“Dapat siyang makulong!” bulyaw niya sa akin. Sinenyasan ko siya na 'wag maingay at baka magising si Yrich.

“Ginawa ko na 'yan, pero wala akong napala...ang akala nila ay gumagawa lang ako ng storya,”

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now