KABANATA 8

35 5 4
                                    

“SO . . . hindi ka pala tunay na babae?” Pumasok ng biglaan si Shana sa kwarto namin.

“A-Anong pinagsasabi mo?”

“Huwag ka ng magmaang-maangan pa, narinig ko kayong magkapatid na nag-uusap.” Pinag-kros niya ang mga kamay at dahan-dahang lumapit sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. “Sinong mag-aakala na isa ka pa lang lalaki, ang galing mong mag-cross-dress,”

“W-Wala akong alam sa p-pinagsasabi mo,” pagtanggi ko sa paratang niya sa akin. Nabibingi na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

“Ganun ba?” Hinawakan niya ako sa braho at hinatak palabas ng kwarto. Kahit na lalaki ako ay hindi ko pa rin mapigilan si Shanah sa pagkaladkad sa akin.

“Anong gagawin mo? Bitiwan mo si Ate!” pinilit ni Yrich na pigilan si Shanah, pero itinulak lang siya nito at napaupo sa sahig.

“Ate? seriously? Hindi ba sa bibig mo mismo lumabas na Kuya ang tawag mo sa kan'ya?” natatawang saad ni Shanah at ipinagpatuloy niya ang paghila sa akin hanggang sa marating namin ang sala kung saan ay nanood si Tita Agatha. Itinulak niya ako sa sahig na ikinagulat ni Tita.

“Anong problema?” Alalang tanong ni Tita at tinulungan akong tumayo. Tumakbo rin papunta sa akin si Yrich at yumakap sa akin.

“Sabihin mo kay Tita Agatha ang totoo,” saglit na huminto si Shanah sa pagsasalita at humalukipkip. “O baka gusto mong ako na ang magsabi?”

“Anong totoo? ano bang gusto niyong sabihin?” Tumingin sa akin si Tita Agatha.

“Please Ate Shanah itigil mo na ito,” saad ni Yrich na tinawanan lang ni Shanah.

“No, hindi ako titigil hanggat hindi sinasabi ng kapatid mo ang totoo,”

“Cristina, Tell me the truth.” Tumingin sa mga mata ko si Tita.

“Walang magsasabi? okay ako na lang...ang totoo ay matagal na kayong inuuto ni Cristina, kung Cristina ba tagala ang pangalan niya,”

“Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa, just get to the point,” nahinto sa pagsasalita si Shanah nang sumingit si Tita.

“Cristina is not a girl, lalaki ang taong nasa harap natin ngayon.” Hinablot ni Shanah ang sout kong wig at itinaas.

“Anong ibig sabihin nito Cristina? Walang hiya ka!” walang emosyong tanong ni Tita Agatha.

“Magpapaliwanag po ako,” napaiyak na lang ako at lumuhod sa harap niya, pero tinalikuran niya lang ako.

“Wala ka ng ipapaliwanag pa, lumayas kayo sa pamamahay ko!” galit niyang sigaw. Lumabas naman mula sa kusina si Tita Ben. Naningkit pa ang mata niya nang makita niya ako.

“Cristine? Lalaki ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Tito Ben.

“Yes, and I think he's also gay,” sulsol pa ni Shanah. Wala akong magawa nang kwelyohan ako ni Tito at bigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura.

“Inilalayo nga namin si Jairus sa mga kagaya mo pero, heto at nandito ka, pakalat-kalat sa pamamahay namin.” Itinapon ako ni Tito sa kung saan at naramdaman ko na lang ang malamig na pader na bumunggo sa likod ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jairus. Nagulat siya sa lahat nang nakita niya, tila isang sine at kami ang gumaganap na tauhan. Lalapitan sana ako ni Jairus ang hawakan siya ni Tito, pinaglayo niya kami— pinaglalayo nila kami. Pumunta sa kwarto namin si Shanah at paglabas niya ay dala na niya ang mga damit at gamit namin ni Yrich, ibinato niya ito sa labas at gumuhit sa labi niya ang isang ngisi. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit sa akin ni Shanah, ni wala akong naaalalang nagawa kong kasalanan sa kan'ya.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu