KABANATA 2

82 11 4
                                    

LOGAN

ALAS SAIS na at nag-aayos na ako para pumasok sa trabaho. Nadalaw ko na rin si Yrich kaninang umaga at nagpupumilit na umuwi na lang siya para raw hindi na ako mahirapan. Dahil sa mga pinagsasabi niya ay nagkaroon kami ng tampuhan at hanngang ngayon ay hindi pa rin kami magkakaayos.

Malapit lang naman ang club kaya nilakad ko na lang ito, sayang din kasi sa pamasahe kung magje-jeep pa ako. Pagkarating ko ay wala pang mga costumer, mga staff pa lang ang nandito na naghahanda na para magbukas. Pinuntahan ko si Miss Nikz na nagpasok sa akin dito at inasikaso naman niya ako. Pumasok ulit kami doon sa kwarto na puno ng dami at wig, pinagpahinga niya muna ako bago niya daw ako meme-make-up-han.

“Ready ka na ba?” tanong niya at ibinigay ang salamin. Dahan-dahan ko namang binuksan ang mata ko at nabigla sa nakita. Hindi ko alam kung ako ba ito o ibang tao. Tumingin ako kay Miss Nikz ng hindi makapaniwala.

“Hindi na kita masyadong nilagyan ng kolorete dahil medyo pambabae na rin kasi ang mukha mo simula nung nilagay ko yong wig,” turan niya at humawak sa balikat ko.

“Hindi ko gusto ang nagsusuot ng pambabae, pero para sa kapatid ko ay gagawin ko ito,” Tumingin ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko.

“Ok, be ready dahil maya-maya ay magbubukas na tayo, pero bago yon ay ipapakilala muna kita sa ibang staff.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami lumabas ng kwarto.

“Guys, attention!” sigaw ni miss nikka para makuha ang mga atensyon nila. “He's Logan, but you will call him...uhmm...Cristine, he's our otonotoko at tyak akong lalong dadami ang costumer natin dahil sa kanya,” dagdag ni miss nikz.

Ipinakilala ko ang sarili ko sa kanila at ganun din ang ginawa nila. Ako lang ang nag-iisang crossdresser dito, apat ang waitress, dalawang bartender at dalawang guard. Naging close ako agad kina Jhobelle at Sammy na nagtratrabaho bilang waitress. Masaya sila kausap na tila ba walang problema na iniinda, gaya ko ay may mga problema din sila sa pera kaya pinasok na nila kahit ang pagtratrabaho sa club.

“Ito na ang ID mo,” Inabot sa akin ni Miss Nikz ang ID ko at itinuro ang iba ko pang gagawin. Madali lang ako matuto kaya kaagad kong nakuha kung anu-ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Pagpatak ng Alas dyis ay nagsimula ng dumami ang mga tao. As an Otonoko ay inaaliw ko sila mula sa pa-se-serve, pag-sayaw at minsang pagsama sa table nila. Nakakailang man ay pilit ko na lang na ipinapasok sa utak ko na kailangan ko ng pera.

Iba't-ibang klase ng tao ang nakaka-table ko, at pasalamat naman ako na wala pa akong nakaka-table na bastos.

Ayos naman ang first day ko sa trabaho, sadyang nakakapagod lang, pero kaya ko pa naman. Nang mag-a-out na aya, mas mabilis pa ako sa alas kwatro na lumabas ng club. Kailangan kong pumunta sa hospital at makipag-ayos sa kapatid ko.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa hospital ay hindi ko inaasahan na makita ang mga sugarol na ninakawan ko ng pera. Paalis na sana ako pero hindi ko namalayang meron  din sa likod ko. Kumalipas ako ng takbo paalis sa hospital, ayokong madamay si Yrich dito. Dahil sa malalim na pag-iisip ay napadpad ako sa lugar na wala na akong matatakbuhan pa, kung baga sa chess ay checkmate na.

“Nasaan ang pera namin,” hingal na tanong ng isa sa kanila.

“Wala akong pera na utang sa inyo.” Paatras lang ako nga paatras hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.

“Talagang wala kang inutang, dahil ninakaw mo 'yon,” galit na nakatingin ang sa tingin ko ay boss nila.

“Teka lang naman, mapag-uusapan naman natin 'to.” Itinaas ko ang dalawa kong kamay at mapait na ngumiti. Dapat pala hindi na muna ako nagpalit para hindi nila ako nakilala.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Место, где живут истории. Откройте их для себя