KABANATA 10

26 7 0
                                    

SOBRANG tahimik nga buong paligid. Wala ni isang gustong magsalita.

“Bakit nasa basurahan ang mga sulat ni Jairus?” pag-uulit kong tanong.

“Kalimutan mo na siya, ginamit ka lang niya,” saad ni Travis at humawak sa magkabilang balikat ko. Hindi ako sumagot, gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at nagtungo sa kwarto. Nagpalit ako ng damit at lumabas din kalaunan.

“Saan ka pupunta?” Tanong nilang pareho.

“Ikaw na munang bahala kay Yrich.” Tumingin ako kay Travis bago tuluyang umalis. May dala naman akong pera kaya agad akong nagtawag ng taxi. Nang may lumapit sa akin ay agad akong pumasok at sinabi ang lugar na pupuntahan ko.

Kinakabahan ako. Habang papalapit ako sa destinasyon ko ay siya ring papabilis ang tibok ng puso ko. Nang nakarating na ako ay hindi muna ako bumaba, pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng kotse. Paglabas ko ay bumungad agad ang isang wedding event. Inilinga-linga ko ang mata ko para hanapin kung nasaan si Jairus pero hindi ko siya makita. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nahinto nang makita ang Mommy ni Jairus sa 'di kalayuan.

Kaagad akong tumalikod nang lumingon siya sa pwesto ko. Ramdam kong nakatingin siya sa akin, randam ko rin na papalapit siya ngayon kaya pasimple akong naglakad papalayo. Takbong lakad na ang ginawa ko para lang makatakas sa presensya niya, pero tila sinusundan niya talaga ako.

Isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko mula sa likod. Malaki ang kamay niya kaya nakakasiguro akong matanda ang humawak sa akin.

“Ang lakas talaga ng loob mong magpakita dito,” malalim ang boses niya at may halo itong galit. Mariin niyang piniga ang balikat ko, dahilan para mapahiyaw ako sa sakit at mapaluhod.

“Plano mo bang sirain ang kasal?” tanong naman ng Mommy ni Jairus. Naglakad siya patungo sa harap ko at nang magkatagpo ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng takot. Nanlilisik ang mga mata niya na tila isang mabangis na leon na isang maling galaw ko lang ay maaring malagutan ako ng hininga.

“K-Kasal?”

“A great pretender,” pumantay sa akin ang Mommy ni Jairus at ginamit ang hawak na pamaypay upang itaas ang ulo ko. “Kaya ka naparito ay para piglan ang nagaganap na kasal nina Jairus at Shanah,”

‘Kaya ba pinapunta ako dito ni Jairus?’

Itinayo ako ng Daddy ni Jairus, kinaladkad niya ako at tinakpan ang aking bibig gamit ang isang panyo. Dinala nila ako kung saan nagaganap ang kasal. Nasa harap na ng pari sina Jairus at Shanah— nagpapalitan ng vow sa isa't isa.

Unti-unting tumutulo ang mga luha ko. Tila ako sinaksak sa puso, para akong pinapatay ng dahan-dahan.

“Mahal na mahal kita,” rinig kong sabi ni Shanah.

“Mahal din kita,” tugon naman ni Jairus. Palingun-lingon pa ito sa paligid at sa tingin ko ay hinahanap niya ako. Nang tumingin siya sa pwesto naman ay iniyuko ako ng magulang niya. Gusto kong sumigaw, gusto kong makatakas, pero paano?

Tatanggapin ko na lang siguro ang lahat.

Kita ko rin na nagdadalang tao si Shanah, at mas kailangan niya ngayon ng taong mag-aaruga sa kan'ya. Ito na siguro ang nakatadhana para sa aming dalawa. Hanggang dito na lang talaga ang lahat.

Susuko na ako.

“Panalo na kayo,” saad ko. “Aalis na ako dito at lalayo, kaya bitawan niyo na ako,” kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay alam kong naguguluhan sila sa sinabi ko. Dahan-dahan naman nila akong binitawan kaya naglakad na ako paalis habang tinatanggal ang panyong nakabusal sa bibig ko.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now