KABANATA 15

70 7 2
                                    

ABALA, iyan ang tanging salita upang ilarawan ko ang nangyayari ngayon dito. Abala kami sa paghahanap ng bansang pagdadausan ng kasal, alam naman natin na hindi pwedeng ikasal ang dalawang kasarian dito sa Pilipinas. Abala din kami sa pagplaplano ng kasal at kung ano pa.

“Pagod ka na ba?” baling sa akin ni Jairus.

“Ayos lang ako,” sagot ko at nagpatuloy sa pamimili ng susuotin namin. Gusto ki sana ay simpleng damit, singsing, lahat. Ayos na sa akin ang simpleng kasal basta si Jairus ang kasama ko.

“May napili ka na ba?”

“Ito kaya?” Itinuro ko ang dalawang puting tuxedo na may pulang tie.

“'Wag 'yan ang simple, ito na lang,” singit ni Aruna. Inagaw pa niya sa akin ang hawak kong bruchore at inilipat ito saka ipinakita sa amin.

“Masyadong magara,” saad ko nang makita ang gusto niyang suotin namin. “Isang beses lang naman susuotin,”

“Ayon na nga, isang beses lang kayo ikakasal kaya dapat magara ang lahat, dapat maging espesyal ang lahat,” saad muli ni Aruna.

“Tama naman si Aruna, dapat maging espesyal ang araw ng kasal natin,” pagsang-ayon naman ni Jairus. At talagang nagkampihan silang dalawa. Pinagkakaisahan na nila ako.

“Ang kulit niyong dalawa, hindi naman importante na magara o espesyal ang kasal, basta kasama mo ang taong mahal mo sa altar,” pagpapaliwanag ko sa kanila.

“Ang sweet naman,” tila isang bulate na binudburan si Aruna dahil sa likod. “Pero gusto ko pa rin na ito,” balik sa seryoso ang mukha niya at ipinagpilitan ang gusto niya. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil dito.

Sumuko na ako at sumang-ayon na rin sa gusto nila. Ewan ko ba kung kasal ko ito o kasal ni Aruna dahil lahat na ata siya na ang pumipili. Pero, hindi ko makakaila na magaganda ang napili niya.

Pagkatapos ng walang humapay na pagplaplano ng kasal ay nagpunta kami sa isang restaurant upang kumain ng tanghalian. Habang abala aa kapagkain ay may biglang tumawag sa cellphone ni Jairus. Lumabas muna siya upang magkaintundihan sila ng kausap niya, samantalang ipinagpatuloy lang namin ni Aruna ang pagkain.

“What if babae kausap ni Kuya Jairus? Hala ka,” pang-aasar ni Aruna.

“Wala akong oras para sa selos-selos na 'yan, alam kong hindi ako lolokohin ni Jairus at ganun din ako sa kan'ya,”

“Sabi ko nga kakain na lang ako dito,”

Maya-maya ay bumalik na rin si Jairus at nakaukit ang abot taenga niyang ngiti.

“Sino ba 'yong—” hindi na niya ako pinatapos  magsalita.

“Malalaman mo rin sa kasal natin, magtiwala ka lang.” Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang tinapik. Hindi na ako nangulit pa dahil nga regalo niya raw ito sa akin. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain dahil mamaya ay may meeting pa si Jairus para naman sa pagpapatayo namin ng negosyo.

Nang natapos kaming kumain ay dumeretsyo na si Jairus sa meeting niya, kami naman ni Aruna ay nagpunta muna sa sa parke at namasyal. Ilang taon din akong naging abala sa kung anu-anong bagay, bihira na lang akong magkaroon ng oras sa sarili at pati na rin kay Aruna. May nakita akong nagbebenta ng mga ilang gamit sa pagguhit kaya naisipan kong bumili para kay Aruna.

“Para sa akin 'yan Kuya?” nakangiting tanong niya.

“Sa isang kundisyon,” itinago ko sa likod ko ang binili ko.

“Ano?” mabilis pa sa alas kwatro niyang tanong.

Ngumiti ako. “Iguhit mo ako, gusot-gusot na kasi 'yong dati mong drawing,” ipinakita ako ang drawing niyang nasa pitaka ko.

“Gusot na nga. Sige ba, 'yon lang pala.” Ibinigay ko ang pangguhit sa kan'ya at itinuro naman niya kung saan at kung anong gagawin kong posisyon. Pinaupo niya ako sa isang bakanteng upuan at nakaharap sa kanan habang nakataas ang kanan kong kamay. Tinanong ko siya kung bakit ganoong posisyon ang pinagawa niya sa akin, pero ang sagot niya ay magtiwala lang ako sa skill niya.

Mga ilang minuto rin akong nasa ganoong posisyon kaya nangawit na ang ilang parte ng katawan ko. “Hindi pa ba tapos?” tanong ko.

“Malapit na . . . kunting ayos na lang, saka pwede ka nang gumalaw,”

“Mabuti naman, akala ko aabutin pa ako ng gabi dito,” natatawa kong saad. Minasahe ko ang ilang nangangawit na parte ng katawan ko. “Namanhind tuloy braso ko,”

“'Wag kang mag-alala Kuya, ginandahan ko ito para sa inyo ni Kuya Jairus,”

“Patingin nga ako,” akmang titignan ko na ito nang bigla niya itong iniwas.

“Saglit lang, hindi pa tapos.” Lumayo siya ng bahagya sa akin at itinuloy ang pagguhit.

Hinintay ko na lang siya matapos at nang makakita ng nagbebenta ng cotton candy ay agad ko itong tinungo. “Kuya, dalawa nga pong cotton candy.” Ibinigay ko ang bayad at ibinigay naman niya ang cotton candy. Bumalik ako sa pwesto namin kanina at inabot kay Aruna ang isa.

“At . . . tapos na!” masayang sigaw ni Aruna. Binuksan niya ang ibinigay kong cotton candy at saka kumain.

“Pwede ko na bang makita?”

“Ready ka na ba? Ito na, one, two, three!” Iniharap niya sa akin ang sketchpad at laking dismaya ko nang isa lamang itong stick man. Ang lakas pa ng tawa niya na para bang siya lang mag-isa sa parke.

“Nangawit ako lahat-lahat, tapos stick man lang pala ang iginuhit mo?” lalo pang lumakas ang tawa niya. May pahawak pa siya sa tyan habang tumatawa.

“It's a prank, syempre hindi 'yan ang drawing ko.” Inilipat niya sa ibang pahina ang sketchbook at ipinakita ang drawing niya. Ang ganda nito. Kasama ko si Jairus sa upuan na nakaharap sa akin at parehong nakataas ang mga kamay namin. Mayroon din siyang singsing na kung saan nakatali ang pulang tali patungo sa singsing ko.

“Ang ganda,” bigkas ko.

“Mabuti at nagustuhan mo,”

“Hindi ko lang ito gusto . . . dahil gustong-gusto ko ito.” Kinuha ko mula sa kan'ya ang sketchbook at pinagmasdang mabuti ang iginuhit niya. Sa gitna ng pagmamasid ko sa drawing ni Aruna ay napansin kong may lalaki sa likod namin ni Jairus at tila itong si Travis.

“Ba't nakakunot noo mo Kuya?” tanong ni Aruna at kinuha pabalik ang sketchbook.

“Kahawig kasi ni Travis ito.”  Itinuro ko ang lalaki sa likod namin ni Jairus at maging siya ay nagulat sa nakita. Parehas kaming napalinga-linga— hinahanap kung nasaan si Travis. Siya nga ba talaga iyon?

“Baka namalikmata lang tayo,” saad ko. “Tara na at mukhang uulan na.” Napalinga pa akong muli, para tignan kung nandito ba talaga si Travis, pero hindi ko talaga si makita.


PAGKAUWI namin sa bahay ay siya namang pagdating ng isang lalaki na may dalang bulaklak. Ang bulaklak na ito ay sikat sa probinsya nila Travis. Hindi nga kaya si Travis ang nagpadala nito?

“Pakipirmahan na lang po rito,” saad ng lalaking may dala nung bulaklak. Ibinigay niya ang ballpen at ang isang papel. Nang mapirmahan ko na ito ay agad niyang ibinigay ang bulaklak at umalis.

“Ang bango naman niyan Kuya. Si Kuya Jairus ba nagbigay?”

“Hindi ko alam.” Tiniganan kong mabuti ang hawak na bulaklak. May nakatago pala ritong maliit na papael. Kinuha ko ito at binasa ang nilalaman.

“Anong nakalagay?”

“Si Travis ang nagbigay ng bulaklak . . . binabati niya kami ni Jairus sa nalalapit naming kasal,”

“Mabuti naman at naka-move on na siya sa 'yo,” peke akong umubo upang matigil si Aruna. “Sorry po,”

Isang tawag ang nagpahinto sa usapan namin ni Aruna. Sinagot ko ito at lumayo ng kaunti kay Aruna.

“Kamusta?” tanong ko sa tumawag.

“Napadala ko na po ang ilang groceries sa kanila, at gaya ng sabi mo ay hindi ko sinabi na galing ito sa iyo,” saad ng tumawag.

“Thank you, paki tingin-tingin na sila,”

“Sige po,” pinatay ko ang tawag at muling nakipag-usap kay Aruna.

Kahit naman magkagalit kami nila Tita ay hindi ko pa rin sila pinabayaan, lalo na't nalaman ko na nahihirapan sila ngayon. Pamilya ko pa rin naman sila at ang pamilya ay dapat na nagbibigayan at nagmamahalan. Kahit na hindi nila alam na ako ang nagbibigay ng mga groceries at kung anu-ano pa sa kanila ay masaya na ako na maayos sila at may nakakain.

“Pero kuya, tingin mo? Malapit lang kaya si Kuya Travis sa 'tin? I mean nand'yan lang s'ya sa paligid, nag mamasid?” Curious na tanong ni Aruna habang nakaupo sa sofa at deretsyong nakatingin sa 'kin.

“Hindi ko alam . . . pero siguro, nandyan lang s'ya sa paligid,” sagot ko naman.

“Pupunta kaya siya sa kasal ni'yo ni Kuya Jairus? Kuya?” tanong nitong muli, kaya napaisip din ako kung pupunta nga ba si Travis sa kasal namin ni Jairus.

“Hindi ko alam,” ayon na lang ang nasagot ko at napabuntong hininga, Gusto kong maging mapayapa ang isip ko, ayaw ko ng mag isip ng kung ano pa.

Dumaan ang oras at gabi na. Nagpasya na rin akong mag luto ng makakain namin, nagpatulong na ako kay Aruna para mabilis akong matapos at mahanda na, para pag-uwi ni Jairus, kakain na lang.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin ang pagluluto namin kaya hinain na namin ito sa hapag kainan.

“Kuya anong oras ba uuwi si Kuya Jairus galing sa meeting n'ya?” biglang tanong ni Aruna at naupo sa upuan katabi ko.

“Baka maya-maya nandito na rin iyon,” sagot ko naman at nagkalikot ng cellphone, “Aruna, Pakisuyo nga kunin mo yung pitcher at lagyan mo ng tubig na malamig, nakalimutan kong kumuha,” ani ko sa kan'ya at agad naman s'yang sumunod

“Sige po Kuya,” Naglakad na s'ya palayo nang bigla ko na lang narinig ang pag bukas ng pintuan. Kaya naman ay napalingon ako dito. Niluwa nito Ang maamo at nakangiting mukha ni Jairus at deretsyong nakatingin sa akin.

“Good evening,” bati nito na may matamis na ngiti sa labi, nang makalapit sa harap ko ay ginawaran ako ng halik sa labi. Kaya naman Hindi ko maiwasang Hindi mapangiti ng Todo. Kinikilig ako, hindi lang naman ito ang unang beses na hinalikan n'ya ako ngunit hindi ko maiwasang kiligin pa rin.

“Magandang gabi rin,” Bati ko pabalik. “Maupo kana, nakahanda na Ang pagkain,” dagdag ko at naupo na, ramdam ko naman na tumabi s'ya sa 'kin at inangkla Ang mga braso sa bewang ko.

Dumating na rin si Aruna kaya naman nag simula na kaming kumain. Nagkwentuhan at tawanan kami sa hapag kainan hanggang sa matapos kami.

Nagtungo narin si Aruna sa Kwarto n'ya nang matapos n'ya ang hugasin, at gano'n din kami ni Jairus.

Napahinto ako sa pag lakad papunta sa kama ng bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako at nilingon ito.

"Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka," bulong ni Jairus, malapit sa taenga ko. Ang kan'yang hininga ay kumikiliti sa aking balat at nagbibigay sa akin ng tila kuryente.

“Ako rin . . .” nakangiting sabi ko. Gaya niya, hindi rin ako makapag-antay na makasal kaming dalawa.

Sa kabila ng mga pinagdaanan naming dalawa ay nalampasan namin 'yong dalawa. Kahit marami man ang tutol sa relasyon namin. Nanaig pa rin ang pagmamahalan at tiwala naming dalawa sa isa't-isa.

“Nga pala, nagpadala ng bulaklak si Travis kanina,” sabi ko ng maalala ko ang bulaklak ng pinadala ni Travis. Naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin. natawa ako. “Hoy, wag kang magselos. Binabati niya lang tayo sa nalalapit nating kasal,” paliwanag ko.

“Hindi ako nagseselos sa kan'ya. Ikakasal na tayo, bakit naman ako magseselos? Parte lang siya ng past mo. Akin ka na ngayon," bulong nito sa may taenga ko. Sandali akong napapikit bago 'to hinarap. Niyakap ko 'to. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

“Salamat sa pagbabahagi ng pagmamahal mo sa akin, Jairus. Kahit mali man sa paningin ng ibang tao ang pagmamahalan natin. Hindi ka tumigil sa pagmamahal sa akin at napatunayang hindi mali ang pag-ibig," sinsero kong sabi. Tiningala ko 'to. Nakatitig lang 'to ng puno ng lambing at pagmamahal sa akin. Yumuko 'to at nilapit ang mukha sa mukha ko. Napapikit ako ng maramdaman ang malambot na labi nito sa labi ko. Wala na akong hinihiling pang iba. Ang makasama ang lalaking mahal ko ay konento na ako. Alam kong marami pa kaming mga pagsubok na haharaping dalawa pero alam kong malalagpasan rin namin 'yong dalawa.

Walang imposible kapag may tiwala kami sa isa't-isa. Malaki rin ang pasasalamat ko sa mga taong humusga at tumutol sa aming pagmamahalan dahil sa kabila no'n nalaman ko na ang pag-ibig ay walang kasarian. Ang bawat tao'y nararapat na mahalin. Kaya lang, nakatira tayo sa bansang puno ng mga mapanghusga na hindi tayo maintindihan.

"Mahal na mahal kita, asawa ko," magiliw na sabi ni Jairus sa pagitan ng aming mga halik.

Ang lahat ng bagay ay walang imposible hanggat kasama ko ang mahal ko sa buhay. Handa akong harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay at gugulin ang natitirang bahagi ng buhay ko kasama siya.

Thank you for reading!!
- Mr_IC3Y

Thank you for reading!!- Mr_IC3Y

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.




— This is not the official book version/book jacket, this is my own made book jacket.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα