CHAPTER 2

74 17 21
                                    

A/N: Play the song RIVER by Bishop Briggs❤️

RIVALED

"Wow! Kinalaban mo ang leader ng sikat na grupo ng F4." sabi ng babae sa akin.

"Huh? Leader? F-f4?" tanong ko pero ngumisi s'ya

"Ako si Mezian, journalist ako dito sa Ming de at kilala ko amg F4 na 'yun." sabi ni Mezian.

"Sino ba sila?" tanong ko.

"At saka sikat ba sila?" tanong nila Yihan, Lu xiang at Li jia.

"Sumunod kayo sa akin!" ma-awtoridad na utos nito at sumunod nga kami.

"Sino ba sila? Bakit sila pinagtitilian kanina?" tanong ko.

"Sila ang Flower 4 o mas kilala bilang F4, totoo ang sinabi n'yo, sikat nga sila at talagang silang apat ang priority dito sa Ming de dahil napakahusay nila sa bridge." paliwanag nito

"B-bridge? Ano 'yun?" tanong naming apat

"Isang uri' yun ng card game at talagang napakagaling nila do'n....sa totoo lang yung kwartong bakante doon ang bridge room nila, sinadya 'yan ng president ng China na ipagawa para sa kanila dahil kahit kailan, hindi pa nila nabibigo ang mga tao sa Ming de University dahil sa lahat ng laro nila ay wala pa sila kahit isang talo." sabi ni Mezian

"Wow! Ang galing nga nila! pagkamangha nilang tatlo

"Magaling nga sila, pero dapat hindi pa rin n'ya ako binangga tingnan mo itong suot ko puro na mantsa!Nakakainis s'ya!" sabi ko at umirap

"Ano ba pangalan nila?" tanong ni Lu xiang

"Yung lalaking tahimik lang kanina, s'ya si Darren Chen....mas kilala s'ya bilang isang Music Wizard dahil kahit anong inatrumento ang ibigay mo sa kan'ya kaya n'ya itong tugtugin."

"....At yung pinakamatangkad kanina s'ya si Connor Leong he is the smartest in F4kaya n'yang gumawa ng plano para magtagumpay."

"....At yung may glasses kanina s'ya si Caesar Wu, tea expert s'ya....he's the love gurung grupo, sabi nila playboy daw s'ya." pagpapakilala ni Mezian

"Eh, sino naman yung lalaking nakaaway ko?" tanong ko

"Yung nakaaway mo? S'ya si Dylan Wang leader ng F4....coolest guy here in Ming de University may pagka-bad temper nga s'ya, kaya hindi s'ya madaling kaibiganin, suplado....at bad boy ang datingan n'ya at sa galing n'ya sa bridge marami ang nagpapantasya sa kan'ya, pero kahit isang babaeng nanligaw sa kanya walang nagtagumpay." sabi ni Mezian

"Kahit sikat s'ya hindi ko s'ya uurungan!" galit na sabi ko

"Tss. Alam mo ba Yue? Hindi ka n'ya titigilan." sabi nito

"H-hindi T-titigilan?" utal na tanong ko

"Tss. Alam kong sikat na model ka pero ang slow mo pala." sabi niya sa akin at ngumisi.

"How dare you? Who are you to say that to me?" inis na sabi ko ngunit ngumisi lamang ito.

"Goodluck!" sabi nito at tinapik ang balikat ko saka umalis.

" 'Wag mo s'ya intindihin." sabi ni Yihan

"Hindi ako natatakot sa kan'ya" sabi ko at nag-walk out

"Yue, where are you going?" sigaw nila pero hindi na ako sumagot.

"Bukas nalang natin s'ya kausapin." sabi ni Yihan

"Tara uwi na tayo." yaya ni Lu xiang

"Uhm." tanging sabi ni Yihan at Li jia.

Dahil sa sobrang inis ay umuwi nalang ako at nag-shower saka natulog.

____________

Nasa rooftop ako no'n mag-isa.

"Nakakainis ka Dylan! Napakasama ng ugali mo!"

"Gusto ko lang naman mag-aral dito, bakit mo ako sinimulan?!"

"Napakasama mo! Kala mo kung sinong gwapo!"

"Feeling gwapo hindi naman, malasin ka sana!"

Sigaw ko sa rooftop.

"Sinong feeling gwapo?" tanong ng kung sino sa likuran ko kaya nagulat ako saka lumingon.

"D-dylan? A-anong g-ginagawa m-mo dito?" pagkagulat ko

"Ano nga ulit yung sinisigaw mo?" tanong nito at papalapit sa akin

"W-wala, a-aalis na a-ako!" sabi ko at naglakad

"Hindi! Dito ka lang!" galit na sabi nito sa akin.

"Tss. Hindi ako natatakot sa iyo." sabi ko at ngumisi

"Talaga?" tanong niya sa akin saka naglakad papalapit sa akin habang ako ay papaatras, my ghad!

"O-oo n-naman." tapang-tapangan kong sagot.

"Bakit kabado ka?" nang-aasar na tanong n'ya

"H-hindi kaya!" sabi ko habang nakalapat na ang likod ko sa wall at tinrap niya ako.

"Hindi kita titigilan." sabi nito at tumingin sa akin at naglipbite saka n'ya nilapit ang mukha n'ya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.

"K-kung ano man y-yang balak mo w-wag mo na ituloy!" kabadong sabi ko

"Hindi na ako maaalis sa buhay mo." sabi nito at ngumisi

"Hindi! Ayoko!" sigaw ko

"Walang makakapigil sa akin." sabi n'ya at nilagay ang kamay n'ya sa gilid ng baywang ko at ang kabila ay nasa uluhan ko.

"Tumigil ka n--" hindi ko na natuloy

"Ikaw ang manahimik." sabi niya at hinalikan ako sa labi, nagulat ako ng biglang.....

"Ms. Yue gising na po!" sigaw ni Yaya mula sa labas

"Haytss! Buti nalang panaginip lang." mahinang sabi ko at nag-asikaso na.

Maya-maya pa ay bumaba na ako para mag-almusal.

"O, Ms. Yue, parang masama ata ang gising mo aa?May problema po ba?" tanong ni yaya.

"A, wala po yaya, It just a bad dream." sabi ko at tumango lamang ito, maya-maya pa ay pumasok na ako.

               𝓜𝓼.𝓧𝔂🌕|𝚇𝚢

MY HATER IS MY LOVER Where stories live. Discover now