CHAPTER 47

26 2 0
                                    

BLUSHED

Yue's POV

Tumungo na lang ako para hindi matakot.

Pero yung rinig kong mapayapa na yung palabas ay umayos na ako ng pwesto ko.

Pero pinakita ulit yung bata. Tumili ako at niyakap ang braso ni Darren. Tinago ko ang mukha ko sa likuran ni Darren.

"Wala na ba?" tanong ko.

"Wala na, ang cute mo." sabi ni Darren.

Tumingin ako sa braso niya at nakahawak pala ako doon.

"G-grabe, hindi ko ata kayang tapusin 'yang movie na 'yan." takot na sabi ko.

--

Tapos na ang movie at lumabas na kami dun.

"Grabe isa kayo do'n girls sa tili nang tili sa loob." Caesar said habang tumatawa.

"Nakakatakot naman talaga kasi." sabi ko habang nahihiya dahil nakatingin sa akin sila Darren at Dylan.

"Kaya nga, ang creepy pa ng mukha nu'ng bata sa movie." sabi ni Li jia.

"Hay naku, sa susunod ayoko na nang horror movie ha." sabi ni Ye.

"Ye is right." Li jia agreed

"Same din sa inyo girls." sabi ni Yihan.

"Hay naku, 'wag nga kayo d'yan magtapang-tapangan F4 natakot din kayo no!" pang-asar ni Lu xiang.

"Mabuti pa sulitin na natin yung time na magkakasama tayo, okay? Because malapit na naman yung pasukan." sabi ko.

"Hindi ka na aalis Yue?" masayang tanong ni Li jia.

"Aalis, but Ye wants to be with us for long time, 'di ba Ye?"

"Yeah, that's right." Ye responded .

--

MARAMI kaming pinuntahang shop do'n and nu'ng napagod kami ay bumili kaming ice cream.

"Yue, chocolate ice cream. Favorite mo ito 'di ba?" alok ni Dylan

"Naks naman alam n'ya favorite flavor ni Yue!" pang-asar nila.

Sa huli ay tinanggap ko na lang 'yung ice cream.

"Thank you."

Nagtaka kaming limang girls kung bakit umalis ang F4.

"Ano kayang gagawin nila?" pagtataka naming apat.

"Ewan ko nga ee." sabi ni Lu xiang

Halos 10 minuto silang nawala.

"Oh, andyan na sila!" masayang sabi ni Li jia.

"Hey girls!" bati ni Caesar.

"Saan kayo galing?" tanong ko.

"Bakit, namiss mo si Dylan?" pang-asar ni Darren. 𝐴𝑏𝑎, 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑠𝑎𝑏𝑎𝑦 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔-𝑎𝑎𝑠𝑎𝑟 ℎ𝑎?

"La, hindi no!"

Pero nahagip sa paningin ko ang galos sa noo ni Dylan.

Tiningnan ko iyun.

"Bakit?" tanong ni Dylan.

"Ano nangyari d'yan sa noo mo?" tanong ko at lumapit ako sa kanya.

"Ha?"

"Ayan o." turo ko sa noo n'ya.

"A-ah Ito? Wala 'yan." sabi niya.

"Patingin." sabi ko at tumingkayad ako para maabot siya.

Pansin kong tumingin s'ya sa akin.

"Dapat ganyan o!" sabi ni Ye at tinulak niya ako kay Dylan.

Nagulat ako. Kaya napahawak ako sa dibdib niya at nangudngod yung mukha ko sa kan'ya. Habang nakahawak naman si Dylan sa baywang ko.

"Aray, ano ba?"

"Tss. Sayang hindi nagkiss." sabi ni Li jia.

"Ano bang balak nyo ha?"

"Namumula silang dalawa!" pang-asar ni Lu xiang.

"H-ha? Ako? Hindi aa." sabay na sabi namin ni Dylan.

Nagkatinginan kami at inirapan ko s'ya.

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ramdam kong mainit iyun.

Hala nagba-blush ba ako?

"Mabuti pa umuwi na tayo." sabi ni Lu xiang

--

MAYA-MAYA pa ay nakauwi na ako sa mansion. At agad akong pumasok sa room ko. Saka nilock iyon.

"Yue calm down, okay? Nasubsob kalang sa kan'ya. " sabi ko sa sarili ko.

𝑁𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑦𝑎!

Sabi ko at biglang dumapa sa kama ko habang sinusuntok ang mga unan.

--

MAKALIPAS ang isang linggo mula ng nangyari iyon ay tumawag sa akin si Lu xiang.

*ON CALL

"Hello."

"Hi, Yue. Are you willing to join with us?" tanong ni Lu xiang.

"For what?"

"F4 and P3 decided to volunteer to clean the old cabin in Chengdu and stay for a days." paliwanag ni Lu xiang.

"Parang resthouse?"

"Medyo, ano sama ka ba?" tanong ni Lu xiang.

"Sure. why not? See you!"

"Yue tomorrow 'yun ng 8:30 am." dagdag pa niya.

"Sure."

"Bye, see you!"

                               𝓜𝓼.𝓧𝔂🌕|𝚇𝚢

MY HATER IS MY LOVER Where stories live. Discover now