CHAPTER 45

54 2 0
                                    

MEET AGAIN

Dylan's POV

So ito guys kabababa ko lang ng eroplano sasakay ulit ako ng service kong kotse para makauwi na ako sa mansion at para na rin maka paghanda ako ng susuotin ko para bukas sa party ni Caesar.

𝑆𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 '𝑑𝑖 𝑑𝑎𝑤 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑖 𝑌𝑢𝑒.

--

"Good evening, master." bati ng mga maids sa akin.

"Pahanda na ng kwarto ko and please paayos na rin nitong mga gamit ko." utos ko.

"Yes, master." sabi ng tatlong maids and kinuha na nila ang maleta ko.

Maya-maya pa ay pumasok na ako sa kwarto.

--

Yue's POV

Ngayon ay naghahanda na kami para sa party, grabe ka excite naman.

Nag-video call kami ng P3 at F2 nagreready na rin daw sila.

Maya-maya pa ay umalis na kami sa mansion.

--

Grabe ang daming tao halatang mga sikat at halatang mayayaman.

By the way formal party 'yung gaganapin ngayong gabi.

"Ye, ayun mga friends ko, halika let me introduce you."

"Sure, let's go."

"Hey Yue, welcome back you look so beautiful tonight." sabi ni Yihan at niyakap ako.

Ganun din ang iba kong kaibigan.

"Darren? Thank goodness you're here. By the way, where's Min Yi?"

Pero nginitian lamang ako nito.

"By the way guys, meet my friend in Guandong Liu Ye but you can call her Ye." I introduced

"Hi Ye nice to meet you I'm Li jia."

"Hello." sabi ni Ye.

Hanggang sa kilala na nilang lahat ang isa't-isa.

"Where's Caesar?" I asked

"Oh Yue, speaking of Caesar they are here" masiglang sabi ni Connor.

"They?"

"Hi guys welcome to my party, enjoy." bati ni Caesar.

Tumingin ako sa likuran ko na sana'y hindi ko na lamang ginawa.

Laking gulat ko na nakita ko si-

"D-dylan?" pagkagulat ko.

"Y-yue" pagkagulat din nito.

Lumapit sa kanya ang P3 at sila Connor at Darren.

"Dylan welcome back."

Gulat na gulat ako tiningnan ko sya at nakangiti sya.

Hindi ko alam ang magiging reaction ko.

Magagalit ba ako?

O

Matutuwa

O

Malulungkot

Hay naku! Nangingibabaw ngayon sakin ang sakit na naramdaman ko at ang pinaramdam nya sa akin.

Natahimik lang ako habang sila ay tuwang-tuwa ng makita si Dylan.

Gusto kong umiyak pero masisira ang make-up ko.

"Yue." tawag ni Connor.

"Yue." muling tawag ni Lu xiang natauhan ako.

𝐿𝑢𝑡𝑎𝑛𝑔.

"Ah bakit?"

"Yue sorry, hindi ko sinabing ii-invite ko si Dylan." sabi ni Caesar.

"No it's fine, party mo naman ito kaya okay lang na mag-invite ka ng friends mo." sabi ko at pilit na ngumiti.

"Are you okay?" tanong ni Ye.

"Ah oo naman, excuse me lang ha? I'll go to comfort room muna." sabi ko at nagmadaling umalis.

Agad akong pumasok sa isang cubicle saka hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko.

"Bakit ba parang ang sakit pa rin?" tanong ko sa sarili ko.

"Bakit ba ang hirap mong kalimutan?"

"Bakit ba parang nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari?"

"Bakit ba nakita pa kita?"

"Bakit ba parang hanggang ngayon di pa ako nakakapag-move-on?"

"Bakit ba?"

"Bakit ba Dylan?"

"Bakit ba hanggang ngayon mahal pa rin kita?"

"Hindi kita makalimutan."

Sabi ko habang umiiyak sa cubicle.

Ang sakit sakit...

Dahil sa nararamdaman ko ay sinipa ko ang pinto ng cubicle.

Hinahampas ko rin ang wall nito.

Ramdam kong sobrang itim na ng mata ko dahil natunaw na ang maskarang nilagay ko sa pilik mata ko.

Wala na rin ang foundation sa mukha ko.

Kaya agad akong lumabas ng cubicle at naghilamos at nag-make-up ulit.

Huminga ako ng malalim.

"Okay Yue, calm down, chill ka lang, makisama ka, kung hindi naman kailangang kausapin si Dylan hangga't maaari 'wag mo syang kausapin okay." sabi ko sa sarili ko.

Hindi na ako naglagay ng maskara baka maiyak na naman ako ee.

𝐼𝑛 𝑎𝑑𝑣𝑎𝑛𝑐𝑒 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛.

Pero sobrang nasasaktan talaga ako.

Kaya pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ulit ako do'n.

Nasa hiwa-hiwalay silang table, two pairs kada isang table.

Magkasama sila Caesar at Li jia.

Magkasama rin sila Connor at Lu xiang.

Magkasama naman sila Darren at Yihan.

And si Ye naman ay may kasamang hindi ko kakilalang boy masaya naman sya kaya hinayaan ko na lang sila.

And ako ito mag-isa sa table at umupo lang.

Hindi ko nakita si Dylan pero hayaan nyo sya.

Maya-maya pa ay tinawag si Caesar sa unahan para sa speech.

"Ladies and gentleman I'll introduce to you my son the new owner of Wu tea company  Caesar Wu." pagmamalaki sa kanya ng dad niya.

"Thank you dad." sabi nito at pumunta na sa center para sa speech.

Ngumiti sa kan'ya ang mom niya.

"Good evening everyone, I'm Caesar Wu. Happy 70th anniversary, this night, I want to tell you about the story of my grandfather with this company. I was only 7 years old when he first time brought me in our tea factory. I was happy to saw how they make a delicious tea. I remember the day before he died he says to me that someday, I'll be the one who hold our tea business, so from now I promise that I will be the best holder of this company mom/dad and lolo dad and of course to all my friends that always here for me, thank you for supporting me in my careers, to all of you that invited in this party tonight. Happy Anniversary, let's make a toast for our successful everyone." sabi ni Caesar sa speech nya.

Kaya nag-toast kaming lahat.

"Cheers!" sigawan ng mga tao na nasa party at tinaas ang wines at teas na mga hawak nila at saka iyon ininom.

And bumalik na si Caesar sa pwesto nila.

"Caesar, Congratulations." sabi ko at ngumiti.

"Thank you, Yue" sabi niya at ngumiti din.

And maya-maya pa ay iba na naman ang ayos ng mga tables.

This time ay nasa long table na kami ng F4 at ng P3 pati si Ye.

This time ay ganito ang ayos ng pwesto namin sa long table.

     ^           ^            ^              ^
Yihan  Darren  Lu xiang Connor    
________________________________      ^
     ^           ^            ^            ^            Caesar
Liu Ye    Yue      Dylan     Li jia


Yes, magkatabi kami ni Dylan.

"Oh guys, ngayong magkakasama na tayong lahat at magkaka-ayos let's make a toast." sabi ni Connor.

"Talaga? Magkakaayos nga ba lahat?" singit ni Darren at tumingin sa amin ni Dylan.

Syempre napatingin din ako.

Tumingin silang lahat sa amin ni Dylan.

"Ah, mukhang kailangan nating abangan ang pag-aayos ni Dylan at Yue." pang-asar ni Li jia.

"Manahimik nga kayo d'yan." sabay na sabi namin ni Dylan.

Napatingin ulit sila sa amin.

Hindi ko na tiningnan si Dylan pero napansin kong tumingin ito sa akin.

"By the way, sorry for asking ha? Ano ba nangyari sa kanilang dalawa?" Ye asked.

                             𝓜𝓼.𝓧𝔂🌕|𝚇𝚢

MY HATER IS MY LOVER Where stories live. Discover now