"LIHIS"

2.6K 46 2
                                    


"Siya nga pala pare, naka usap ko na si dad, payag na daw siyang tulungan ka sa kapatid mo. Inimbitahan ka nila ni mommy sa bahay. Free ka ba mamaya?" Sabi ni Kid kay Cedric.

"Sure pare, libre ako mamaya. Gusto ko rin ma meet ang parents mo para makapag pasalamat sa kanila. Ang swerte mo sa magulang pare. Sana katulad din nila ang magulang ko." Ayon pa kay Cedric

Ngumiti lang si Kid

"Alam mo ba pare subrang laki nang pasalamat ko sa iyo, kasi nandiyan ka lagi sa tabi ko. At inaangat ako." Hinawakan ni Cedric ang kamay ni Kit nang mahigpit.

"Ang kamay ko pare." Pag saway ni Kid kay Cedric.

"Pare gusto kita." Biglang nasabi ni Cedric. Nabigla si Kid sa kanyang narinig.

"Pare hindi ako bakla," sabi ni Kid.

"Alam ko, at hindi rin ako bakla. But I like you." Pag ulit pa ni Cedric.

"Hindi ito tama pare, na mimis interpret mo lang ang kabutihan ko sa iyo. Ang pakikitungo natin sa isa't isa. Hindi ganito ito pare." Sabi pa ni Kid at tinanggal ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Cedric. Saka tumayo ito at iniwan ang kaibigan.

"Nararamdaman kita pare, tulad ko ganun ka din sa akin." Pag habol ni Cedric kay Kid.

"Pare magkaibigan lang tayo, ganun lang iyon. At hanggang doon lang iyon. Wala tayong nararamdaman sa isa't isa wala pare." Pag lilinaw pa ni Cedric.

"Iyon din ang akala ko noong una pare, pero habang tumatagal iba na Ang nararamdaman ko sa iyo. Hinahanap ka na lagi nito." Sabay hawak sa kanyang dibdib.

Lumapit si Cedric ng paunti unti kay Kid. Paatras naman ang isa hanggang sa napasandal na lang ito sa pader kung saan naroon ang drawing ng kanilang mukha.

"Sabihin mo ngayon sa akin pare, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?" Tanong Cedric. Subrang lapit na nito sa mukha ni Kid.

"Pare mali ito. Isang malaking kahibangan. Pare lalake ako at lalake ka rin. Alam mo iyon. Hindi dapat tayo umabot sa ganito." Ang sabi ni Kid na pinagpapawisan.

"Dapat ba sa babae lang tayo magmahal pare? Wala na ba tayong karapatan na Sundin ang totoong laman ng puso natin kasi mga lalake tayo? Bakit ka nag aalala sa akin? Bakit ka naniniwala sa akin? Bakit hinahanap mo ako. Bakit nandito ka ngayon kasama ko? Bakit ako ang pinili? Ano ba ang dahilan mo pare? Hindi ba at dahil Mahal mo ako?" Pag didiin na tanong ni Cedric.

"Hindi ko alam...." Sagot lang ni Kid.

"Sabihin mo sa akin pare, gusto mo rin ba ako?" Tanong ni Cedric.

"Pare wala akong isasagot sa iyo kasi hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Kasi maging ako sa sarili ko, hindi ko alam bakit mahalaga ka sa akin. Bakit kapag wala ka kulang ang araw ko, na kapag hindi ka na ka pag reply sa messages ko ang lungkot lungkot ko. Kung bakit madalas Ikaw Ang iniisip ko ,na sa halip ang girlfriend ko. Hindi ko alam pare ,...hindi ko alam kung bakit Ikaw Ang kasama ko ngayon sa anniversary namin ni Chacha. Hindi ko alam." Maluha luhang sagot ni Kid.

Napa upo ang dalawa na naka sandal sa pader.

"Bakit sa iba, ang dali daling umamin sa kanilang nararamdaman. Madalas sa mga pilekula , titigan lang alam na nila ang sinasambit ng kanilang puso. Pero bakit sa totoong buhay. Ang hirap. Nakakagago. Pinag mumukha tayong Tanga nitong,tang inang damdamin na ito." Sabi ni Cedric ,

"Bakit ba kasi kailangan pa nang sagot. Hindi naman dapat tinatanong ang nararamdaman diba? Kaya nga nararamdaman kasi kailangan mo lang damhin at ramdamin. " Sabat pa ni Kid.

"Hindi mo ba talaga alam ang sagot sa tanong ko?" Tanong muli ni Cedric na nakatitig sa mukha ni Kid.

"Hindi ko nga alam ang sagot pare."

Dirtiest DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon