"TABAS"

866 17 5
                                    

Maaga pa nang dinalaw ng mga pulis ang bahay nina Kid sa pamumuno ni Inspector Jimbo. Isang nakakagimbal na masamang balita ang hatid nito sa pamilya ni Kid.

"Natagpuan ang katawan ng mom mo sa mismong Lugar kung saan nakita rin ang dad mo. Ikinalulungkot ko ang pangyayaring ito. Parehas kong mga kaibigan ang magulang mo at napakasakit itong nangyari sa kanila. Nakikiramay ako."

Halos maubusan ng bait si Kid sa ibinalita sa kanya ni Jimbo. Nagwawawala ito at nagbasag ng mga kagamitan. Hindi nito matanggap ang nangyari sa Ina, Wala pang Isang taon matapos mailibing ang ama Ang Ina naman nito nawala.

Hindi maawat ni Cedric si Kid sa pagwawala nito. Hindi rin nito alam kung paano pakalmahin ang mahal.

Nang maiayos na ang lahat at nailipat na sa pagbuburulan nito ang bangkay ni Venus. Dumalaw sa bahay nila si Francis. Hinarap ito ni Kid at nagbuhos dito nang sama ng loob at hinanakit dahil sa nangyari.

"This is not the right time to tell you this, But I guess you need to let go all your dad's businesses. Ayukong pati ikaw madamay sa sigalot na ito. Nangangamba ako sa safety mo Kid." Mungkahi ni Francis sa kanilang pag uusap.

"Ituro mo sa akin ninong kung sino ba talaga ang mga kalaban ni dad, Dahil ako mismo ang maniningil sa kanila. Magbabayad sila sa kahayupang ginawa nila kina mommy at daddy. Hindi ko sila mapapatawad." Ang nagpupuyos sa galit na si Kid.

"Hindi matatapos ang lahat nang ito kung paghihiganti ang paiiralin natin. Mga negosyo ng dad mo ang puno't dulo nang lahat ng ito. Ngayong wala na ang mga parents mo ang negosyo na Ang sa tingin ko Ang next target nila. Hayaan na lang natin ito sa batas." Ayon pa kay Francis.

Samantala nang makarating ang balita sa ama ni Cedric nabahala ito sa mga anak.

"Sa mga nangyayari sa pamilya ni Kid, baka madamay ang anak natin. Kung noon wala akong nagawa para kay Eric, Ngayon dapat may gawin na ako. " Ang wika ni Celso habang nililinis ang kanyang baril.

"Tinanggalan na tayo nang karapatan ng mga anak natin. Magpakabayani man tayo huli na para bumawi sa mga panahong sinayang natin." Nang lumapit Ang asawa nito dala ang Isang mug ng kape.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ko napatunayan sa mga anak natin na nagbago na ako, na nagbago na tayo." Ang buong tiwala ni Celso sa sarili.

"At iyon ang ipinagdadasal ko. Na dumating ang panahon na mag samasama tayong muli." Ayon naman sa asawa nito.

"Sana na nga, ...gising na ba sina Cedie at Erika?"

"Hayaan na muna natin ang mga bata, masyado sila nag enjoy sa pagdala mo sa kanila kagabi sa fun park. "

"Marami pa tayong dapat gawin para sa kanila. Bubuo muli tayo ng panibagong ala ala para sa mga anak natin." At hinalikan ni Celso ang asawa.

At mula sa malayo ,Isang puso ang nangungulila ngunit pilit nagmamatigas.

"Diyan lumipat ang mga magulang mo kasama ang mga kapatid mo. Nabawi na nila ang bunso niyo kay intsik. Ibang iba na mga magulang mo simula noong umalis sila sa looban. Lalo na ang papa mo. Kita mo naman ang aliwalas na ng mukha niya. Di gaya diti. At ang mama mo may online business na rin. Madalas nga ako umuorder ng longganisa sa kanya. Kasama din nila ang lola niyo diyan. At ang bahay niyo sa looban pina babantayan muna kay nanay. Pero sabi ni nanay,sabi sa kanya ng mama mo bukas parin daw bahay niyo doon sakaling bumalik kayo ng kuya mo." Sabi ni Joshua kay Cedric habang pinagmamasdan nila ang bagong tahanan ng mga magulang ni Cedric mula sa loob ng kotse.

"Bakit ngayon pa kung kelan kinalimutan ko na sila?" Ang nasambit ni Cedric.

"Hindi naman huli para sa pagbabago pare, lahat naman may tamang Oras at panahon para harapin Ang pagbabago. Siguro sa part ng mga magulang mo iyan na iyon. Patawarin mo na kasi sila. Ramdam ko parin Ang bigat na pasan mo pare. Awkward man na mag payo pero, balewala lahat ng tagumpay mo kung puno parin ng galit Ang puso mo." Ayon pa kay Joshua.

Dirtiest DadWhere stories live. Discover now