Nagising si Cedric na wala na sa kanyang tabi si Kid. Nang lumabas ito ng cottage napasilip ito sa cottage ng mga kaibigan, tulog parin ang mga ito.Hinanap ni Cedric si Kid sa paligid, ngunit wala na ito doon. Tinungo nito ang counter ng resort para mag tanong.
"Ate, wala po ba kayong napansin dito na kasamahan namin kagabi na lumabas na ng resort?"
"Baka siya iyong nasa bar kanina. Pero wala na siya roon nang mapadaan ako. Try mo kaya mag tanong doon sir. Pero kanina pa ako dito. Wala naman akong napansing lumabas na iba." Sagot ng kahera.
"Sige salamat , titingnan ko na lang." At tinungo ang maliit na bar sa resort.
Ngunit wala din doon si Kid. Naisip nito na baka umuwi na si Kid at hindi na nag paalam sa kanya . Araw parin kasi nang klase nun. Nang marinig ni Cedric ang tampisaw ng tubig mula sa malapit na pool. Sa gilid lang ng bar.
Tinungo niya iyon. At doon nakita niya si Kid na pabalik balik na lumalangoy sa pool. Hindi siya napansin ni Kid.
Napangiti si Cedric at agad na nagtanggal ng suot sa katawan. Dahan dahan itong lumusong sa pool at inabangan si Kid. Lumubog ito sa pool na paharap sa direksyon ni Kid. At lumangoy sa ilalim ng tubig para salubungin ang kaibigan.
Nang makita ni Kid si Cedric sa ilalim ng tubig nagulat ito. Ngumiti lang si Cedric at sinalubong ng halik si Kid habang nasa tubig ang dalawa. Masuyong nag halikan ang dalawa sa ilalim ng pool bago Ang mga ito umahon.
"Magaling ka rin pala mag pigil ng hangin. " Nakangiting sabi ni Cedric habang nasa gilid na sila ng pool ni Kid.
"Para ka kasing vacuum kung maka sipsip ng labi ko. Paano mo nalaman na narito ako?" Tugon ni Kid na nakangiti.
"Hinanap kita, paggising ko kasi wala kana sa tabi ko. Kaya nag alala ako baka iniwan mo na ako." Sagot ni Cedric.
"May reason ba para iwanan kita?" Tanong muli ni Kid.
"Wala, wala naman diba?" Para pa kay Cedric.
"Wala naman pala, kaya huwag ka mag alala. Nangako na ako sa iyo tatanggapin ko kung ano ka. Ang lahat sa iyo, tatanggapin ko. At hindi kita iiwanan kasi Mahal kita." Sabi ni Kid kay Cedric sabay halik sa ilong nito.
"I love you Kid".
"I love you too Cid".
At nag halikan muli ang dalawa habang nakababad sa pool.
Pag kuwan, umahon ang dalawa at nagpunta sa canteen ng resort para kumain. At habang nag hihintay sa kanilang order. Sumeryuso nang tanong si Cedric."Tayo na ba?"
"Anong ibig mong sabihin?" Paglinaw ni Kid.
"Ikaw ako, tayo na ba talaga officially? Mag jowa na ba tayo?" Tanong pa ni Cedric.
"Anong klaseng tanong iyan? After ng mga ginawa natin, tinatanong mo pa kung ano na tayo? Wow pare, kaka I labyuhan na tayo kanina lang sa pool diba? " Natawang tugon ni Kid.
"Yeah for me, tayo na. Pero hindi ko alam sa iyo. Ano ba ako sa iyo? I mean, hindi naman puwedeng dalawa kami ni Cha ang makikihati sa iyo diba?" Sabi ni Cedric.
"So, sinasabi mo na , dapat kong mamili between you and my girlfriend, ganun ba iyon?" Tanong ni Kid.
"What if malaman ni Cha ang tungkol sa atin?" Tanong ni Cedric.
"What if malaman ng parents ko ang tungkol sa atin? You know what, bago palang sa akin ang ganitong set up, itong relasyon na ito. At hindi pa ako ready to move out in public. Conservative ang family ko. At napaka sensitive nila sa mga ganitong sitwasyon." Sagot ni Kid.
BINABASA MO ANG
Dirtiest Dad
ActionDahil sa kanyang magulang, napilitan si Cedric na ilako ang katawan nito para sa kanyang kapatid. Naging malaking lihim ito para sa mga taong malapit sa kanya lalong lalo na kay Kid. Ang tanging tao na naniwala at nagtiwala sa kanya. Ngunit ang kina...