Sakay na ng bus si Eric pabalik sa siyudad. Galak at takot parin ang umiiral sa kanya. Kahit na wala na si Paul nariyan parin ang pangamba baka balikan siya ng mga tauhan ng mga kasusyo nito. Dahil hindi lang naman si Paul Ang minsan naging amo nito.sinadyang magpahaba ng buhok si Eric at nagpatubo ng balbas para takpan ang kanyang mukha sa posibleng panganib na maaaring naghihintay sa kanya.
Nang makababa sa terminal agad na dumeritso si Eric sa dati nilang bahay. Papasok pa lang ito sa looban nang mapansin nito ang mga kabaranggay na nakatingin sa kanya. Para itong estranghero sa sariling lugar. Nang malapitlapit na sa kanilang bahay nagtaka ito bakit mayroon ng ibang naroon sa kanila. Nag alangan itong tumuloy.
Lumapit sa kanya ang kaibigan ni Cedric na si CJ na malayo palang sinisipat na siya nito.
"kuya Eric?" nang mamukhaan nito si Eric ngunit may pag dadalawang isip.
"CJ, ako nga ito." ngumiting tugon ni Eric.
Hindi napigilan ni CJ Ang sarili sa tuwa at napayakap ito kay Eric nang mahigpit. Nagulat naman si Eric sa reaksiyon ni CJ.
"naku sorry kuya, matuwa lang Ako at masaya ako kasi bumalik ka na. Halika ka muna sa bahay kuya, kumain ka muna sa amin."
"teka lang CJ, nasaan na Ang mga tao sa bahay? bakit iba na nakatira diyan?" tanong ni Eric.
"Wala na diyan ang mga magulang mo kuya pati mga kapatid mo. Lumipat na sila. Pero huwag kang mag alala dahil iyan ang katabing bahay na iyan, Ang may pulang gate, iyan sa iyo parin iyan. pinagawa ng ama mo para sa pagbalik niyo. Naku kuya marami akong i-kukuwento sa Inyo, pero doon muna tayo sa bahay sakto kasing birthday ni lola."
Tumuloy saglit si Eric kina CJ. Doon muna ito nagpalipas ng ilang oras bago pumasok sa sinabing bahay ni CJ.
"kami ni lola ang nag lilinis dito araw-araw , para hindi naman maluma at maalikabukan Ang loob. tapos Ang dati niyong bahay ginawang paupahan ngayon ng mga magulang niyo. Kada katapusan nandito ang mama mo para maningil ng renta." kuwento ni CJ habang iginigiya si Eric sa sariling bahay nito.
Nanibago si Eric sa ganda ng ayos ng bahay, parang naligaw sa eskwater ang buong loob ng bahay, kungkreto, de tiles, at kumpleto pa sa gamit. may ikalawang palapag ito na may dalawang kuwarto, na sinadya para sa kanila ni Cedric.
"pinagawa talaga iyan ng ama mo para sa Inyo ni Cid sakaling bumalik kayo. Alam naman kasi ng mga magulang niyo na ayaw niyo na talagang bumalik sa kanila." dagdag pa ni CJ.
"Si Cedric,nasaan siya ngayon?" tanong ni Eric
"Kasama ni Joshua, magkasama kasi sila sa trabaho. huwag ka mag alala maayos na ang buhay ng kaibigan kong iyon. Magbihis kana muna kuya at tatawagan ko si Cid. tiyak na matutuwa iyon pag nalaman niyang nandito kana. Matagal narin kasing hindi nagagawi dito Ang kapatid mong iyon."
"Sige,salamat CJ. maliligo na muna ako. tapos kuwentuhan mo pa ako,"
Nakabalik na nga si Eric. At hindi lang ang malalapit sa kanya ang naghihintay sa kanyang pagdating.
"sino itong pinadala mo sa aking larawan?" tanong ni Francis sa kausap nito sa cellphone.
"kuha iyan ng bata na inutusan ko sa dating tirahan ng Eric. Sabi niya si Eric daw iyan kakauwi lang sa kanila." sagot ng kausap.
"ganun ba, mabuti naman at may update agad. magaling. Gusto kong kumpirmahin mo kung siya talaga ito. Tapos Ako na ang bahala. Ipapadala ko na lang sa iyo ang pera" at tinapos ang usapan sa cellphone.
Gumuhit ang makahulugang ngiti sa mukha ni Francis matapos marinig ang para sa kanyang magandang balita. Samantala sa pinagtatrabahuan ni Cedric, habang naka break napag usapan nila ni Joshua ang tungkol sa kuya nito.
BINABASA MO ANG
Dirtiest Dad
ActionDahil sa kanyang magulang, napilitan si Cedric na ilako ang katawan nito para sa kanyang kapatid. Naging malaking lihim ito para sa mga taong malapit sa kanya lalong lalo na kay Kid. Ang tanging tao na naniwala at nagtiwala sa kanya. Ngunit ang kina...