"GALAW"

2.2K 37 2
                                    


Pagkababa palang ng tatlo sa kotse ni Kid naging clingy  si Vinz kay Kid. Agad niya itong inakbayan papasok. Nakasunod naman si Cedric na bitbit ang mga pinamili nito.

Sa elavor, naging mas masalita na si Vinz. Panay ang pabida nito kay Kid. Pansin iyon ni Cedric pero dahil sa Kilala niya na si Vinz hindi na lang nito pinansin.

"Loosen up bro, masyado ka namang tahimik diyan. Huwag kang kabahan, chill lang tayo dito. Subrang safe dito, diba pare. Ako bahala sa iyo." Pag papakalma ni Vinz kay Kid na tila alangan din kung bakit siya nandoon.

"Ayos dito pare, hayaan mo mag eenjoy ka. Kalog din itong si Vinz." Pag sang ayon ni Cedric.

Pagkatuloy nila sa loob ng condo ni Vinz na mangha agad si Kid sa napaka astig na ayos ng unit.

Pagkatuloy nila sa loob ng condo ni Vinz na mangha agad si Kid sa napaka astig na ayos ng unit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang dami mo palang koleksiyon ng mga gitara, nag gigitara kaba? Nag babanda?" Tanong ni Kid.

"Frustrated musician lang, nag gigitara ako minsan. Napagtripan ko lang gawing koleksiyon ang mga iyan. Ewan ko nga ba bakit nahilig ako diyan. Ikaw ba mahilig ka mag gitara?" Balik na tanong ni Vinz kay Kid.

"Libangan ko madalas ang pag gigitara. Meron din akong koleksiyon nito sa kwarto ko.  In fairness ang angas ng unit mo, astig. Gusto ko nang ganitong ayos sa kuwarto ko. Mukhang Cluttered pero organize."  Sabi pa ni Kid.

"Gusto mo ba gawin nating ganito ang kuwarto mo? Sabihin mo lang me -make over ko ang kuwarto mo nang libre. Ako lang lahat may ediya at gawa nito. Salamat at na appreciate mo." Tugon pa ni Vinz habang tinu-tour si Kid sa unit nito.

Nakatingin lang sa kanila si Cedric. Biglang nakalimutan ng dalawa na naroon din siya. Nakaramdam ng kunting kalabit ng selos si Cedric. Mabilis nitong inilatag sa mesa ang mga biniling beer at pulutan.

"Halina kayo, umpisahan na natin ito nang maka uwi kami agad ni Kid." Sabi ni Cedric.

"Uuwi agad kayo? Dito na kayo mag sleep over pare. Kasya naman tayo ditong tatlo." Sabi ni Vinz.

"Hanggang ten lang ang curfew ni Kid pare, kailangan niya ding umuwi. Baka pagalitan pa iyan sa kanila. Masisi pa ako." Tugon ni Cedric.

"Hindi, ayos lang pare...wala naman akong balak umuwi ngayon.  Hindi naman ako hahanapin sa amin, kaya ayos lang sa akin na dumito tayo." Sabat ni Kid.

"Ok naman pala eh. Ayos iyan, ano gusto mo pare? Sound trip o manood tayo ng movie?, maraming bago ngayon sa Netflix." Sabi naman ni Vinz.

Napatango na lang si Cedric, at naupo sa couch kaharap si Kid.

"Movie na lang pare," sagot ni Kid.

Naunang mag bukas ng beer si Cedric, saka inabutan nito si Vinz. Ngunit nagulat ito na Ang kanyang binigay kay Vinz ay inabot din nito kay Kid.

"Mamaya na ako pare," sabi ni Vinz.

Lumipas ang mga minuto at Oras, naparami na nang inum ang tatlo. Nag ka palagayan ng loob ang dalawa Kid at Vinz, subrang close na ng dalawa na halos hindi na maisingit ni Cedric ang sarili nito sa usapan nila. Lalo na nang tinabahin pa ni Vinz si Kid sa kina uupuan nito.

Dirtiest DadWhere stories live. Discover now