"PALAG"

1K 24 1
                                    

"Sino iyang kasama mo? Ang yummy ha."

"Tigilan mo nga iyan, baka mailang." Tugon ni Venus

"Sino ba kasi yan?. Akala ko ba, hindi mo bet ang mga ganyang tipo." Ayon pa sa Amiga ni Venus.

"Hindi ko naman ka ano ano iyan, bagong laruan iyan ni Paul." Sabi pa ni Venus.

"Sinulot mo?"

"Gaga hindi, sinama ko lang mukhang malalim din ang pinag dadaanan niyan sa buhay. Kaya niyaya ko dito para naman marelax. Napagalitan din kasi ni Paul." Paliwanag pa ni Venus.

"At kelan kapa naging concern sa mga lalake ng asawa mo.  Alam mo ,tigil tigilan mo ako. Support Ako sa paging marter mo diyan sa asawa mong kloseta, pero ang tapatan ang mga kalandian niya. ekis iyan sa akin. Aawayin talaga kita."

"Tenge, may respeto pa ako sa sarili ko nuh. At iba si Eric sa mga lalake ni Paul,. Hayaan mo lang sa diyan. Ngayon lang naman iyan. Siya muna body guard ko." Ayon pa kay Venus.

"Talaga lang ha? Nakita ko kanina iba ang titigan niyong dalawa. Naku V ha, ingat ingat ka baka baliktarin ka ng asawa mo kapag nahuli ka niya. At alam mo naman siguro ang estado niyo sa lipunan, lahat ng masisilang mata nakatingin sa Inyo. Baka magulat ka na lang nasa headline na ang mukha niyo." Paalala pa ng amega ni Venus.

Ang pagtatagpo at pag sasama nina Venus at Eric ay kanilang nilihim sa karamihan. Pero ang hindi nila alam, may nakasunod sa kanilang anino na siyang maglalagay sa kanila sa panganib.

"Saan ka naman galing? Bakit wala ka sa oposina mo kanina?" Tanong ni Paul nang dumating si Venus.

"Dapat pa bang ipa alam ko sa iyo? Hindi ba wala ka nang paki alam sa akin?" Sagot ni Venus

"Ako parin ang boss mo. Kaya may karapatan Ako na alamin kung nasaan ka!" Sumbat ni Paul sa asawa.

"Fine ,I'm resigning. So stop asking me na as if connected pa tayo! Sa iyo na ang kumpanya mo. Huwag mo nang pakialaman ang mga kilos at bahala ka na rin sa buhay mo. Sukang suka na ako sa iyo!." Sagot ni Venus

Akmang sasaktan ni Paul ang asawa nang mag banta si Venus.

"Sige saktan mo ako. Gawin mo ang mga gina gawa mo sa mga patapon mong laruan. Sige saktan mo ako. At sisingaw ang baho mo. "

Natigilan si Paul alam din niya ang kayang gawin ng asawa niya. Sinimot ni Venus ang mga gamit nito at nilagay sa malaking maleta.

Habang nag iimpake sa kanyang kuwarto ,tumunog ang cellphone nito.

"Sa dating tagpuan, doon tayo magkikita." Ang sabi ng lalake sa kabilang linya.

Pagkababa ng telepono dinukot ni Venus ang pinunit na kapirasong papel na may nakalagay na address.

Tapos na ito sa pagliligpit ng mga dadalhing gamit ng pumasok si Paul. Parang sinapian ng demonyo si Paul na nanlilisik ang mata sa galit. Bitbit nito sa mga kamay ang manipis na alambre.

Hindi namalayan ni Venus ang pag pasok ni Paul dahil abala ito sa pag bibihis. Nasa huling pag bubotones na ito nang binigla siya ni Paul. Mahigpit na pinulupot ni Paul ang manipis na alambre sa leeg ng asawa. Panay ang panlalaban ni Venus para makakawa sa pananakal ni Paul. Ngunit tila dumuble ang lakas ni Paul, subrang gigil nito at nakangisi pa habang sinasakal si Venus.

"Kayong mga babae ang peste sa buhay namin. Mga taksil kayo. Dapat sa inyo maubos. Wala kayong kuwenta!  Hayop kayo." Sambit ni Paul habang hinihigpitan ang pagkakabuhol ng alambre sa leeg ni Venus.

Nangisay ang huli at bumigay na lang. Wala nang buhay si Venus. Lumuwag ang pagkakasakal ni Paul at bumulagta sa sahig ang wala nang hiningang si Venus.

Dirtiest DadWhere stories live. Discover now