BATIHAN

800 16 1
                                    

Isa-isa nang napupuno ang grand venue hall ng mansion ni Kid ng mga dumarating na bisita. Mga artista at mga kilalang personalidad at influencers sa social media, mga politiko, negosyante at mga piling  pinuno ng military at pulis na minsan nang mga kakilala ng ama ni Kid na si Paul. Ilang minuto pa at magsisimula na ang engranding palabas na pasisimulan ni Kid.

"uy Tito tita , bakit nandito kayo? Doon na tayo sa venue hayaan niyo na iyan sa mga katulong, nandoon na rin si Cid. pa assist ko na kayo sa table niyo."

"Ikaw ang mag handa na Kid, party mo ito, para sa iyo ang gabing ito. Susunod na kami, malapit na kami dito." Tugon ng Ina ni Cid kay Kid.

"Hihintayin ko lang dito ang tito Jimbo mo, susunod na kami." sabat pa ni Celso.

"Sige po. Pupuntahan ko na ang mga bisita." Sabi pa ni Kid, at nagpatuloy na ito sa venue.

Mahigpit ang security sa mansion, bagamat walang imbitasyon at bukas ang pagsasalo sa lahat. Sinisiguro ng mga security staff na lehitimo ang mga dadalong bisita ,gamit ang mga scanner at mga ID ng bisita.

"Excuse me madam, for security record paki type in po dito ng name niyo, at pa scan na din ng fingerprint  niyo sa parting ito."

"Marinig salamat madam Eva ,enjoy the night this way please."

Nagsimula na ang event sa mansion, at live itong napapanood sa official mytube ng team ni Kid. At kinukuber din ito ng mga kilalang tv network. Mula pa sa leagacy ni Paul ang pamilya nila ni Kid ay kilala na dahil sa mga ilang pagtulong at pagsupurta ni Paul sa mga mamayan na sakop ng kanilang lugar. Hindi man ito nalinya sa politika noon ang mga kawang gawa ni Paul lalo na sa mga mahihirap ang naglagay sa pangalan ng kanilang pamilya sa pupolaridad. At sa planong pag sabak ni Kid sa politika ang ingay na nilikha nito ay tila Bomba na nagpayanig sa mga nakaupo ngayon sa puwesto at sa mga makakalaban nito.

Matapos magpakilala sa lahat, nagkaroon ng maikling press conference si Kid.  Kasunod nito isa Isa nang nilapitan ni Kid ang mga bisita para kamayan at kilalanin. Hinanap ni Kid si Francis sa mga dumalong bisita,ngunit gaya ng inaasahan hindi ito dumalo. Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap ni Kid sa mga bisita, isang babae ang lumapit sa kanya, may edad na ito ngunit maninag parin ang aking ganda nito. Takaw pansin sa suot nitong makintab na pulang sexy na damit. Maging ang mga kausap ni Kid na mga negosyante at politiko na patulala at napahanga sa babae. Nilapitan ito ni Kid at nakipagkilala.

"Isang karangalan ang makatagpo ng isang napakagandang rosas sa disyerto ng mga cactus ngayong gabi. Maari ko bang makilala ang napakagandang babae sa gabing ito?"

"Eva Griffin, it's my pleasure to meet our future mayor."

"Eva Griffin, sounds familiar hindi ko lang alam kung saan ko narinig o nakita ang pangalan mo."

"Maybe sa fashion magazine, I'm the owner of FavGlam publishing company here and abroad."

"wow, that well-known publishing company? Nakakatuwa naman at kaharap ko ngayon ang master behind the success of FavGlam. Sana nag i-enjoy ka sa gabing ito."

"Definitely honey, and congratulations in advance, ngayon pa lang sinasabi ko sa iyo panalo ka na. And my team are willing to help you in this journey. Sobrang informal nito, but I have a proposal, we want to work with you. And the very reason why I'm here is to know you more ,for my magazine.  Kami na ang bahala sa lahat, pati na sa publicity mo."

"Sounds good, but I do have my team na. But still susubukang kong i- consider ang offer mo. And really, I'm happy to met you."

Nakita ni Cedric ang pakikipag-usap ni Kid sa babae, at hindi ito mapakali nang makita ang babae. Kamukhang kamukha ito ng babaeng nakasabayan nila sa eroplano at sa airport. Kaya nang maka tiyempong masolo si Kid, tinanong agad nito ang tungkol sa babae. Nang makuha ang impormasyon , hinanap agad ito ni Cedric sa site ang pangalan nito.

Dirtiest DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon