Maagang nag lambing si Cedric kay Kid. Nauna itong nagising kay Kid at naghanda ng breakfast para sa kanilang dalawa. Nakatulokbong pa ng kumot si Kid nang lapitan ito ni Cedric.
00p"Baby gising na, pinagluto kita ng paborito mong breakfast." paggising pa ni Cedric kay Kid.
"Mamaya na baby, masakit ang ulo ko. Masama ang pakiramdam ko. Ikaw na lang muna. Matutulog pa ako." Ang tanging tugon lang ni Kid kay Cedric.
"Baby ,ok ka lang ba? Napapadalas nang sumasama ang pakiramdam mo ah. Nagpa check up ka na ba?" pag alala ni Kid.
"Stress lang ito, mamaya lang ok na ito. Sige mauna ka na lang baby. " ayon pa kay Kid.
Hinayaan na lang ni Cedric si Kid. Bumaba ito dala pabalik ang almusal na hinanda para sana sa kanilang dalawa ni Kid. Sinalubong ito ng kanilang katulong.
"Pang ilang araw na yatang deadma ang effort mo sir ah. Mukhang unti unting umaalat na ang lasa ng dating sweetness niyong dalawa. Di kaya dahil sa bagong lalaking sumusundo dito sa kanya sir?". Sabi agad ng katulong.
"Sinong lalake? baka naman tauhan lang niya iyon. At ikaw bawas bawasan mo nga iyang pagiging marites mo, baka marinig na nun at mapagalitan kapa." tugon ni Cedric
"Hindi Ako nagmamarites lang sir, concern lang po ako sa relasyon niyo. Saksi kaya ako sa journey ng relasyon niyo. At sir, mas naawa kasi ako sa inyo. Dati si doc Francis ngayon may bago na mang umi-eksena sa inyong dalawa. At imposibleng tauhan lang iyon ni Sir Kid. Dahil nakita mismo namin ni Melay kung paano halikan ni sir Kid ang lalake, na para bang sinasadya pa mismo ni sir na makita namin sila." kuwento pa ng katulong.
Tumahimik si Cedric, iba na naman ang tumatakbo sa kanyang isip. Matapos iwan sa kusina ang pagkaing dala. Bumalik agad ito sa kanilang silid. Bubuksan na sana nito ang pintuan ng kanilang silid nang marinig nitong may kausap si Kid. May kinakausap nga sa kanyang cellphone si Kid. Pumasok si Cedric, at sakto namang tinapos ni Kid ang usapan nito sa kanyang cellphone.
"sino iyon baby." tanong ni Cedric
"tauhan ko sa site, may problema daw sa mga materials, kailangan ko munang puntahan." tugon ni Kid
"aalis ka? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo. may mga in charge na tao ka naman siguro doon. ipagawa mo na lang sa kanila. Kailangan mo munang magpahinga. " Sabi pa ni Cedric.
"Ayukong paulit-ulit ang trabaho, kaya mas mabuting nakikita ko mismo. And don't worry baby I'll be ok. Siya nga pala hindi na ako mag didiner dito mamaya. May dinner meeting ako with the investor. Kung gusto mo dito mo na patulugin si Joshua, baka ma bored ka sa paghihintay sa akin. Hindi ko alam kung until when kami matatapos. O baka sa hotel narin ako magpapalipas ng gabi. doon mismo sa venue." ayon pa kay Kid.
"Araw araw ba talaga ang meetings at mga appointments mo, eh halos hindi na nga tayo nagkikita dito sa bahay ah. Puwede ba kahit ngayong araw lang na ito mag sama naman tayo baby. I miss you na baby. Na miss ko na ang dating tayo." para pa kay Cedric.
Halos hindi na nga nag tatagpo ang mga oras nilang dalawa. Dahil sa tuwing uuwi si Cedric galing sa kanyang negosyong resto bar, tulog na si Kid. At kapag gumising naman ito Wala na si Kid dahil subrang aga din nitong umaalis. Magtatagpo man ang dalawa ngunit hindi rin naman sila nakakapag usap nang maayos dahil kung hindi pagod , masama ang pakiramdam ng Isa sa kanila.
"Alam mo ang mga nangyayari sa negosyo ko. kailangan kong habulin Ang mga nawala sa akin. at Isa pa baby, para naman ito sa atin. Nagkikita naman tayo dito, kahit papano.Kaya nga hinahayaan na lang kita sa sarili mong resto bar, para malibang ka naman habang wala ako. Si Joshua nariyan naman sakaling ma miss mo ako." sagot ni Kid na tila may kunting pahingin kay Cedric patungkol sa best friend nitong si Joshua.
BINABASA MO ANG
Dirtiest Dad
ActionDahil sa kanyang magulang, napilitan si Cedric na ilako ang katawan nito para sa kanyang kapatid. Naging malaking lihim ito para sa mga taong malapit sa kanya lalong lalo na kay Kid. Ang tanging tao na naniwala at nagtiwala sa kanya. Ngunit ang kina...