Part 4

44 6 0
                                    

"CALLEB??" wala sa sariling sigaw ko dito ' agad naman nitong tinakpan ang bibig ko'

" shhhh' wag kang maingay ' hihi Sorry-- sorry po" nahihiyang paumanhin nito sa mga ibang kasama namin dito sa cafeteria, napatingin naman ako sa mga ito na ngayon ang sama na ng tingin sa amin' nginitian ko naman ang mga ito na tila di ko sinasadya' natawa naman ako sa sinabi nito haha si Calleb ang gusto nito akalain mo yun may nag kakagusto din pala sa babaerong yun' napatingin naman ako sa Cellphone ko ng tumunog ito.

1 new message

Agad ko naman itong binuksan napakunot naman ang noo ko na makita ito'

Did i hear my name? princess? haha

From:Calleb

Agad ko naman itong tiningnan sa di kalayuan' natatawang tumingin naman ang mga ito sakin kaya mas lalo akong nainis dito'

"tapos kana bang kumain?" takang tanong sakin ni Sarah' napatingin naman ako dito sabay tago sa cellphone ko.

" ah 0o tapos na ikaw ba??" nakangiting sagot ko dito' mukhang tapos na rin ata ito

" tapos na rin' tara bumalik na tayo baka malate na tayo sa last subject natin" nakangiting sagot nito' sumang ayon naman ako dito sabay tayo na rin'nag lakad na rin kami palabas ng biglang natipalok ako agad naman ako napahawak kay Sarah pero huli na ang lahat.

" Aahhh" wala sa sariling sigaw ko sabay upo sa sahig' napatingin naman ako sa may gawa nito,hinarang nito ang paa nito para ma tisod ako sakaling dadaan ako sa tabi nito at yun nga ang nangyari, Agad ko naman itong tiningnan nang masama.

" tara na Cassandra umalis na tayo" natatarantang sagot sakin ni Sarah dali dali naman ako nitong hinila palabas'

"okay ka lang bah?? may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong nito sakin,nginitian ko naman ito .

" Nako wala yun okay lang ako tara na baka malate na tayo" pag aalok ko dito patakbo naman kaming pumunta sa building namin at sakto kakarating lang ng teacher namin, umupo na rin kami sa kanya kanyang upuan namin.Maya maya pa ayy nag umpisa na ang klase at halos lahat na rin na ka- klase namin ayy nandito na, di na rin ako nag abala pang makinig kasi alam ko na ang mga subject na ito ' hindi naman sa pag mamayabang ee kahit di na kami mag aral ng mga kambal ko alam na namin ang mga ito bata palang kami tinuro na sa amin ito ng mga private tutor namin kaya masyadong advance din kami minsan sa mga nalalaman.
Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan at nag paalam naman ako sa teacher namin na lalabas lang, pumayag naman ito at dali dali na rin akong lumabas ' napailing nalang ako dahil medyo malayo pa ang banyo sa classroom namin kaya patakbo akong pumunta ng banyo 'dali dali naman akong pumasok sa loob at tinawag na ang kalikasan ' nakahinga naman ako ng maluwag ng mailabas ko na ito kaya't nag hugas na rin ako ng kamay at nag ayos na ngayon ko lang napansin na malaki din pala itong banyo na pinasukan ko kasing laki din ito ng classroom namin , napailing nalang ako dito at lumabas na rin maya maya pa ay napatingin ako sa lalaking kakalabas lang din ng banyo at sakto nag kasalubong kami nito, napangiwi naman ako ng makita kung sino , ito yung lalaki sa office kanina kung di ako nag kakamali.

" Small world " inis na sagot nito sabay tingin sakin' agad naman akong nag iwas ng tingin at tila di ito nakita ' aalis na sana ako ng higitin nito ang braso ko.

" arayy" wala sa sariling sigaw ko dito ng hawakan nito ng mahigpit ang braso ko.

"Where do you think your going? tatakasan mo na naman?" seryosong sagot nito sakin .

" bitawan mo nga ako' di kita tatakasan at teka?? wala naman akong kasalanan sayo ah?" takang sagot ko dito sabay alis sa kamay nito pero mahigpit pa rin itong nakahawak sa braso ko.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now