Part 20

29 7 0
                                    

"Teka nga lang san mo ba ako dadalhin" inis na sigaw ko' sabay pumiglas dito.

"Miss Walker hindi ba dapat nasa gym ka ngayon nag lilinis ?" seryosong sagot nito sabay hila sakin.

" teka nga lang(sabay layo ng kamay ko dito)tsk ano?? haha para malaman mo MR. PRESIDENT tapos ko na po linisin ang BUONG gymmmm na pinapalinis niyo makakauwi na po ba ako??"inis na sagot ko dito' taas kilay naman akong tiningnan nito sabay bukas ng pinto ng gym at pasok nito' taas noo ko naman itong sinundan sabay tingin dito' nakita ko naman itong seryosong nakatingin sa buong gym.

" nakikita mo ba lahat yan??? ako nag linis niyan so?? pwede na ba akong umuwi ngayon? tskk" inis na tanong ko dito di naman ito sumagot sa halip nag lakad lang ito at binuhat ang isang karton na puno ng basura at nilapag sa tabi ng stage kung saan malapit sa mga ibang basura.

"tskkk ano bang problema ng lalaking to " wala sa sariling bulong ko' lumapit naman ako dito at pinag masdan ito napakunot naman ang noo ko makitang namumutla ito' teka?? may sakit ba siya?

" Tucker?" wala sa sariling tawag ko dito, tiningnan naman ako nito saglit sabay ayos ng iilang karton mukhang may mali ata sa lalaking to.Di naman ako mapakali dito dahil iba na ang kinikilos nito,lumapit naman ako dito sabay hila sa kamay nito na ikinagulat nito.

"What??" seryosong tanong nito sabay tingin sakin.

"uhmm...okay ka lang??" naiilang na tanong ko dito ' hmm kahit di kami nag kakaintindihan nito syempre nag aalala rin ako'baka mamaya ano pang sabihin nito sakin tsk.

" I'm fine!" seryosong sagot nito sabay layo ng kamay nito tumalikod naman ito sakin sabay lakad nito maya maya pa ayy huminto ito sabay hawak sa noo nito,di naman ako nag dalawang isip at lumapit na agad dito.

"Tsskk talaga lang huh?? " natatawang sagot ko dito sabay tingin dito nakayuko lang ito habang hawak hawak ang noo nito'taka ko naman itong tiningnan.

"Tucker okay ka lan------ teka anong ginagawa mo?" wala sa sariling sigaw ko dito ng bigla na lamang itong napayakap sakin sabay patong ng ulo nito sa balikat ko halos di naman ako makagalaw sa ginawa nito'

" lumayo ka nga sakin!!" inis na sagot ko dito sabay hawak sa braso nito nahagip naman ng kamay ko ang mukha nito kunot noo ko naman itong hinawakan sa noo sabay tingin dito.

" Teka?? ang taas ng lagnat mo" wala sa sariling bulong ko dito namumula ito at sobrang init ng buong katawan nito, maya maya pa ayy lumayo na rin ito sabay hawak sa noo nito.

"Ang tass ng lagnat mo " sagot ko dito

" tskk" seryoso lang ito sabay lakad palabas ng gym ' nababaliw na ba siya?? tsk bahala siya sa buhay niya buti nga sa kanya ' inis na bulong ko dito nag lakad na rin ako palabas ng gym' napansin ko namang wala na ito' at iilang istudyante nalang ang narito sa Academy nag simula na rin akong mag lakad ' hmmm nakakapagod talaga ang araw na ito' hanggang ngayon nararamdam ko pa rin ang sakit sa buong katawan ko.0o nga pala si Williams iniwan ko lang ito kanina sa cafeteria dahil bigla na lamang akong hinatak ng lalaking yun, patakbo naman akong pumasok sa loob ng cafeteria at wala na nga si Williams siguro naiinip na iyon kakahintay sakin.

"iha??? si pogi ba hinahanap mo?" biglang tanong sakin nung matandang babae si Williams ang tinutukoy nitong pogi.

" ahh opo lola' nakita niyo po ba siya?" nakangiting tanong ko dito.

"pinapasabi niya na mauuna na raw siyang umuwi sa iyo may pupuntahan pa raw siya kamo" sagot ni lola' ngumiti naman ako dito sabay pasalamat, kung ganon mag isa na lamang ako nitong uuwi.Nag lakad na rin ako palabas ng cafeteria at nag lakad lakad na rin napahinto naman ako sa tapat ng President office' hayss ang lalaking yun diko naman maiwasan di magalala dito' pano niya kaya nagawang mag trabaho sa lagay niyang yun tskk ' buti nga sa kanya sabay lakad ulit.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now