Part 10

44 6 0
                                    

"Nako iha hindi ka pwedeng pumasok"

"Kuya guard heto po ohh?? may nameplate rin po ako nag papatunay na dito po ako nag aaral" sagot ko kay kuya guard.

"nako iha alam naming dito ka nag aaral pero kailangan mo ring ipakita ang I.d mo" pag pipilit ng mga ito sakin na ilabas ang I.d ko napailing nalang ako sa mga ito.

"nawawala po ang I.d ko at kahapon ko pa po hinahanap kuya parang awa niyo na po papasukin niyo na po ako malalate na po ako" pag mamakaawa ko sa mga ito pero tila matigas din ang mga ito' nakaraang araw pa nawawala ang I.d ko ang huling tanda ko dito suot-suot ko pa ito nung nag charity foundation kami pero nung pag uwi ko diko na mahanap ito.

"hanapin mo muna ang I.d mo iha saka ka ulit bumalik dito mapapagalitan kami sayo" sagot ni kuya guard sa akin napailing nalang ako sabay alis haysss san ko nanaman hahanapin ang I.d ko tsk ang importante ngayon kailangan ko makapasok dahil ngayon ang exam namin at di ako pwedeng malate, nag lakad naman ako at nag hanap ng pwedeng madaanan may napansin naman akong puting pusa na tila nag lalakad ito papunta sa pader nitong academy di na rin ako nag dalawang isip at sinundan ito maya maya pa ayy umakyat ito sa puno sabay talon nito sa kabilang pader napangiti naman ako .

" nako thank you muning binigyan moko ako ng idea haha " nakangiting bulong ko inayos ko naman ang buhok ko sabay ipit dito maya maya pa ayy sinubukan kong tumalon para maabot ang tuktok nitong pader pero tila may kataasan ito ng kaunti kaya naman nag hanap ako ng pwede kong patungan buti nalang ay may malaking bato dito na malapit sa pader kaya pumatong ako dito sabay akyat '

" haha nako madali lang pala ee" natatawang bulong ko sabay upo tiningnan ko naman ang baba kung saan pwede akong tumalon at medyo may kataas lang ito kumpara sa kabila' napakunot naman ang noo makita ang baba nito.

"shuuuu!!! shuuu!!! ming..mingg umalis ka jan !!" sigaw ko sa pusa na ngayon naka upo ito at tila nakatingin saakin.

" umalis ka jan mingming!! nako naman di ako makakatalon sa ginagawa mo" pag sesermon ko sa pusa pero tila wala pa rin itong balak na umalis sa pag kakaupo nito.

"mingming parang awa mo na umalis kana jan bibigyan kita ng pag kain pag nakababa ako dito" pag uuto ko dito pero sa halip na umalis ito humiga pa ito at aliw na aliw na tinitingnan ako

"inaasar mo ba ako mingming pag ako ---

"What do you think your doing?" nagulat naman ako ng biglang may nag salita agad ko namang inikot ang tingin ko' kunot noo ko naman itong tiningnan si Tucker na tila seryosong nakasandal sa pader na nakatingin sakin maya maya pa ay nag lakad ito papunta sa direksyon ko.

"tumatakas kaba?" seryosong tanong nito sakin ' nagulat naman ako sa sinabi nito.

" na-ko hindi ah bat naman ako tatakas" sagot ko dito'

" really? "paninigurado nito' napailing naman ako dito sabay taas ng kamay na tila nag sasabi ng totoo

"0o mamatay ma---ahhhhh" nakangiting sagot ko dito sabay taas ng kamay ng biglang napasigaw ako na mapagtanto na di na pala ako nakakapit dahilan para ma walan ako ng balanse at ma laglag ako papunta dito, akala ko pa naman na sasaluhin ako nito sa halip kinuha nito ang pusa at binuhat nito sabay tingin sa akin na ngayon naka handusay sa sahig.

" are you okay??" seryosong tanong nito sabay tingin sakin bahang buhat buhat nito ang pusa.

" meowww" napa upo naman ako sabay hawak sa balakang ko.

" arayyy ko" sagot ko dito sabay tingin ng masama dito' lang hiya niligtas pa nito ang pusa kesa sa akin. Tumayo na rin ako sabay pagpag sa damit ko sabay tingin dito.

" your....25 mins late" seryosong sagot nito sabay tingin sa relo nito napailing nalang ako sabay tingin sa pusa na hawak nito.

" Ikaw!!! ikaw talaga yung may kasalanan ee kung di ka humarang sa tatalunan ko di ako malalate!" panenermon ko sa pusa pero agad naman nitong tinakpan ang tenga ng pusa na tila ayaw nitong marinig ang sasabihin ko dito.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now