Part 36

17 1 0
                                    

"Grabe nagugutom nako sobrang nakakapagod ang araw na to"

" Ano?? kumain muna kaya tayo?"

"Anong sa tingin mo Cassandra? "

" Cassandra?? hello??"

" huh??? " wala sa sariling tanong ko sa mga ito.

"tsk' Cassandra wag mo ng isipin yun" sagot ni Sarah' sabay akbay nito sakin.

" huh?? anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko dito.

" hay nako kahit di mo sabihin Cassandra nakikita namin na hanggang ngayon si Tucker pa rin ang iniisip mo" nagulat naman ako sa sinabi ni Sarah, 0o inaamin ko hanggang ngayon si Tucker pa rin ang nilalaman ng isip ko, hanggang ngayon di pa kami nag uusap nito simula nung may nangyari sa amin ni Laura at pati na rin nung araw na nalaman namin na anak pala siya ni Uncle  Harrison.Hindi ko inaakala na sa dami ng mga batang pwede maging anak ni Uncle Harrison  bakit si Tucker,pa hindi ko alam kung pano sasabihin or harapin si Uncle Harrison pag nalaman nito kung anong namamagitan sa amin ni Tucker.

"ano kaba Sarah matagal na yun" pag sasagot ko dito, nag kibit balikat na lamang ito sabay alok nitong kumain nag lakad na rin kami papuntang Cafeteria at nag simula na ring kumuha ng pagkain, umupo na rin kami sa di kalayuan at nag simula na ring kumain, napatingin naman ako kay sarah ng mapansin itong tila may hinahanap ito.

"Anong hinahanap mo sarah?" takang tanong ko dito,

" uhm mukhang nakalimutan ko ata yung gamot ko sa locker Cassandra" sagot nito.

"ganon bah? sige ako ng kukuha para sayo' may nakalimutan rin ako sa locker "sagot ko dito, nag paalam na rin ako sa mga ito na aalis muna, maya-maya pa ay napatingin ako sa di kalayuan Si Tucker nakatayo sa pinto papasok ng locker room napa buntong hininga naman ako at nag patuloy sa pag lalakad diko naman  ito pinansin at dumaan lang sa tabi nito papasok ng locker room, pasimple ko naman itong tingnan at ngayon ko lang napansin na tila puma-payat ito.Diko naman namalayan na nakatingin rin pala ito sakin, napalunok naman ako sabay iwas ng tingin dito. Agad ko naman  kinuha ang susi ng locker ni Sarah sabay bukas dito maya-maya pa ay may narinig akong tikhim sa likuran ko.

"Sarah Smithson 3406?  hmm is that a violation 13 Ms. Walker na bawal buksan ang hindi sayong locker? " rinig ko na sagot  nito sa likuran ko' agad naman akong humarap dito.

"Mr. President wala ba sa rules na pwede kami mag bukas ng locker ng iba hanggat may pahintulot ng may ari?" pag sasagot ko dito' maya-maya pa ay dahan dahan naman itong lumapit  sakin.

"Wala akong naalala na mayroong rules para jan Ms. Walker " seryosong sagot nito.

" wa-la kang na-alala?" wala sa sariling sagot ko dito na ikinagulat nito '

"Ms. Walker" seryosong sagot nito sabay layo sakin.

"Pagod nakong mag panggap na okay lang ang lahat Tucker" naiiyak na sagot ko dito.

"Wala kang naalala ??Tucker  nakalimutan mo na bang sinabi mo na mahal mo ako?? hindi pa ba sapat na nalaman mo na wala kaming relasyon ni Conan o kung sino man sa Huffin  kasi isa rin akong Huffin Tucker?? ibig sabihin lang nun mali lahat ng iniisip mo na may namamagitan sa amin ni Conan dahil mag kapatid kami, look Tucker gusto rin kita pero bakit bigla  ka nalang naging ganito? di pa ba sapat na nalaman mo ang tunay kong pag katao??" naiiyak na tanong ko dito.

"Ms...Wal--

"Huffin isa akong Huffin " seryosong sagot ko dito.

"Tapos na yun kung meron man akong nasabi, kalimutan mo na lahat ng yun" seryosong sagot nito" seryosong sagot nito, sabay talikod nito.

"Ganon lang kabilis sayo kalimutan Tucker??? mahal kita Tucker kahit sabihin mong nababaliw nako mahal na kit------

"TAMA NA!!!!" Sigaw nito sa harap ko na ikinagulat ko

"haha mukhang ang bilis mo atang maniwala Ms.walker diko akalain na hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa sinabi ko" natatawang sagot nito sabay tulak sakin sa pader.

"Ano bang gusto mo??? haha ito??--" sabay halik sakin nagulat naman ako sa ginawa nito.

" hmmmm-- " lakas loob ko naman itong tinulak' nanginginig naman ako sa galit at gulat sa ginawa nito.

" hahaha hindi  ba yun yung gusto mo?----

"tama na!!" sigaw ko dito' niiyak ko naman itong tiningnan ng masama.

"Hindi ko inakala na ganon ka palang klaseng tao' hindi ka pa rin nag babago Tucker isa ka pa ring bastos at makasarili " naiiyak na sagot ko dito sabay labas ng locker room.

Patakbo naman akong pumasok ng banyo ' napatingin naman ako sa salamin at di mapigilang naluluha sa nangyari.

"kinamu-muhinan kita Tucker" naiiyak na bulong ko dito. Maya-maya pa ay napatingin ako sa Cellphone na hawak ko si Sarah, agad ko naman itong sinagot

"Hello Sarah? " mahinang tanong ko dito,

"Cassandra asan kana?? nag aalala kami ni Williams kanina  kapa namin inaantay"

" huh?? uhm- sorry  Sarah  nakalimutan kong pumunta ng locker ..uhm biglang sumakit yung tiyan ko kaya di nako nakabalik agad jan" pag sisinungaling ko dito.

"huh?? ganon ba?? sige nasaan ka ngayon pupuntahan ka namin"

"nako wag na pa-uwi na rin ako" sagot ko dito

" Sige-sige Cassandra mag iingat ka balitaan mo kami kapag nakarating kana sa inyo"

" Sige salamat" agad ko naman binaba ang tawag. Sabay dail ulit.

"Hello kuya Moji??nasaan ka ngayon?"

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now